CHAPTER 3 - Paalam

0 0 0
                                    

KINAGABIHAN

Natapos ang mag-ama ng hapunan  kasama ang kaibagan ni Ada na si Ella.

Ang dalawang magkaibigan ay naglilinis ng kanilang kinainan. Samantalang ang kanyang ama naman ay pumanhik na sa sarili nitong silid upang magpahinga,  Dahil sa mag hapong pagtatrabaho kaya ito ay nakatulog agad.

Samantala ang dalawa ay patapos na rin sa kanilang ginagawa at handa ng mag pahinga.

Ngunit hindi mapakali si ella, may gusto syang sabihin sa kanyang kaibigan.

Hindi rin ito makatiis kaya kinausap nya na si Ada.

Ada,  may gusto sana akung sabihin sayo. Ang hindi mapakaling sabi nito.

Hindi naman nagulat Pa si ada,  dahil alam nya na may sasabihin talaga ito sakanya.. Kaibigan at kababata nya si ella kaya alam nya kung may sasabihin ito o may tinatago.

Ano yun ella??Ang tanong nalang ni ada sakanyang kaibigan.

Eii anu kasi...  hirap na hirap na sabi ni ella.

Ayaw ni ella na magulat at magtampo sakanya ang kanyang kaibagan na si ada.  Mahal na mahal nya ang kanyang kaibigan.  Kaya kung maaari ayaw nya itong saktan.

Anu ella?? May problema ba?? Sabihin mo na,  makikinig ako..  Ang sabi ni ada kay ella,  dahil nakikita nyang nahihirapan ang kanyang kaibigan na sabihin ang dapat nitong sabihin.

Kinakabahan naman si ella sa sasabihin nya , ngunit ang hindi nya alam MAS kinakabahan si ada sa sasabihin nito dahil nababasa nya sa mga Mata nito na hindi nya magugustuhan ang sasabihin ng kaibigan sakanya.

Hinawakan bigla ni ella ang kamay ni ada bago nag salita...
.
.
Pero promise mo muna saakin ada na hindi ka magtatampo o magagalit saakin??  Ang nag mamakaawa nitong sabi.

Napahugot nalang ng hininga si ada , dahil hindi nya alam na parang may nakabara na sakanyang lalamunan at pag bigat ng kanyang dibdib.

Kinakabahan talaga sya sa sasabihin ng kaibigan dahil sa hula nya ay iiwan na sya ng kaibigan nya..

Oo ella pangako, hindi ako magtatampo o magagalit sayo,  saka kailan ba ako nagalit sayo?? Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko at tinuturing na kitang kapatid diba??? ANG SAbi ni ada.

Biglang namasa ang mga Mata ni ella at sinabi ang dapat sasabihin nito. ..

Ada kasi... Aalis na kami bukas ng hapon ng parents ko,  Sa maynila na kami titira at doon na daw ako mag aaral sa pasukan.  Hindi na napigilan ni ella ang maiyak sa kanyang sinabi. Kung sakanya lang ayaw nitong umalis at manirahan sa maynila gusto nya dito lang kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Ngunit wala syang magagawa dahil ito ang gusto ng kanyang mga magulang.

Hindi naman agad nakaimik si Ada sa mga narinig nya mula dito...

ADA POV.

Hindi agad ako makaimik sa sinabi saakin ni ella.  Sinusubukan Kong iproseso saaking utak ang kanyang mga sinabi??

Anu?? Aalis sya?? Iiwan nya ako?? Ang nagugulohang tanong ko saaking sarili..

Uyy ada! Ang tawag saakin ni ella.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko syang umiiyak. Hindi ko na narin napigilan Pa at ako'y napaluha.

Ella bakit?? Akala ko ba walang iwanan?? Akala ko ba sabay tayong mag tatapos na magkasama?? Pero bakit ganito??
Hindi ko na napigilang umiyak habang sinasabi yun.

The name is ( ADA ) the Probinsyana Girl.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon