01: From Police Officer to Cupid.

262 15 0
                                    

Hazie's POV

Nababalot ng tensyon ang apat na sulok ng kwarto. Kasalukuyan akong nasa opisina ni Chief Xien habang nakaupo sa isang silya at ito'y matalim na nakatingin sa akin habang nakahalumbaba sa kaniyang desk. Huminga ako ng malalim at iniuwang ang aking bibig upang magsalita.

"Look, I'm sorry. I forgot," hayag ko at yumuko upang magmukha akong sincere sa paghingi ko ng tawad.

Napapikit at napangiwi naman ako nang malakas na hampasin ng Chief ang kaniyang desk na sinabayan niya pa ng pagtayo. Tanda na matinding galit ang nararamdaman nito at hindi sapat ang paghingi ko ng tawad.

"Sinong siraulong pulis ang makakalimutang may ide-defuse siyang bomba at muntikan nang pasabugin nu'n ang buong gusali?!" asik nito kasabay ng pagpapaulan niya ng kaniyang laway.

"Well, that's a stupid question. The answer is obviously me," sagot ko na halos ikasalubong na ng kilay nito sa sobrang pagkainis.

"Nasaan ka ng mga oras na 'yun?"

"Nasa bahay, nagkakape..."

"At nagawa mo pang magkape?!"

Hindi nalang ako umimik dahil paniguradong hahaba lang ang usapang ito kung iimik pa ako. What can I do? Past is past. Everyone is safe so why is he mad like I've killed a lot of people? Kung tutuusin ay mas marami pa akong nailigtas noon, at ito lang ang pagkakamali ko since nakalimutan ko nga... okay let's just say that this is my fifth time I forgot something to do that is related to my job and at the same time saving people.

Naglabas ng papel si Chief Xien at iniabot iyon sa akin kaya naman tinanggap ko iyon. Binasa ko naman ang nilalaman nu'n.

What a good news, it's a letter for suspension.

"Bibigyan kita ng tatlong linggong pagpapahinga. Ah mali, bibigyan kita ng tatlong linggo para lumayo sa harapan ko at nang hindi kita mabuhusan ng asido o mabaril sa sentido," lintana nito na ikinatango-tango ko at ibinalik ang aking paningin sa kaniya.

"Bakit hindi mo na lang gawing isang buwan?" suhesyon ko.

"Ah talaga? Baka gusto mong wala ng balikang trabaho?"

Ngumiwi ako sa sinabi nito. "O siya sige, pero huwag niyo akong bubulabugin sa pamamahinga ko."

"Sino namang mambubulabog sa'yo? Lahat ng tao dito ay galit sa'yo dahil pumalpak ka na naman," panunumbat naman nito na hindi ko na inimikan.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at parang lantang gulay na sumaludo kay Chief Xien. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas habang rinig ko ang mga sigaw sa akin ng Chief kung bakit hindi maayos ang pagsaludo ko sa kaniya pero hindi ko na siya muling nilingon. His voice is annoying. He talks a lot like a woman who's in her menopause. Inuugali niya ang ugali ng asawa niyang kinaainisan niya rin lang.

Lumabas na ako mula sa police station at nakahinga ng maluwag. Isa akong police officer pero pakiramdam ko ay parang may nakatutok na baril sa sentido ko kapag nasa loob ako. I don't know why since hindi naman ako napilitang i-persue ang profession na'to. This is my own decision... or maybe the problem is those I'm working with. They say they hate me, but that doesn't bother me, it's not that I like them too.

Naglakad-lakad na muna ako hanggang sa dalhin ako ng sarili kong paa sa plaza. Naupo ako sa isang bench upang mamahinga muna at magmuni-muni.

Alam kong malaking katangahan ang nagawa ko sa araw na'to. Why so? Well, nakalimutan ko lang naman na tumawag pala ang isa sa mga kasamahan ko at pinapapunta ako sa isang gusali para i-defuse ang bomba, pero dahil kagigising ko from overtime work, ay nawala sa isipan ko at hindi ako nakapunta. Luckily may ibang nag-defuse ng bomba. Sinasabi ko na nga ba't may nakalimutan akong gawin at iyon pala 'yun. My bad.

Remember Me, Binibini?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon