14: At His House.

29 9 0
                                    

Hazie's POV

Nakatingin lang sa labas ng bintana ni Coco habang bumibyahe kami pauwi. Imbes na iuwi siya sa bahay nila ay dumiretso ako sa bahay ko at ihininto ang kotse. Lumabas ako at umikot upang pagbuksan ito ng pinto kaya naman bumalik sa reyalidad ang pag-iisip nito.

Inilahad ko sa kaniya ang kamay ko kaya tinanggal na nito ang pagkakaseatbelt niya at tinanggap ang palad ko sabay lumabas. Kinuha ko naman ang gamit nito at isinarado na ang pinto.

"Nasaan tayo?" tanong nito habang pinagmamasdan ang bahay ko.

"Sa bahay ko," sagot ko kaya agaran siyang napatingin sa akin.

"Bahay mo'to?"

Tumango ako. "Sinabi ko naman sa'yong hindi ako mayaman kaya hindi ko kayang bumili ng malaking bahay at hindi marami ang perang hawak ko," sagot ko na ikinalunok nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo? E kasing laki nito ang bahay namin," aniya kaya pinagmasdan ko ang bahay ko. Mukha namang hindi.

Naglakad na ako at binuksan ang pinto.

"Mag-isa ka lang dito?" pagtatanong pa ulit niya na tinanguan ko at inilapag sa sofa ang kaniyang mga gamit.

"Kita mo? Hindi lahat ng gwapo ay hindi marunong sa gawaing bahay. Isa pa, ayoko ng mga alikabok kaya madalas akong naglilinis kahit na pagod na ako galing sa trabaho ay naglilinis parin ako," tugon ko at pinanood siya habang pinagmamasdan nito ang kabuoan ng bahay ko.

"Mas maayos pa ito kaysa sa bahay namin," usal ni Coco at huminto sa paglalakad. Pinagmasdan nito ang larawan ko na nakadikit sa pader at tinignan ako. "Ikaw 'to?" gulat niyang tanong na tinanguan ko at nginitian siya.

"Naging crush mo ako pero hindi mo alam na criminology ang kurso ko? Ayos ka rin ah." Tumungo na muna ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom sabay iniabot iyon sa kaniya dahil marami siyang naiiyak kanina.

"Ang akala ko talaga ay business management ang kinuha mo, mas bagay ka kasi roon dahil mukha kang heir ng isang mayamang pamilya," hayag nito at uminom ng tubig.

Nagsimula nitong tinignan ang iba ko pang larawan habang ako naman ay nagluto na ng hapunan namin.

"Hazie, pwede ko bang tignan ang kwarto mo?" paghihingi nito ng permiso kaya naman nilingon ko siya.

"Sige lang, pero 'wag mong bubuksan 'yung kulay abong maliit na drawer, naroon ang mga boxer at brief ko," hayag ko na sininghapan nito at nagtungo na sa itaas upang tignan ang kwarto ko.

Habang abala sa pagluluto ay nagvibrate ang phone ko kaya naman inilabas ko iyon at nakitang may text message mula kay Chief Xien.

From: Chief

Nadelete na namin 'yung larawan niya at nahanap na namin kung sino ang nagpost nu'n, nasa presinto na siya ngayon.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito.

Si Xien at ang iba ay hindi ko itinuring na kaibigan. Sumasama ako sa mga kalokohan nila dahil nasa iisang team lang kami pero hindi ko akalain na aabot kami sa gan'tong bagay, na tutulungan nila ako. Well, mas okay pa si Xien, madalas siyang nai-stress sa akin at sinesermonan ako but he never talk behind my back, and those five? I don't know and I don't really care.

Tinext ko ito at inaya silang lahat na pumunta rito upang maghapunan kasama namin ni Coco. Pumayag naman si Xien gayundin ang lima, kaya dinamihan ko na ang iniluto ko.

Habang abala ako ay naramdaman kong may yumakap mula sa aking likuran kaya hinarap ko ito at nanlaki ang mata ng makita si Coco na bagong ligo at suot ang damit ko na malaki sa kaniya at mukhang wala itong short pang ibaba.

Remember Me, Binibini?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon