Hazie's POV
Kapwa kami walang imik ni Coco habang nakasakay sa kotse ko at bumibyahe pauwi sa bahay nila. Sinulyapan ko ito pero nakatingin lang siya sa bintana, mukhang hindi pa rin makapaniwala sa nalaman niya tungkol sa akin.
"Alam mo, bangungot sa akin ang ginawa mo. Patapos na nga ako ng kolehiyo pero binigyan mo pa ako ng sakit sa ulo. Also, sikat na nga ako pero mas pinasikat mo pa ako, grabe ka," pang-aasar ko rito kaya naman yumuko siya at namula ang kaniyang buong mukha.
"D-dare lang naman sa akin iyon," utal nitong sambit sa mahinang boses.
"Aish, kahit na, alam kong ginusto mo rin 'yun. Nang dahil sa'yo nagkaroon ako ng trauma sa mga nerd," sumbat ko naman na ikinasinghap nito.
"Pwede bang kalimutan na natin iyon? Nakakailang," usal niya na tinawanan ko.
"Ikaw pa talaga ang naiilang e ako itong nabiktma," saad ko na nginiwian nito at inirapan pa ako.
Matapos iyon ay natahimik na kami. Mukhang iniisip niya pa rin iyon kaya naman hindi ko na siya ginulo.
"Alam mo bang nag-ayos ako para sa'yo?" pambabasag nito sa katahimikan kaya naman natigilan ako at sinulyapan siya, pero nakayuko lang ito.
"Simula nang ginawa ko iyon ay inisip na kita. Alam kong dare lang iyon pero dahil doon ay nagkacrush ako sa'yo. Noong bakasyon na ay binago ko ang panlabas kong anyo at pagsapit ng pasukan ay nanlumo ako nang malamang hindi ka na nag-aaral doon. Pakiramdam ko ay nasayang ang effort ko at hindi man lang nakita ng lalaking dahilan ng pagbabago ko," pagkukwento nito na ikinangiwi ko.
Binago niya ang kaniyang sarili para sa akin?
"At bakit mo naman ginawa iyon?" tanong ko dahilan upang mapatingin siya sa aking direksyon.
"Kasi binully nila ako. Lahat ng babaeng kolehiyala, kapareho ko man ng course o hindi ay sinasabing hindi ako nababagay sa'yo dahil masyado kang gwapo at ako ay napakapangit. Na masyado kang sikat at ako ay wala lang. Na sobrang layo ng pagkakaiba natin at ang kapal ng mukha kong ginawa iyon sa'yo," paliwanag niya at malalim na bumuntong-hininga.
Kumurap-kurap na lamang ako at ipininokus na lang ang atensyon sa harapan. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong humarap ito sa akin at humawak sa kaniyang pisngi.
"Pero maganda na ako hindi ba? Nababagay na ba ako sa'yo?"
Naubo ako sa sinabi nito at kalaunan ay natawa. "Hindi ko akalain na ikaw 'yung tipo ng babae na iniisip ang panlabas niyang hitsura at ginagawa mo 'yan para sa akin," wika ko at ipinarada ang kotse ko sa tapat ng bahay nila sabay hinarap ito. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at nginitian siya. "Alam mo bang lahat ng gurong nakasaksi sa ginawa mo noon ay inaasahan na magkakatagpo ulit tayo? Ibig sabihin nu'n, kahit na pangit ka pa lang ay alam na nilang bagay tayo. Hindi ko lang alam iyon dahil mapili talaga ako."
Ngumiti ito at lumapit sa akin pero natigilan ito dahil pinipigilan siya ng seatbelt niya. Natawa naman ako at lumapit sa kaniya kaya naman nagdampi ang aming labi gaya ng gusto niyang gawin.
Lumalim pa ang halikan naming dalawa pero natigil iyon ng magring ang phone ko. Lumayo naman ako kay Coco at bumalik sa pagkakaupo ko.
"Sandali lang."
Inilabas ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Chief Xien kaya naman agaran ko iyong sinagot at itinapat sa aking tainga.
"Hindi ba't sinabi ko ng huwag niyo akong bubulabugin? Isa pa wala pang tatlong linggo, at saka wrong timing ka," panenermon ko rito at sinuklay paitaas ang buhok ko.
"Hazie, kalimutan mo na ang tatlong linggo at bumalik ka na sa trabaho mo bukas. Dumating na 'yung pinakahihintay mo, kaso na ng ama mo ang hahawakan mo," seryoso nitong sambit sa kabilang linya kaya naman sumeryoso na rin ako.
"May naglakas loob na?" untag ko at suminghap. "Mabuti. Sige, papasok na ako bukas."
"Sandali, magdala ka ng pasalubong."
"Anong pasalubong? Hindi naman ako umalis ng bansa, kung gusto mo ay dalhan kita ng buhangin."
"Napaka-kuripot mo talaga. Aish, bahala ka na nga riyan." Pinatayan na ako ng tawag ng loko kaya naman suminghap ako at ibinalik na ang phone ko sa aking bulsa.
"Sino iyon?" tanong ni Coco kaya naman tinignan ko siya.
"Si Chief Xien, boss ko," sagot ko pero pinaningkitan ako nito ng mata. "Lalaki siya," dagdag ko pa kaya naman tumango-tango ito. Seriously.
Lumabas na kami ng kotse at pumasok sa loob ng bahay nila, nadatnan namin si Tita na nagluluto ng hapunan kaya naman tinulungan ko siya habang si Coco ay nagtungo sa kwarto niya upang magpalit ng damit.
"Hindi ko akalain na marunong kang magluto. Sa hitsura mo ay mukhang hindi ka gumagawa ng gawaing bahay dahil marami kayong katulong," anas ni Tita habang nagpiprito ito at ako naman ay abala sa pagtitimpla sa iniluluto niyang sinigang.
"Ang totoo niyan ay mag-isa lang ako sa bahay kaya marunong akong gumawa ng gawaing bahay," sagot ko at tinakpan na ang kaldero sabay nagpresintang kunin ang sandok upang akuin na ang trabaho sa pagpi-prito.
"Nasaan ba ang mga magulang mo?"
Natigilan ako sa sinabi nito hanggang sa mapasigaw ako dahil tumalsik sa kamay ko ang mainit na mantika na ikinataranta ni Tita.
"Ayos lang, ako na," hayag ko at hinugasan ang kamay ko pero sobrang hapdi nu'n at nagsisimula nang mamula. "Patay na po ang Mama ko labing anim na taon na ang nakakaraan," tugon ko sa katanungan nito.
"E ang ama mo?"
Nagawi sa ibang direksyon ang aking paningin nang marinig ang tanong mula sa ibang boses, it was Coco, kararating niya lang.
"Sa kasawiang palad, buhay pa siya," sagot ko na ikinangiwi nito.
"Sa tono ng pananalita mo ay parang ayaw mo na siyang mabuhay, masama iyon. Ama mo siya kaya dapat ay mahalin mo siya at alagaan," pangangaral nito sa akin at inagaw ang kamay ko sabay hinipan niya iyon.
Hindi na lang ako sumagot dahil ayokong lumalim pa ang katanungan nila tungkol sa ama ko, hindi siya maipagmamalaking tao, sa katunayan ay nakakahiya siya, ikinakahiya ko siya. Naturingan akong pulis pero siya naman itong gumagawa ng krimen, talagang nakakahiya, lalo na kapag nalaman nila.
"Nga pala anak, bukas ay aalis kami ng papa mo para bisitahin ang kapatid niya dahil may sakit daw ito. Alam kong abala ka ngayon at may pinaghahandaan kang exam kaya hindi ka na namin isasama. Hijo, dito ka na lang muna tumira, ayos lang ba iyon?" lintana ni Tita na ikinanlaki ng mata ni Coco samantalang nakatingin lang ako sa kaniyang direksyon.
I'll stay here?
"Mama! Babalik na siya sa trabaho niya bukas kaya huwag na natin siyang abalahin pa," wika ni Coco.
"Ayos lang," sabat ko naman kaya napatingin sa akin ang dalawa.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Tita na tinanguan ko.
"Tutulungan ko rin si Coco sa pagrereview niya para pumasa siya," paliwanag ko at tinignan ito.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ako sanay na matulog sa bahay na may kasamang babae at dadalawa lang kami, lalo na't ganito pa ang relasyon namin. Hindi naman ako manyakol, pero lalaki pa rin ako at hindi ko kontrolado ang katawan ko sa mga ganoong bagay.
"Kung ganu'n ay maayos na ang lahat," sambit ni Tita at tinalikuran na kami upang ipagpapatuloy ang kaniyang ginagawa habang si Coco naman ay pinaningkitan ako ng mata.
Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.
Sana lang ay hindi ako sapian ng pagiging manyakol.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Binibini?
Romansa|| PART ONE || Love is everywhere. You can love anyone and even everyone. But soulmate isn't. Soulmate is only made for one person. Hazie Finnegan, a police officer, and Collette Hermosa, a college student, was entertwined by cupid, by destiny. Wil...