Bestfriend

13 0 0
                                    




"Nabalitaan niyo ba break na daw si Lary at Tesi?", banat ni Joy habang nagtatanggal sa plastic ng binili naming lutong ulam sa daan.

Nandito kami ngayon sa bahay nina Ate Val sa isang exclusive subdivision, saturday ngayon at nagkayayaan dahil hiwahiwalay kami ng pinag-OJT(han) hindi na kami madalas magkita ng tropa.

Palagi mag-isa lang dito sa bahay si Ate Val, parehong may work ang parents niya. Yung kuya niya naman nagtatrabaho na din at minsan lang namin makita. Nasa tapat na bahay lang naman yung Tito niya kaya safe naman siya dito kahit madalas mag-isa. Kaya ang ending, dito ang lagi naming tambayan.

"Oo, nakita pa nga namin ni Joy kahapon si Tesi at Lorenz sa mall magkaholding hands", dagdag pa ni Ate Val.

"Kaya pala palaging good mood ang loko sa office, sila na pala ni Tesi. Nauna naman talagang manligaw si Lorenz kesa kay Lary di ba", comment ni Lora habang nakuha kami ng plato sa kusina. Feeling at home na kami dito.

"Ara, Nolan nakakahiya naman sa inyo baka gusto niyong tumulong? Katulong kami katulong?"

Mainit na ang ulo ni Lora, kanina pa kasi yung dalawa sa computer. Nakabili na kami ng ulam at naghahain na nandun pa din sila.

"Lora, ano ba yan hindi ka pa din nagbabago yung bibig mo parang machine gun! ratatat ng ratatat!!!"

Napatingin kami lahat sa pinto dahil sa nagsalita. Sabay sabay kami nagtakbuhan para batukan si Debi, ang bestfriend ko since highschool.

Kung matagal na kaming hindi nagkikita ng tropa siya matagal na namin hindi talaga nararamdaman. Lumipat siya ng university nung bago kami mag-3rd year.

"Welcome to me ah, graveh ramdam na ramdam ko yung pagkamiss niyo sa akin!", madrama niyang pag-arte.

"Bakit ka nandito, tropa ka?", pagmamaldita ni Lora na may paghagis pa ng nakarolyong cartolina kay Debi.

"I invited myself bakit may angal!", binato naman pabalik ni Debi yung cartolina kay Lora.

"Waaaahhh Debi baby I miss you buti nakapunta ka!!", tili ni Joy pagkalabas ng CR tinawag kasi bigla ni mother nature.

Sinaway na kami ni Ate Val at niyayang kumaen na ng lunch.

Nagkayaan din kaming mag-overnight ngayon dito kasi may dala si Nolan na pirated ng Conjuring. Balibalita maganda daw yung bagong movie na yun kaya napagdesisyunan namin na mamayang gabi kami manunuod para matindi ang effect.

"Mga dong sorry pass ako, hindi pwede alam niyo naman. Mamayang 5pm susunduin na ko ni Paps", malungkot na sabi ni Ara.

Only child kasi yan, consistent achiever since bata kaya malaki ang expectation ng magulang. Kaso last year nabigla kami at may pinakilalang boyfriend. Siyempre bilang friend supportive naman kami kasi mabait naman din yung guy at ramdam naming mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero nalaman ng parents niya kaya pinaghiwalay sila at bantay sarado na palagi siya simula nun.

"Ngayon na lang natin panuorin, para kumpleto tayo", yaya ko sa kanila.

Kinuha naman agad ni Nolan yung bag niya at nilabas yung cd kaso nagsalita si Ara.

"Ano ba kayo mga dong. Ok lng yan hindi maganda panuodin pag maliwanag pa, wag niyo kong isipin hindi din naman ako mahilig sa horror movies"

"Hindi naman ikaw ang iniisip namin, nag-aalala ako sa dalawang yan baka biglang mapaihi sa kutson pag madilim pa papanuodin", pagdadahilan ni Nolan.

Sabay turo niya sa amin ni Lora.

"Bwisit!", sabay naming sabi ni Lora at binato ng kung ano yung unang nadampot namin.

He Who Touched My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon