17: Target: Rob Pacle.

34 9 0
                                    

Hazie's POV

"Anong sabi niyo?"

Pinagmasdan namin ang mag-asawa at humigpit ang pagkakahawak namin sa kamay ng isa't isa habang nakatago ito sa ilalim ng mesa.

"Alam kong baguhan pa lang kami at masyado itong biglaan pero, gusto ko na talagang pakasalan si Coco, kung papayag kayo, ayos lang din kung hindi, naiintindihan ko," lintana ko kaya naman napalunok ang mag-asawa at nagkatinginan.

"Hindi naman sa ganu'n, nagulat lang talaga kami. Pero paano naman ang ama mo?" hayag ni Tita na ikinatigil ko.

"Kakausapin ko siya pero noong dinala ko si Coco sa bahay namin ay sinabi nitong payag naman siyang ikasal kaming dalawa. Susubukan ko na lang siyang padaluhin sa araw ng kasal kung hindi siya busy," tugon ko na ikinatango naman ng dalawa at ngumiti.

"Hijo, kampante kami sa'yo kaya papayag kaming ikasal na agad kayo," pahayag ni Tito na ikinatuwa namin ni Coco. "Kailan ba ang araw na napag-usapan niyo?" tanong pa nito kaya nagkatinginan kami ni Collette.

"Tatapusin pa po namin 'yung ilang mga proseso pero ang balak talaga namin ay pagkatapos ng graduation ko," sagot naman ni Coco na sinang-ayunan ko sa pamamagitan ng pagtango.

"Graduation? Hindi ba't bukas na iyon?" gulat na tanong ni Tita.

"Actually, matagal na namin itong napagplanuhan at nagsimulang asikasuhin ang mga dapat na asikasuhin. Ngayon lang namin sinabi dahil baka kasi akuhin niyo lahat ng gawain, gusto naman naming kami ang kumilos at tignan na lang ang kalalabasan," pahayag ko na ikinanlaki ng mata ng dalawa.

"Kung ganu'n ay kumikilos kayo ng hindi namin alam? Ayaw niyo bang tumulong kami?"

"Hindi naman po sa ganu'n, Mama. Gusto lang po naming magrelax kayo. Nakapagpatahi na nga po kami ng susuotin niyong dalawa ni Papa."

"Pero gusto rin naman naming tumulong kaya sana ay sinabi niyo."

"Tito, ayos lang talaga. Tinulungan kami ng nga kaibigan ko kaya wala ng problema. Sa ngayon, hihintayin na lang natin ang araw ng kasal."

Hindi na nakaangal pa ang dalawa at pumayag na kaya naman lumabas na kami ni Coco upang ipagpatuloy ang pagsasaayos sa lahat. Ang totoo ay tapos na ang lahat, dinodouble check lang namin para wala na talagang problema.

Habang tinitignan ang nakahanda ng damit namin ni Coco ay nagring ang cellphone ko kaya naman inilabas ko iyon at nakitang tumatawag si Chief Xien.

"Hazie, pasensya na kung bubulabugin ka muna namin pero may misyon tayo ngayon, at konektado ito sa ama mo," pamamalita nito kaya naman napatingin ako kay Coco at bumuntong-hininga.

"Sige. Pupunta agad ako. Hintayin niyo ako," tugon ko at binabaan ito ng tawag. "Coco, kailangan ko munang umalis dahil may gagawin pa kami," pamamaalam ko rito na nginitian niya naman at tumango.

"Mag-iingat ka ha? Tandaan mo, ikakasal pa tayo," habilin nito na tinawanan ko at hinalikan ang labi nito.

"Umuwi ka na agad, huwag mo na akong hintayin dito, okay?" bulong ko at muli siyang hinalikan sa labi. "Babye."

Nagmamadali akong tumakbo palabas hanggang sa marating ko na ang kotse ko. Mabilisan ko itong pinaharurot patungo sa station at nagpalit ng uniporme sabay tumabi sa kanilang anim.

"Isang lumang wearhouse kung saan kasalukuyang nagaganap ang bentahan ng droga, at hawak ito ni Rob Pacle," pamamalita sa akin ni Chief Xien na tinanguan ko at pumasok sa isang police car.

Mabilis iyong humarurot palayo habang kami ay walang imik na nakatingin sa harapan.

Rob Pacle. Kung tama ang pagkakaalam ko ay isa siya sa mga nag-aangat sa ama ko pero ayaw niyang lamangan ang aking ama. Nananatili siyang anino na ang trabaho lang ay mag-angat ng tao. Hindi siya makapangyarihan pero nagagawa niya naman ang lahat ng walang nakakaalam.

Remember Me, Binibini?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon