My Runaway Girl : Chapter 3

62 3 0
                                    

On our way pabalik ng school ay hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

"Everything fine Bro?" Tim's voice snapped me out.

"Ha? Ah, yeah. Why?" I answered without looking at him. I'm still holding the pink hanky na napulot ko kanina.

"Your spacing out. Thinking about what had happened earlier?" I faced him, nasa daan naman siya nakatingin.

"Ano ba ang nangyari kanina Boss?" sabat ni Ranz sa usapan namin, kaming apat parin ang magkakasama sa sasakyan. Buti ngayon at hindi silang dalawa nagaaway kasi tulog yung isa.

"Nagkita na sila." Tipid na sagot ni Tim nung hindi ako sumagot.

"Nino?"

"The girl in my dreams." I answered without any emotion.

"What? Kailan? Paano? Ow my Goodness!" Puteks! Maka Ow my Goodness naman tong isang to kala mo wala nang bukas. At talagang three questions in a row talaga ha.

"Ang ingay mo talaga kahit kailan Ranz! I am a growing individual,  I need alot of sleep." Sita ni Renz kay Ranz. Nagising siguro dahil sa reaction ni Ranz.

"Growing individual, aba hoy 20 years old ka na. What made you think na lalaki ka pa? Ano ka nasa puberty stage?" Ayan na naman! Magsisimula nanaman ang mga ugok na to.

"As far as I know hanggang 21 pa lumalaki ang mga lalaki. So I have less than a year para tumangkad pa. Kailangan kong sulitin yun no.  Ano ba kasing sinisigaw-sigaw mo diyan?" 5'10 ang height nilang pareho. Gaanong katangkad pa kaya ang gusto ng isang to?

"Nakita na ni Boss ang babae sa panaginip niya." Simpleng sagot ni Ranz sa kanya.

"What?!" Napatakip kami  ng tenga dahil sumigaw ba naman ng napakalas si Renz.

"Puteks! Tumahimik nga kayo." Sigaw ko din. Pagtingin ko sa kanilang dalawa,parang mga batang napagalitan na nanahimik sa isang tabi. Ang ipinagtataka ko lang bakit hindi si Tim ang naunang sumuway sa kanilang dalawa? Ei usually mas naunang kumukulo ang dugo nun kesa sa akin.

Pagtingin ko sa kanya, naka earphones na pala. So, that's the reason why. Pinabayaan ko nalang at umayos na ulit ng upo.

"Ang ingay mo kasi ei." Pangsisi pa ni Renz kay Ranz. Mahina lang ang usapan nila, nagbubulungan yata ang right word ei.

"Ei sa nabigla ako ei. Ikaw nga din mas bwisit yung reaction mo. Yan tuloy nagalit si Boss. Pasalamat ka naka earphones si Tim, naku! Baka naglakad na tayong dalawa pabalik sa school." Bulong din nung isa. May megaphone ata lalamunan ng dalawang to . Bulong palang nilang dalawa normal speaking voice na para sa  iba.

"Ewan ko sayo! What's her name Boss?" With that question, bumalik nanaman yung feeling ng panghihinayang. Nanghihinayang ako sa pagkakataon na pinalampas ko kanina.

"I don't know. Tumakbo palayo ei." I answered with a sad tone.

"Ganun? Ei may clue ka ba kung sino yung girl kanina?" It was Ranz.

"I'm not sure, but I have her hanky." Showing them the pink hanky I am holding.

"Can I check it?" Paalam ni Ranz, I just nod as an answer so kinuha niya ito sa kamay ko.

Pinabayaan ko lang silang dalawa na nag aagawan sa panyo. Tssa! Puteks baka mapunit.

"Boss! May pangalan." Napatingin ako bigla ng nagsalita si Renz.

"Nasaan?" I don't know how to explain what I am feeling right now.Parang nabuhayan ako ng pag-asa na malalaman ko narin ang pangalan niya.

"Here. TSF" Binasa ko rin yung sinabi niyang pangalan.

My Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon