Hazie's POV
Kinaumagahan ay natapos na Ang bakasyon namin at bumalik na, pero dumiretso muna kami sa bahay nila Coco para doon mag-agahan.
"Grabe, ang itim niyo na," nakangiwing turan ng tatay ni Coco habang pinagmamasdan kaming tatlo na abala sa pagkain. Kasabay nami siyang kumakain tutal ay maaga pa naman para sa trabaho niya.
"Pero magaganda't gwapo pa rin kayo," nakangiti namang sambit ng nanay ni Coco. Puro seafoods ang kinain namin doon at nakakamiss ang lutong bahay lalo na kung luto ng isang ina.
"Bolero ka pa rin po tita. Nga pala Collette, ano na? Dalawang gabi na nating nakasama si Hazie, pasado na ba siya?" saad ni Venice.
Kapwa naman kami natigilan ni Coco dahil sa sinabi ni Venice. Inabot ko ang juice ko at uminom doon habang si Coco ay pinagmamasdan lang ako. Matapos ang nangyari sa amin kagabi ay paniguradong mahihirapan siyang magdesisyon...
"Okay. Payag na ako."
Tinignan ko si Coco dahil sa sinabi nito pero umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain niya. Ang bilis niyang sumagot. Aish, ano 'to? One sided love? Ngayon pang naitatak ko na sa isipan kong gusto ko siya?
"Talaga?!" masiglang sambit ni Venice at tumili. "Kung ganu'n ay kayo na!"
Naubo ako sa sinabi nito gayundin si Coco, samantalang napatanga naman ang mag-asawang kasama namin.
"Tutal ay pasado na siya sa'yo edi kayo na ang mag date. Nakikipagbalikan na sa akin yung ex ko kaya kayo na lang tutal ay mukha niyo namang gusto ang isa't isa," lintana nito kaya naman yumuko ako.
Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya dahil nakikinig sa amin ang magulang ni Coco. Hindi ako sanay sa ganito. I'm too old for this but... I still feel embarrassed.
"Venice, ano ka ba naman. Ikaw ang nakadate ng binata pero ililipat mo siya sa anak namin, unfair naman ata 'yun para sa kaniya," wika ng ginang.
Suminghap naman ako at nag-angat ako ng mukha. "Pwede ko bang ligawan si Collette?" buong tapang kong tanong na ikinatahimik nilang lahat habang sinasalubong ang mga tingin ng mga ito. I'm already at this situation so it's either take it or postponed it. But if I didn't do it right here and right now... I don't think they'll give me a chance like this in the future. "Mas unfair ito kay Venice dahil nagbakasyon kami para makadate ko siya at makilala pa namin ng lubusan ang isa't isa pero sa iba naman ako nahulog."
Ramdam ko ang pag-iinit ng tainga ko dahil sa kahihiyan ng mga sinasabi ko. Unang beses itong magcoconfess ako ng feelings ko at talaga namang nakakakaba at nakakahiya.
"Payag ako."
Napatingin ako sa ginoo at nakitang nakangiti ito sa akin.
"Alam mo, bodyguard ako diyan sa isang malaking gusali. Subukan mong saktan ang anak ko at matitikman mo itong baril ko," pagbabanta nito na ikinangiti ko at tumango.
Kung alam niya lang na mas magaling akong humawak ng baril.
"Kung payag na silang lahat syempre hindi na ako aangal. Sino ba naman ang tatangging maging son-in-law ang katulad mong gwapo na, mabuti pa ang kalooban," wika naman ng nanay ni Coco kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"Pagbubutihin ko po ang panliligaw at sisiguraduhin kong lagi siyang ligtas. Magtiwala po kayo sa akin." Tumango naman ang mag-asawa sa sinabi ko.
"Asus, ang sweet naman. O pa'no ba 'yan Collette, payag na ang lahat at ang pagsagot na lang sa kaniya ang gagawin mo. Hindi mo kailangang madaliin pero 'wag rin masyadong matagal dahil baka ipagpalit ka niyan sa pusit," pang-aasar ni Venice habang sinisiko si Coco.
Nagtawanan ang lahat maliban kay Coco na hiyang-hiya na dahil nakatutok sa kaniya ang atensyon ng lahat.
Nagkwentuhan muna kami tungkol sa nangyari sa bakasyon namin. Syempre limitado lang ang mga ikinuwento ko dahil masyadong pribado ang iba roon lalo na ang paghalik ko kay Coco kagabi.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Coco sa sofa habang si Tita, which is ang nanay ni Coco, ay abala sa pagdidilig ng halaman niya sa labas. Si Tito naman ay pumasok na sa trabaho, habang si Venice ay umalis na rin dahil lalabas daw sila ng ex niya na boyfriend niya na ulit.
Sinulyapan ko si Coco at napansing seryoso itong nakatingin sa harapan.
"Hindi ko alam kung dapat ba akong magsorry sa nangyari kagabi dahil mukhang nagustuhan mo naman," pagbubukas ko ng usapan dahilan upang mapunta sa akin ang atensyon niya.
Sinamaan ako nito ng tingin pero pansin ko ang pamumula ng kaniyang mukha.
"Gunggong ka. Huwag mo na lang banggitin iyon lalo na kung may ibang tao," sagot nito at muling tumingin sa telebisyon. Ngumiti na lang ako at tumingin na rin roon.
"Nga pala, 26 na ako," pag-iimporma ko kahit na hindi siya nagtatanong. "Gusto ko lang malaman mo kasi mukhang enjoy niyo na makita ako bilang kaedaran niyo lang, hindi ba halatang mas matanda ako sa inyo?" hayag ko at napahawak sa aking pisngi.
"Seryoso? 26 ka na?" hindi makapaniwala nitong tanong na tinanguan ko. "Psh, mukha kang 66."
"May 66 bang ganito kagwapo at may abs?" tanong ko na tinanguan nito. "Sino?"
"Ikaw."
"Aba't..."
Nilapitan ko ito kiniliti niya na ikinaliyad nito. Imbes na manood ay nagkulitan kami roon hanggang sa mapagod kami at bumalik sa pagkakaupo.
"Nga pala, may sasabihin pa pala ako," sambit ko at hinarap siya. Huminga ako ng malalim at ngumiwi sabay napakamot sa aking batok. "'Yung taong nag-iiwan ng sulat at rose sayo sa bench, ako iyon," pag-aamin ko na ikinatigil nito.
"Ang gusto ko lang ay tumulong, pero ako pa 'yung nakagawa ng gulo. Aish, hindi ako pasado para maging kupido," bulalas ko at bumuntong-hininga.
"I-ikaw?" gulat nitong tanong na tinanguan ko.
"Kung ganu'n ay nasa sa'yo ang mga sulat ko?" tanong nito na tinanguan ko.
"Itinago ko kahit na noong huli ay nilait mo ako at tinawag na kasabwat ng magnanakaw. Matagal na kitang kilala, Coco," pahayag ko na sininghapan nito.
"Pero bakit Pinggan ang inilagay mong pangalan doon? Ang akala ko ay trip lang ni Gil na gamitin ang Pinggan bilang nickname," taka nitong saad na tinawanan ko ng mahina.
"Ang buo kong pangalan ay Hazie Finnegan. Siguro naman ay gets mo na agad. At saka ayokong kung kani-kanino ibinibigay ang pangalan ko kaya iyon ang ginamit ko. Isa pa, alam kong hindi iyon para sa akin, pakielamero lang talaga ako," paliwanag ko rito.
Tumango-tango ito at hindi ako inimikan.
"Galit ka ba?" untag ko pero hindi ulit siya nagsalita. "Coco, galit ka ba?"
"Siguro. Pinaglaruan mo ako kaya dapat lang na magalit ako tama? At saka dahil sa'yo ay napahiya ako kaya may karapatan akong magalit sa'yo," mataray na turan nito.
Pinanood ko na lang siya at malalim na bumuntong-hininga. Tanggal talaga ang angas ko. Ewan ko. Gusto ko ulit makipagsagutan sa kaniya pero knowing na ako naman talaga ang may kasalanan... then I'd be better shut my mouth. It'll be a shame if she'll say that she doesn't want me to be his partner.
But... aren't things too fast?
"Pero umamin ka naman agad sa kasalanan mo at hindi iyon itinago ng matagal. Alam mo kung saan ka nagkamali kaya sino ba naman ako para magalit sa'yo?"
Tinignan ko si Coco at nakitang nakangiti siya kaya naman nginitian ko siya.
"Kung ganu'n, payag ka bang makipagpalitan ng love letter sa akin bilang ako na at hindi na bilang pakielamerong kupido?" turan ko na tinawanan nito at tumango.
"Nagustuhan ko lahat ng gawa mo at alam kong nag-eeffort ka, at saka nakakakilig 'yung mga sulat mo kaya paano ako makakatanggi?"
Abot tainga na ang ngiti ko at niyakap ito ng mahigpit. Gosh, she's too cute for me that I want to hug her until she'll lose her breath in my arms. Kidding.
Natanaw kong pumasok si Tita at napatingin ito sa direksyon namin. Kinindatan ko ito na tinanguan niya naman at sumuntok sa hangin.
Shit. Ang sarap mainlove.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Binibini?
Romansa|| PART ONE || Love is everywhere. You can love anyone and even everyone. But soulmate isn't. Soulmate is only made for one person. Hazie Finnegan, a police officer, and Collette Hermosa, a college student, was entertwined by cupid, by destiny. Wil...