Chapter 3: 5 months without mother

8 0 0
                                    

Phile's pov



Nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko ang isang malaking kisame sa harap ko


"So totoo nga to, hindi nga sya panaginip." Sambit ko at biglang tumayo


Nilibot ko ang paningin ko at nakakita ako ng glass door



"Oh my gosh! Terrace ba to? May terrace sa kwarto ko????" Napatayo ako at agad tumungo dun then binuksan ko ang glass door



"Woahhhh andaming stars at ang liwanag ng moon. Gabi na pala" sambit ko at tumingin agad sa relo ko



"Omooo 8pm? So 5 hours pala akong tulog?"



*Knock! Knock*



"Ahhh sandali lang" salita ko at agad pinagbuksan ang kumakatok



"Ma'am baba nadaw po kayo at kakain na po ng hapunan" sabi ng maid



"Ah ganun ba? Sige susunod ako salamat"sagot ko at nginitian ko sya



Ngumiti din naman sya pabalik
Habang pababa na ako may nahagip ang mata ko. Isang lalaki



"Sino yun? Baka yun yung anak ni tito Leo" bulong ko sa sarili ko



So ayun dumiretso nako sa hapag kainan and as expected anlaki ng room nato. Yung kainan nila, mas malaki pa sa bahay na nirentahan namin sanaol mayaman talaga



"Oh iha? Umupo kana, ang mama mo?" Tanong ni tito leo



"Ah pababa na po siguro." Sagot ko



Jusko anlaki ng lamesa parang pang gatherings na table ba ganun




"Ah tito? Anak nyo ba yun kanina? Yung lalaki na lumabas?" Tanong ko



"Ah oo si Kiel, kaso di mo pa yata sya makikilala ngayon. Lumabas kasi sya pupunta siguro sa barkada. But don't worry, you'll meet him soon" tito answered the smiled



Ba't bigla akong kinabahan nung sinabi yun ni tito? Nako wag na muna siguro kaming mag meet, may feeling akong di ko magugustuhan yung magiging resulta.

"Ah tito, diba best friend kayo ng papa ko pero how come na I haven't even saw you once before nung buhay pa si papa?" I asked out of curiosity

"Haha that's because our schedule is different. Conflict sya kaya more on vc and calls kami, magkikita lang kami once a month kase busy people kami ng daddy mo." Sagot nya

Tumango tango nalang ako


"Oh liana, come here and join us" yaya ni tito kay mama at umupo sa lamisa



           (Bakanteng upuan)
Mama-------- table--------------tito leo
                       Ako



Habang kumakain kami biglang lumapit ang butler kay tito



"Sir, someone wants to talk to you" sambit ni manong butler at binigay agad kay tito leo ang telepono



"Yes this is Leonardo speaking" tito



"Oh? Is it? Okay" sagot ni tito at binigay ang telepono sa butler sabay sabing



"Book me a flight. Aalis ako bukas" sabi ni tito kay butler



Bigla namang tumingin si tito kay mama



"Liana, you're coming with me" sambit ni tito



"Ha? Saan?" Mama asked



"Were going to Italy, may aasikasuhin ako sa company ko doon at sasama ka since you are my secretary. And were staying there for 5 months." Sagot ni tito



"5 months??" Sabay naming sagot ni mama


"Yes, and by the way Phile" lingon ni tito sakin



"Naasikaso ko na ang papers mo. Pwede kanang pumasok sa monday and dont worry, my butler is here sya ang gagabay sayo for now. Okay?" Sambit ni tito



"Ahh okay po" sagot ko



(At mama's room)



"Nako ma, first time mong magtrabaho ngayon galingan mo ha" cheer ko kay mama



"Oo naman, at ikaw magpakabait ka dito ha? Medyo mahaba ang 5 months kaya behave ka lang dito okay?"




"Ako pa! Ang bait ko kaya and oh and by the way ma. Tawag2 ka ha? Update moko"



"Nako anak parang diko magagawa yan. Ang sabi kase ng tito leo mo mawawalan daw kami ng time makipag chat or tawag dito since malaki daw ang aayusin namin dun sa italy. May problema siguro sa business nila dun"



"Ah ganon ba? Sayang naman"



"wag ka mag alala anak papasalubungan kita and besides mukha namang madaling maaayos ng tito leo mo ang problema dun."



"Oo nga mukha kase syang matalino ma"




"Sige na pumasok kana sa kwarto mo at matulog, gabi nadin. At bukas magprepare kana ng mga gagamitin mo sa school. Malapit na ang pagpasok mo kaya dapat handa ka"




"Opo ma"


" AT ISA PA WAG KANG MAGPAPALATE OKAY? alam kong tamad kang gumising ng maaga pero jusko 5 months akong wala kaya 5 months ding walang gigising sayo kaya be responsible okay?"




"Mama naman magbabago nako nuh gigising nako ng maaga pramis" sagot ko at itinaas ko ang right hand ko




"Nako yan din yung sinabi mo noon nung 1st year high school ka pero di ka parin nagbago hanggang sa maka graduate ka ng senior high. Please wag mo ng dalhin yung pagiging tulog mantika mo ngayon ha?" Pakiusap ni mama



"Hahaha okay ma" sagot ko at niyakap sya




"Ma di kita mahahatid sa airport kase maaga daw kayong aalis. Mamimiss kita mag ingat kayo dun ha" sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap



"Oo naman ikaw din mag ingat ka dito ha? Tsaka magpakabait ka kasi balita ko masungit daw ang anak ni Leo nakuuuu. Delikado pag nagkasagupaan kayo kase kilala kita. Alam kong papatol ka kaya kung posible man lang wag mo nalang pansinin ha?" Sambit ni mama



"Okay po" ako sabay ngiti kay mama



(At my room)



Masungit? Yung anak ni tito leo? Nako kaya pala di ko gusto yung pakiramdam ko kanina, nako wag nalang sana kaming magtagpong dalawa Papa God.



Habang nakahiga ako, may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko yun.



"Maam eto po pala yung uniform nyo sa school at yung gagamitin nyong bag at eto po IPad " sabi ng maid at inabot ang mga eto sa akin


"Ahhh para saan po tong IPad?" Tanong ko



"Ah yan po yung ginagamit sa school na  papasukan nyo. Di nyo na po need ng notebook at papers kasi dyan na po kayo mag cocopy" sagot nya



"Ganon ba talaga ka yaman ang school nayan at may ganitong pasabog pa talaga?" Bulong ko sa sarili ko



"Hahaha opo kase yun po yung gusto ng president/may ari ng school. Sige po maam may telepono po dyan sa gilid ng bed nyo po at nandyan din po nakasulat ang number na tatawagan nyo kung sakaling may iuutos po kayo sa amin" sagot nya umalis na



Napatingin ako sa gilid ng bed ko


"Yawa ganito ba talaga ka sosyal dito?" Napabulong ako sa sarili ko

When Ice and Fire CollidesWhere stories live. Discover now