Chapter 2: The mansyon

11 0 0
                                    

Phile's pov



"YAWWWNNNN!! GOOD MORNING WORL---" di ko na natapos yung sinabi ko dahil may narinig akong sigawan sa labas ng kwarto ko paglabas ko nakita ko si mama na kausap si Aling Nermi




"Aling Nermi may trabaho na po ako pwede ko na po kayong bayaran sa katapusan wag naman po ngayon wala pa po kaming matutuluyan ng anak ko." Pagmamakaawa ni mama







"Ano ba Liana tatlong buwan na kayong di nagbabayad ng upa nyo at kahit pa may trabaho kana wala akong pakialam kase nakapag desisyon nako! Malaki ang down payment ng bagong titira dito kaya umalis na kayo at darating sila mamayang hapon!" Sigaw ni aling nermi






"Maawa naman kayo Aling nermi wala po kaming matitirhan ngayo--"



"Wala akong pakialam problema nyo na yon! At di mo na mababago ang desisyon ko kaya lumayas na kayo dito kundi ipapadampot ko kayo sa barangay!" Sigaw ni Aling nermi at umalis




Nilapitan ko si mama na problemado ang itsura inakbayan ko sya at sinabing




"Ma, hayaan mo na yun ayoko rin naman dito kase ampanget ng ugali ni Nermi. Hanap nalang tayo
ng ibang tirahan" sambit ko




"Eh pano anak? Wala pa tayong pera pang down payment kung makakita man tayo ng bagong mauupahan" sagot ni mama





Ay oo nga pala. Wala pakong pera juskooooo




"Sige lang ma, babale nalang ako kay boss pj malakas naman ako dun eh" sagot ko kay mama sabay ngisi



"Sigurado kaba anak? Nako wag na anak nakakahiya sa boss mo"





"Ma, wala din naman tayong choice. Gusto mo ba matulog sa kalsada? Mas nakakahiya kaya yun"



"Hayssss salamat talaga at ikaw ang naging anak namin ni Paulo" sagot nya sabay yakap saken



"Oo naman blessing kaya ako kaya tara na ma, mag empake na tayo baka dumating nanaman yung bruha tapos magsisisigaw ansakit pa naman ng bunganga nun parang nakanunok ng megaphone" biro ko



"Ikaw talagang bata ka hahah"




Okay nako sa ganitong sitwasyon atleast kasama ko mama ko, masaya nako dun noh at alam kong kakayanin namin lahat ng magkasama




Liana's pov




Habang nag eempake ako, nakita ko ang litrato ng asawa kong si paolo.






"Kung nandito kalang sana mahal" sambit ko sa sarili ko






"Tao po? Hello po?" Boses galing sa may pinto






"Sino kaya yun? Sila na kaya yung bagong titira dito?" Sambit ko






Paglabas ko ng kwarto dumeretso agad ako sa pintuan para pag buksan ang tao




"Liana"



"Si...sir Leo?"



"Good to see you Liana" sambit ni sir Leo ng nakangiti

"Sir pasok po" sabi ko at pinaupo sya sa sofa


"Liana naman parang di tayo magkaibigan. Anong sir sir, Leo nalang itawag mo sa akin wag kana mag sir baka magtampo si Paolo at isipin nyang masyado akong nagiging bossy sayo" sagot nya




When Ice and Fire CollidesWhere stories live. Discover now