Lahat Tayo pinangarap magkakotse at ang magmaneho neto kaya sobrang saya ko ng finally I got my driver's license."YESS!-"nakaaktong yayakap na ako ng maalala kong Wala ka na.
"Babe, I got my driver's license.."saying to myself and hoping that you can hear me. Bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ko pinunasan ko na agad ito.
Sumakay na ako sa kotse. Hinimas himas ko ang manebela neto. Grabe, sobrang saya ko. Matagal na itong nakaimbak samin Kasi nga Wala pa akong license pero ngayon pwede ko na itong gamitin.
Iba pa rin pala ang feeling pagsariling sasakyan mo na ang minamaneho mo. Binuksan ko ang bintana ang nagsisigaw sa tuwa. Nakakatuwang marami rin ang nakisabay makipag sigaw sakin. Sobrang saya, Sana.
Months later...
Kahit anong oras na ay umalis parin ako ng bahay dahil nagugutom ako kaya pumunta muna ako sa convenient store Kaso medyo malayo pa yun kaya nagsasakyan ako at tsaka nakapantulog na din ako.hehehe.
I parked my car ng biglang tumunog ang phone ko. Si Ally natawag. Gabi na bat syaa natawag.
"Hello-"Di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng may nakabunggo sakin.
"Sorry, Miss."parang huminto ang lahat ng marinig ko ang boses nya. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad na tila nagmamadali. Hindi ko Alam kung anong gagawin ko. Para akong estatwang nakatayo don sa harap ng store.
"Excuse me.."bumalik lang ako sa wisyo ng may costumer ng pumasok.
Ryan, ikaw na ba talaga yun?
Hindi ko Alam kung anong ginagawa ko basta namalayan ko nalang na...nasa tapat nalang ako ng bahay nya....shit.
Napapahilamos nalang ako ng mukha dahil hindi ko Alam kung paano at bakit ako pumunta dito.
"Shit..shit..shit Cassandra! Kalimutan ko na sya.."naiiyak ako habang pinapagalitan ang sarili ko. "Tangina Cassandra..sinasaktan mo lang sarili mo."ilang beses ko nahampas ang manobela sa inis at awa na nararamdaman ko para sarili ko.
Napatingin lang uli ako sa bahay nung umilaw ang kwarto nya. Teka- may babae. Malamang may babae ako lang Naman ang hindi pa makamove on.
Ang saya Nila. Ang saya nya. I smile bitterly. Ayos lang kahit masakit basta masaya ka.Days. Weeks. Months. Pumunta parin ako din sa bahay Nila. Baliw na kung baliw pero gusto ko syang makita kahit pa may kasama syang iba. Sobrang missed ko na Kasi sya. Alam kong sarili ko lang din ang sinasaktan ko. Pero ok lang yun. Sasaktan ko ang sarili ko hanggang sa mapagod ako sa ginagawa ko.
Kaka off ko lang sa work at dederetso na uli ako sa convenient store dahil parang nag crave ako ng siopao. Hehehe. Kaso nga lang naabutan ako ng traffic. Talagang ito lang ata ang may forever.
Medyo nakakamove on na ako. Hindi na ako napunta sa Kanila at achievement yun sakin. Sinasabayan ko lang ang kanta sa radio habang stuck sa traffic ng biglang pinatugtog ang theme song namin. Hindi ko Alam kung sasabayan ko ba or hindi. Pero sa huli sinabayan ko nalang. Maganda din Kasi yung kanta. Bumalik sa isipan ko lahat ng memories namin sa isa't Isa. Napapangiti ako sa masasaya at nalulungkot at naiiyak sa mga---
RINGGG
Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako kung hindi ko pa narinig ang pagtunog ng phone ko. Nakalagay ang phone ko sa front seat at nakita kong text lang pa yun. Napatingin ako sa nasa Kanan kong sasakyan dahil si--
Peeepp..Peeeep
Hindi ko Alam kung ilusyon ko lang yun pero hay naku ewan. Cassandra kalimutan mo na sya.