Terminus A Quo

17 1 0
                                    


"Lora, bilis!"

Saktong pagbaba ko ng trike nang nakita kong pababa din ng trike si Lora. Classmate ko siya at same kami ng company na pinag-OJT(han).
Well wala naman kaming choice Computer Engineering ang course namin pero heto nandito kami nag-OJT sa isang Travel Agency bilang isang all around assistant. Pareho kasi kami ng case.

Hindi kami nakapagbayad agad ng Tuition Fee at late enrollee for this sem kaya ang University ang nagpasya kung saan kami magrerender.
Hindi kami kinakawawa ng Dean namin ah, actually hindi sa pagmamayabang DL kami pareho ni Lora. Sadyang yung mga ka-batch lang namin ay nakapag-enroll agad last April pa kaya nakuha na nila lahat ng magandang company at ang natira na lang ay typical clerical jobs para sa mga tulad naming late enrollee.

Lakad takbo ang ginawa namin pareho ni Lora, hinarang pa ko ng guard kasi OK required ang atleast 2 inches heels since hindi ako katangkaran tinaas ko pa patalikod yung paa ko para ipakita kay kuyang guard na NAKATAKONG na ko nito OK! with matching creepy smile. Napakamot na lang siya ng ulo.

"Bilis Avy baka may pila na", hila sa akin ni Lora. Binitawan niya ang kamay ko at tumakbo na sa 2nd floor.
Pag-akyat ko saktong pinasok na ni Lora yung Card ko sa Clock kaya nagthumbs up na kami pareho.
Nagwave na lang siya sa akin sabay pasok sa department nila. Magkatapat lang naman ang pintuan ng department namin.

Maswerte yan si Lora kasi sa Procurement Dept siya napunta, balita ko mabait ang head dun at kasama niya pa si Lorenz yung isa naming classmate na maaga nag-enroll pero dito napiling mag-OJT kesa sa mga Electronics o Software Company na angkop sa kurso namin.

Ako eto kakapasok lang sa PR department, ako pa lang mag-isa dito. 7am kasi ang time in namin mga OJT pero ang pasok ng mga employee ay 9am pa, need namin i-prepare lahat ng need nila para pagdating nila work na kaagad. Binuksan ko ang ilaw at diretso sa plug ng aircon para buksan dahil kung kilala ang head ng Procurement Dept bilang anghel kabaliktaran naman ang balibalita dito sa head namin si Ma'am Bary at ayaw niya daw ng mainit ang lugar. Kaya dapat mamaya pagsapit ng 9am nagyeyelo na dito.

One week pa lang naman akong nagstart dito bali need ko lang naman ng 3months para sa OJT ko hindi na din naman ako lugi dito kasi may sweldo kaya balak ko iipunin yun pangtuition next sem "ang aming last sem" before graduation.

Umupo na ko sa mesa ko at inopen ang pc, inistart ko na ulit yung presentation na pinapagawa sa akin para sa mga Applicant's Rules and Regulation. Need na kasi to mamayang lunch, konting template na lang ang kulang kasi na-start ko na ito kahapon bago maguwian.

Biglang nagpop-up ang messsage sa facebook at lumabas ang pangalan ni Lora.

Lora: Dong may bago na kong bf 🤭😍♥️
Me: Sa YM na naman yan?

Natawa ko bigla. Habang tinatapos ko ang presentation itong si Lora tuloy tuloy ang dating ng message.
Nakakainggit malamang tengga na naman sila ni Lorenz. Ganyan sila palagi dahil 'start at end of the month' lang daw tambak ang work sa Procurement kaya simula ng pumasok kami sila dun nakapagpatayo na nang malaking "Hacienda" sa Farmville at pachat chat na lang habang ako dito tambak ang trabaho dahil magisa lang akong OJT dito.

Saktong pagtapos ko ng presentation pumasok bigla si Maam Bary at tumingin sa paligid.

" Good morning Ma'am" sabay tayo ko.

"Good morning too Ms.Royale, bakit ikaw pa lang ang tao dito na saan sila?", inikot ni Ma'am Bary ang paligid at ngumiti ng konti sa akin.

"Maaga pa naman po Ma'am 8:45 pa lang po baka parating na din sila."

He Who Touched My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon