Chapter 5: My first day at school

10 0 0
                                    


Mina's pov




So eto ako ngayon naghahanda ng almusal para kay sir Kiel at ate Phile.



Masasabi ko talaga na ambait ni ate phile napaka down to earth nya. Maganda din sya kaso di masyadong nakikita yung beauty nya kasi yung pananamit nya yung alam nyo yun? Para syang boyish. Napaka hilig nya kasing magsuot ng mga oversized tees at mga shorts na urban na usually sinusuot ng lalaki. Mga pedal na panglalaki ganun pero bagay naman sakanya, ang kyut nya nga eh ipares mo pa yung mala mermaid hair nya. Nakakainggit nga yung buhok nya kasi straight sa taas tapos big curls na sa gitna hanggang sa baba ng hair nya tapos mataas pa hanggang bewang.


By the way ako nga pala si Mina, 18 years old baguhan lang din ako dito sa mansyon. Nagkasambahay ako para matulungan ko ang pamilya ko at para mapag aral ang dalawa kong kapatid


Habang nag aarrange ako ng mga pinggan sa lamesa, natuon ang pansin ko sa wall clock


"Hala? Mag seseven am na! Nakuuuu nakalimutan kong gisingin si ate phile." Sambit ko at biglang tumungo sa kwarto nya


"Ate phile? Ate phileeee! Gising na" sigaw ko habang kumakatok sa pintuan


"Ano bayan lock pa. Ate phile! Malelate ka naaaa buksa--- ay tangina!" Bigla akong napamura at napahawak sa dibdib ko ng makita ko si manong butler sa gilid ko


"Ano kaba manong ang hilig mong sumulpot bigla ah. Nagiging habit mo na ata ang panggugulat. Ano kaba bampira? Kanina kapa dyan? Baka sa susunod na sulpot mo himatayin nako" bratatat ng bunganga ko

"Oh eto" sya at agad inabot sa akin ang susi


"Yan yung susi sa kwarto ni maam phile. Ikaw na ang humawak dahil ikaw naman ang alarm clock nya" sagot nya then umalis na


Nako naman to si manong butler.



Phile's pov



"Ate phile? Ate phile." Kalabit sa akin ng boses ng babae


Ano ba to? Nananaginip ba ko?
Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Mina binuksan nya ang malalaking kurtina at yun ang nagpasilaw ng sobra sa mga mata ko


"Ate phile gising naaa. Late kana sa school" sambit nya habang tinatapik ako sa braso


"Mina 5 minutes pa" sagot ko habang nakapikit pa


"Ate phile naman 8am pasok mo ano ng oras.... bu.. bumangon kaaa....naaaa" sambit nya habang hinihila ako para tumayo



"Ahhhhhh ang aga pa 5 minutes muna." Sagot ko at nagtakip ng unan sa mukha



Mina's pov


Ano kayang pwede kong gawin para magising tong si ate phile? Hmmmmm isip mina isippppp AHAAAAAA!!!!!


"ATE PHILE NANDITO NA SI SIR LEO AT SI MAAM LIANA!" sigaw and yes! Success!


"Asan? Ambilis naman akala ko 5 months pa sila?" Sagot nya at biglang napatayo


"Hahaha maligo kana po ate phile, handa na po ang almusal nakahanda nadin po yung uniform nyo at gamit hehehe" sagot ko at lumabas na. Oh diba? Sabi ko na nga ba at magigising sya pag sinabi ko yun eh



Phile's pov

"So wala pa pala sila? Haysssss ang galing talaga mang gising ni Mina" bulong ko at tumingin sa uniform na nakapatong sa kama ko


When Ice and Fire CollidesWhere stories live. Discover now