Disney

6 0 0
                                    



Mabilis lumipas ang taon after nung first meeting namin. I thought yun na yun, like other disney at fairytale story.  "We live happy ever after!, kaso, WHY?".


"Avery, nakapaglunch ka na ba?", tanong sa akin ng manager kong anghel na bumaba sa langit, si Madam Nette. Napatitig lang ako sa kanya. Pinatawag niya ko sa isa sa mga ka-workmate ko habang lunch time. Tulala pa din ako sa face niya, magdadalawang taon na din naman kaming magkasama pero na star struck pa din ako sa heart face niyang mukha, brown eyes na sobrang mapungay at parang kpop na skin, sobrang kinis, glowy at no single pores. Kung hindi ko lang alam ang sexual preference ko iisipin kong tomboy talaga ko tuwing kaharap ko siya, plus factor pa na sobrang baet talaga niya. Tao ka ba madam?

"Avery?", tawag ulit ni anghel. 

"Sorry madam, walang halong bola para ka kasi talagang kerubin, sexy version lang. Yupie kumaen na ko ng mabilis"

"Loka ka talaga, sorry napamadali ka tuloy ng kaen. Importante lang kasi nung last week pa ito. Since night shift ka nung nakaraan, hindi ko tuloy nasabi sayo, we need someone from our team to be at Philly. May request na bagong product ang customer mo, head engineers are doing it right now but we need final test there, so no one here is more than capable to be there than you.", may pag-aalalang tono ni Madam since alam niyang matagal na kong nag-dedecline to be at other branch worldwide.

"Pero madam, alam niyo naman hindi ko pwede iwan ang line, yung ibang veterans nalipat na, hindi naman sa wala kong tiwala sa mga bago pero kasi hindi tayo tulad ng ibang line na same product lang ang tinetest per tester, we always change our setup minsan nga 1k lang yung for test ibang setup na naman ang needed, to think ang pagkakaiba lang ng product name is just 1 letter or number nalilito pa sila.", pagdadahilan ko.

"I know, but we don't have any choice. Masyadong mahigpit ang mga engineer sa headquarter at hindi ako pwede magpadala dun ng magbabase lang sa theory. Your first hand knowledge is what we need so you can escalate every single detail from head to our line, I hope you understand.", malungkot na sabi ni Madam Nette.

Napasandal na lang ako sa upuan kasi pakiramdam ko hindi pa talaga kakayanin ng bagong team ang line alone, kasalanan kasi ito ng organization's structure change. Lahat ng veterans na kasama ko nilipat sa ibang line since madami ang nagresign dahil sa "Strategic change" kuno nila. Puro newly hire and naiwan sa ibang line at ang line lang namin ang matatag na mga veterans na hindi nagresign, sabi nga nila mahirap ang buhay. Ayun ginawa kaming shell sa sungka to fill all the hole.

"So?", tanong sa akin ni Madam.

"Wala naman akong choice", bigla atang nangati ang ulo ko.

"Don't be worry, kasama mo naman si Charm through all process. Nagrequest din kasi ang headquarter na magpadala ng system to train para sa mga bagong requirement kaya hindi ka naman soloist dun", may pampalubag loob pa.

Pwede na din kesa naman mag-isa ako. Naalala ko kasi si Ate Flora yung isang engineer namin, pinadala siya sa Dallas tas pag-uwi niya ng Pinas, ang itim niya na at pumayat. Expected ko pa naman puputi siya. Kaya umiral ang bibig ko at napatanong. 

"Sa hotel naman yung accomodation, may credit card din naman na binigay kaso tuwing papasok ako sa resto nakatingin sila lahat, tas pagbigay ng menu hindi ko maintindihan yung mga pangalan walang piktyur badtrip kaya parang nahihirapan ako kumaen. Umikot naman ako sa ibang diner sa paligid pero ganun lahat. Nabili na lang ako ng cup noodles sa grocery o kaya natutulog na lang ako after shift saka pagday-off. Hindi mo din maasahan yung mga kasama natin sa team, iba yung trip nila after work hindi na sila mahagilap lahat. Ang layo ng work ethic". Saka hindi ka din makakagala pagday-off mo kasi ang gulo sa labas sobrang dami ng mga kano tas lahat nagmamadali. Kahit magtanong ka walang papansin sayo, hindi tuloy ako nakapunta ng Disney yun pa naman yung goal ko." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Who Touched My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon