CHAPTER 4 - PAALAM ELLA

0 0 0
                                    

ADA POV.

KINABUKASAN

LINGGO ngayon at wala kaming pasok sa farm kaya Napag pasyahan namin ni Ella ang maglibot libot muna dito sa bayan. Mamayang hapon panaman ang alis ni ella kaya may oras Pa kami maglibang ng magkasama.

Hayy naalala ko na naman na aalis ang kaibigan ko para nanaman akung maiiyak.

Lumaki kami ng magkasama,  kahit medyo malayo ang bahay ni ella kaysa saamin hindi ito naging hadlang para magkita at magsama kaming dalawa. Kaya ang hirap lang tanggapin na malapit na kaming magkalayo. Ngunit kailangan ko itong tangapin dahil para naman ito sa kapakanan nya kahit nakakalungkot man .

Kung saan saan kami nag ikot ni ella at ng magtatanghali na ay napag pasyahan nanaming umuwi sakanila.

At nang makarating kami ay naabutan namin ang mga magulang ni ella na nakaupo sa sala ng kanilang bahay habang may mga inaayos na mga gamit.

Mommy! daddy! andito na po ako,  at kasama ko po si ada.  Ang masayang sabi ni ella,  sabay lapit at halik sa pisngi ng mga magulang nito.

Oh ada,  mabuti naman at nandito ka,  nakapag paalam na Ba sayo itong si ella??  Ang tanong saakin ng mommy ni ella,  na si Elisa Valdez ang butihing ina ni ella .

Magandang umaga po sainyo tita at tito!! Opo nakapag paalam na po saakin si ella.  Ang magalang Kong sabi sa kanila.

Mabuti naman kung ganun,  pasensya kana iha kung magkakahiwalay muna kayo ng anak ko,  kailangan kasi namang lumipat dahil doon na na assign ang aking trabaho.  Ang paliwanag na sabi saakin ni tito,  ang ama ni ella na si Leo Valdez,  isang engineer si tito kaya kung saan saan ito na a assign ngunit hindi sa gaanung malalayong lugar at ngayon lang sya napalayo dahil may kalayuan ang maynila dito saamin sa albay.

Opo tito leo. Ang nasagot ko nalang.

Oh hala ! Kumain mo na tayo at nakapag luto narin ako,  kayo lang ang hinihintay namin ada,  ella.  Ang sabat na sabi ni tita Elisa.

Tara ada!  Ang yaya saakin ni ella at nag tungo na kami sa kanilang dining.

Nagsimula na kaming kumain at na patingin ako sa pamilyang kasama ko ngayon sa kainan. At Makikita mong mahal na mahal nila ang isat-isa at masasabi mong perpektong pamilya ang meron sila.

Nalungkot ako bigla ng maalala ko ang nanay ko. Kung buhay Pa sana sya siguradong ganito rin kami, Masaya at kuntento.

Ada iha,  ayos kalang ba?? Hindi mo ba nagustuhan ang mga niluto ko?? Ang nag aalalang tanong saakin ni tita.

Bigla naman akong napatingin sakanya pag karinig ko ng tanong nya sabay iling.

Naku tita,  hindi po,  sobrang sarap po ng mga niluto nyo.  May naisip lang po kasi ako bigla . pasensya na po.  Ang paliwanag ko sakanya.

Mabuti naman kung ganun,  hala sige kumain kapa ng madami.  Ang sabi ni tita.

Maraming salamat po.  Ang sagot ko agad. Tumango na lang si tita at kumain.

Natapos kaming kumain at ngayong ay nandito kami ni ella sa kanyang kwarto. At tinitulongan ko syang mag empake ng kanyang mga gamit. Hindi naman karamihan ang dadalhin ni ella kaya natapos kami agad.

Ada may ibibigay pala ako sayo.  Ang biglang sabi ni ella.  Bigla akong napatingin sakanya at nag tanong...

Ano yun ella?? Ang nagtataka kung tanong sakanya.

Tumalikod saakin si ella at pumunta sa kanyang drawer na malapit sa kanyang higaan at may kinuhang isang box.  Lumapit sya saakin at inabot ang box.

Para sayo ada. Ang nakangiti nyang sabi.

Ano bang laman nito ella?? Ang nagtataka kung tanong sakanya habang sinusuri yung box.

Buksan mo na dali para makita mo.  Ang malapad na ngiti parin nya.  Binuksan ko ito at nagulat ako sa nilalaman nito.

Cellphone?? Para saakin ba talaga to ella?? Ang mahal nito ah?? Wag na,  hindi ko ito matatangap.  Ang pag tangi ko dito habang umiiling..

Ano ka ba naman ada,  para sayo yan ! at ito oh meron din ako.  Ang sabi nya saakin at sabay pakita ng box na hawak nya na katulad ng saakin..

Pero ella kasi ang mahal nito eii.  Ang sabi ko sakanya habang na iiling parin.

Kunin mo na!!  Mag tatampo ako sayo kung hindi mo yan kukunin.  Saka para kahit magkalayo tayo puwede parin tayong makapag -usap diba?? Ayaw mo ba nun?? ang nakanguso nitong sabi.

Napabunting hininga nalang ako dahil dito kaya napa oo nalang din ako.

Sige,  salamat ella. Ang nasabi ko nalang at Niyakap sya . Napangiti naman ito at gumanti ng yakap.

FastForward

Nandito na kami sa labas ngayon at inaayos sa sasakyan ang kanilang mga gamit na dadalhin.  Hindi gaanu ka dami ang mga gamit nila na dala, dahil hindi naman daw nila ebebenta yung bahay na maiiwan nila. Babalik panaman daw sila dito.  At dahil doon nabuhayan ako ng loob dahil alam kong anu mang oras ay pwede silang bumalik lalo na si ella.

Natapos na ang lahat ng gagawin at paalis na sila...

Panu bayan iha,  aalis na kami.  Mag iingat ka dito ah?? At kung gusto mo din pumuntang maynila ay welcome ka sa bahay namin basta magsabi kalang. Ang paalam na sabi saakin ni tita.

Opo tita salamat po,  mag iingat din po kayo doon palagi.  Ang sagot ko. 

Nilapitan ako ni tita at niyakap...

Salamat din sa pagiging mabuting kaibigan ng anak ko. Ang sabi nito saakin at kumalas ng yakap.

Salamat din po at naging mabuti kayo saakin.  Ang nasagot ko. Ngumiti naman si tita at tumango.

Ikaw din po tito,  mag iingat din po kayo palagi.  Ang baling ko kay tito.  Ngumiti naman ito at tumango bilang tugon.

Nilapitan ko naman si ella na tahimik lang simula Pa kanina.

Ella??? Ang tawag ko sa kanya.  Inangat nya naman ang kanyang ulo at nagulat nalang ako ng makita Kong namamasa at pulang pula ang kanyang mata.

Nilapitan ko sya at nagulat nalang ako ng dambahin nya ako ng yakap. At umiyak ng umiyak..

Ada!! Sumama ka nalang kaya saamin?? Ang humahagulhul nitong sabi. Nabigla naman ako sa sinabi nya at napangiti.

Ella,  hindi puwede alam mo yan?? Alam mong hindi ko pwedeng iwanan si itay.  Saka diba binigyan mo na ako ng cellphone diba?  Kasi sabi mo ano mang oras pwede tayong mag usap ??  Ang mahabang paliwanag ko sakanya habang pinapatahan sya.

Mamimiss kita ada.  Araw-araw at minuminoto akong tatawag at mag  tetext sayo ah?? Sagutin mo palagi. Ang sumisingutsingot na sabi nito.

Napatawa naman ako sa narinig at pati ang magulang nya na nakarinig sa sinabi  nya ay natawa din.

Oh sige ikaw bahala. Ang natatawa ko nalang din nasabi,  mahirap ng kumontra at baka magtampo.

Niyakap ko nalang sya ng mahigpit...

Mamimiss din kita ella,  palagi kang mag iingat duon at alagaan mo palagi ang sarili mo. Wag kang mag papabaya.  Ang  sabi ko.

Oo ada,  ikaw din palagi kang mag iingat dito at pati rin si itay mando wag mo din papabayaan.  Ang sagot nito saakin.  Tumango nalang ako bilang sagot at niyakap sya sa huling pagkakataon.

PAALAM ELLA.  ang bulong ko saakin sarili habang pinupunasan ang luhang pumatak saakin pisngi .



I'mJade❤️

The name is ( ADA ) the Probinsyana Girl.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon