ADA POV.
ILANG araw na simula ng makaalis si ella dito sa bayan ng albay, At tinupad naman nito ang sinabi nya saakin bago umalis na araw-araw at minu minuto itong mag tetext sakanya. Natatawa nalang ako ng dahil dito.
Balik trabaho nanaman kami ni itay dito sa farm.
Nalungot din si itay ng ibalita ko dito na umalis na sila ella at ang pamilya nito at maninirahan na ang mga ito ng maynila.
Busy kaming lahat sa pag aani ng mga kape ng bigla kaming pinatawag lahat ni Donña Margarita , sapagkat may mahalagang sasabihin daw ito saamin , kaya Dali- dali kaming pumunta sa Bahay ng Donña na hindi naman kalayuan sa farm.
Anu kanyang mahalagang sasabihin ng Donna Margarita. Rinig kung tanong ng isa sa mga kasamahan namin.
Hindi natin alam, siguro mas mabuting sa Donña na natin tanungin. Ang sagot naman ng isa.
Mabuti Pa nga. Ang hirit din ng isa.
Samantalang Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Iniisip din kung anu kayang sasabihin ng donña dahil bihira lang ito kung mag patawag saamin.
Nakarating kami agad kung nasaan ang bahay ng donña at nagsimula na itong mag salita ng kami ay dumating.
Hindi na ako mag paligoy ligoy Pa, mamayang hapon ay darating ang anak ko galing maynila at kasama nito ang kanyang mga pinsan, so gusto ko sana ay pakisamahan nyo sila ng mabuti kapag sila ay pupunta doon sa farm, ayaw ko na may mabalitaan akong hindi magandang ginawa nyo sa kanila. Maliwanag?? Ang mahabang paalala saamin ni Donña Margarita.
Opo Donña Margarita! Ang sagot naming lahat sakanya.
Mabuti, at siguraduhin nyo lang dahil kapag may nabalitaan ako na hindi maganda ang pakikitungo nyo sa mga pamangkin ko ay palalayasin ko kayo sa farm ko agad-agad. Maliwanag??!!Nagkakaintindihan ba tayo??? ang masungit na sabi nito saamin..
Opo, masusunod po. Ang agarang sagot namin.
Oh sige na , yun lang naman ang gusto kong sabihin sainyo, makakabalik na kayo sa mga trabaho nyo. Ang huling sabi nito.
Opo !! Ang sagot naming lahat at nag kanya kanyang alis na.
"Tsss babalik na pala ang empakto " ang bulong ko saaking sarili.
Bumalik na kami agad saaming mga naiwang trabaho at pinagpatuloy nalang ang aming mga gawain.
At ng maghapon na ay may narinig kaming mga bagong padating sa kung nasaan kami.
"Nandito na ang empakto "bulong ko sa sarili ko.
Nakita ko si Joshua at may mga kasamang iba, At ito na ata ang mga bisita na darating na sabi ng donña na mga pamangkin nya.
Si Joshua ang nag iisang anak ng Donña . Dati ko syang manliligaw at ilang beses ko na din syang ni reject dahil sa kanyang ugali, bukod sa ubod ng hangin ay may pagkamayabang rin ito. Kaya bwisit na bwisit ako sa taong yan.
Papalapit na sila saamin at ng makalapit na ay napansin agad ako ni Joshua.
Ada?? Ang nagtatakang tawag nya .
Ikaw ba yan?? Anong ginagawa mo dito sa farm?? Ang nagtataka paring tanong nya.
Dito na ako nag tratrabaho sa farm nyo. Ang tipid kung sagot sakanya.
Oh Really?? Tanong nya parin. Tumango nalang ako bilang sagot.
I see. ang patango tango nitong sabi at ngumisi saakin ..
Tss
Everyone I would like you to meet my cousins , Kevin and her sister Kaye. ang pag papakilala nito sa mga pinsan.
Magandang hapon po sainyo mam at sir. Ang sabay sabay naming bati dito.
Napatingin naman ako sa magkapatid, masasabi mong mayayaman sila dahil sa kanilang mga pustora at bukod dun maganda at gwapo din.
Biglang napatingin din saakin yung lalaki na nang ngangalang Kevin at kami ay nagkatitigan.
"Ang ganda ng mga Mata nya " ang nasabi ko sa aking sarili.
Bigla kung binawi ang tingin ko ng mapansin kung nakangisi sya saakin..
"Tsss ang yabang" Bulong ko.
Kevin and kaye , sila naman yung mga farmers namin dito. Ang sabi ulit ni Joshua.
Magandang hapon po sainyong lahat . Ang nakangiting pag bati ni kaye.
Samantalang tiningnan lang kami ng kapatid nito sabay tumango lang.
Mukhang mabait itong si kaye at mukhang hindi kami nagkakalayo ng edad.Pero kung ganu kabait itong si kaye saka naman kabaliktaran ng kuya nya. Mukhang masungit. Tss
Pagkatapos ng pagpapakilala ay naglibot libot lang ang mga ito sa farm. At hindi rin nagtagal ay umalis na agad.
Ang gwapo at ang ganda ng mga bagong dating noh tanya?? Rinig kung sabi ni nora kay tanya.
Si tanya at nora ay magkaibigan na hindi rin nagkakalayo sa edad ko sapagkat sila'y 23 anyos palamang.
Hindi ko sila kasundo dahil sa mga magagaspang nitong mga pag uugali.
Oo nora ang gwapo ni sir kevin mas gwapo kay sir joshua. Ang na niningning mga mata na sagot ni tanya.
Oo tanya mas gwapo yun kay sir Joshua. Sana araw-araw silang bumisita dito para masilayan natin palagi. Ang naka ngiting asong sabi naman ni nora. Tss
Sana nga, at simula bukas araw-araw narin akong magpapaganda para mapansin nya . Ang nangangarap naman na sabi ni tanya.
"tss Landi" bUlong ko, na mukhang narinig nila.
Ano sabi mo?? May sinasabi kaba ha ! Ada?? Ang nakataas kilay na tanong saakin ni tanya.
Huh??Bakit may narinig kaba?? Nakataas kilay ko ding Balik na tanong dito.
Hindi na sila sumagot at inirapan na lamang ako.
Hindi ko na rin sila pinansin sa mga pagpapantasya nila at pinagpatuloy nalamang ang aking ginagawa.
Natapos ang maghapon namin sa farm na yung mga bagong dating ang laman ng isip ko .
I'MJade❤
BINABASA MO ANG
The name is ( ADA ) the Probinsyana Girl.
RomanceAng buhay ni Amanda A.K.A ada, the probinsyana girl na mag babago ang buhay.