Inception

11 0 0
                                    



"Dong nuh yun?"

Dito kami ngayon sa canteen naglunch. Sinamaan ko ng tingin si Lora pero ang loka smile pa.

"Ayaw mo nun malay mo destiny mo yun? Saka friend lang naman daw. Sungit nito!", aba siya pa yung maldita. Pasalamat ito kaibigan ko eh.

"Ang point ko dito bakit mo naman sinend yung picture ko, tas pinamigay mo pa yung ym ko privacy dong privacy"

"Sungit mo kaya NBSB ka eh, malay mo yun pala destiny mo di ba, aayaw ka pa", daming sinasabi ng babaeng to.

"Destiny ka jan, hindi ko nga pinangarap magkabf ng basketball player tas amerikano pa, patawa ka din nuh."

"Eh ano naman, sabi nga nila sa kama magpapantay din yun", malanding sabi niya

"Anung sa kama, magpapantay? Pinagsasabi mo"

"Sa kama, kahit small ka big siya pag nag-sex kayo mag-aabot din yun", mahalay na paliwanag niya with matching hand gesture pa.

"Bibig mo!"

Umiinit na talaga ang ulo ko dito kay Lora. Konti na lang i-FO ko ito eh. Joke lang mahal ko yan kahit ganyan yan. Konti lang ang kaibigan ko kasi mapili ako sa tao, pero yung konting yun sure naman akong totoo.

At may sumpa ata ang bibig ni Lora o sadyang kinaen ko lang yung sinabi.

One month, yes one month na at tuloy tuloy pa din yung pagmessage sa akin nung "trae the wolf" sa ym pati sa facebook nagmemessage na din siya kahit ni isang "Hi" wala siyang natatanggap na sagot galing sa akin.

Until this day come, Team Building ng department namin at need daw lahat kasama. Bilang isa kong introvert hindi nila ako napilit kahit ano pang pananakot ang gawin nila.

Kaya ngayon eto ako mag-isa sa buong office, nasa tapat namang office sila Lora kaya dapat hindi ako kabahan pero kinikilabutan talaga ko. Bago ba naman umalis yung mga ka-team ko tinakot pa nila kong may multo daw sa building na ito.

"Mga pashnea talaga eh! Ang tindi pa naman ng imagination ko"

Oo matapang ako sa tao, pero duwag ako sa mga multo multo baka pag may nagpakita dito mamaya magkasama na kaming nagmumulto dito.

Iniwanan ako ni Ma'am Bary ng madaming paper works dahil nabadtrip ata kasi ayoko maki-join sa kanila, pero wala dun yung isip ko ngayon. Nalipad sa  kakaisip na baka bigla may magparamdam o much worse magpakita dito. Dali dali akong nag-open ng internet at nagmessage kina Lora tutal palagi naman silang tambay.

Me: Dong

Me: hey

Me: Ui

Me: busy ka?

Walang reply, kainis. Copy paste ko lahat ng message ko kay Lora at sinend kay Lorenz. Kahit sino basta may makausap lang ako please. Pero walang swerte hindi din nagreply si Lorenz tulad nang hindi pagreply ng buong tropa namin. Tinry ko din kulitin mga kapatid ko baka nasa computer shop pero wala.

"Huhu sana pala sumama na lang ako, bakit ba hindi na lang ako nakipagteam building sa mga buhay, ang arte kasi eh", naiiyak na sermon ko sa sarili nang biglang magsara ng malakas yung pinto ng office ni Ma'am Bary.

Sa sobrang taranta ko, tumayo ako at lumabas ng office pero napabalik din agad kasi saktong naglalakad yung General Manager papunta sa way ko baka mahuli pa ako.

Dali dali akong umupo ulit sa table at nagsend ng message to all na para bang mawawala yung mga multo kapag may nagreply sa akin. Ang mahalaga may makausap ako kahit sino. Huhu

He Who Touched My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon