New Story

58 0 0
                                    

One of our friends in Philippines started their own story here in Wattpad

Let's support a newbie writer :)

Title: LILIKA
Author: ALUA CASZIEL

PROLOGUE

Malakas ang pagbuhos ng ulan at ang pag ihip ng hangin ngayong gabi. Ngunit hindi ito alintana ng isang batang babaeng tumatakbo sa madilim at walang katao-taong parke. Kasabay ng pagbagsak ng malalaking patak ng ulan ay ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata. Wari'y dinadamayan siya ng kalangitan sa kanyang mabigat na nararamdaman. Mabilis na hinanap ng kanyang mga mata ang paborito niyang padulasan. At ng makita niya ito ay nagmamadali siyang umakyat at pumasok sa tila kweba na parte ng istruktura upang magtago. Hindi siya natatakot sa ulan pero nangangamba siya na makita kaagad ng mga taong alam niyang naghahanap na sa kanya.

Kabilang sa elite families ang pamilya ng bata. Kaya sinasabi ng ilan na, she was already born with a silver spoon in her mouth. Their family is one of the banking moguls in the Philippines and New York. From a very young age, her parents were keen on shaping her into the future heiress of their family business. Apart from attending her weekday classes in an exclusive private elementary school, she is also having special classes for language and communication, proper etiquette, piano and ballet. Kaya sa murang edad pa lamang, may tatlo na siyang alam na foreign languages.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nasa ganun na sitwasyon ang bata? Tatlumpung minuto na ang nakalipas magmula ng tumakbo ang bata palabas ng kanilang malaking bahay. Tumakas siya mula sa pagmamalupit ng kanyang pinaka-striktong ballet teacher. Hindi naman kasi niya kasalanang magkamali ang position ng kanyang mga paa at kamay. Pagod na kasi ang bata sa paulit ulit na pinapagawa sa kanya. Nang sunud-sunod na ang naging pagkakamali niya, hinagupit bigla ang kanyang mga kamay ng hawak nitong malapad na patpat. At nung muli siyang pasasayawin, ay bigla na lamang siyang kumaripas ng takbo. Narinig pa niya ang malakas na pagmura nito bago siya tuluyang nakalayo. Matagal na siyang pinagmamalupitan ng kanyang mga instructors. Kaunting kamalian, maraming palo na agad ang katapat. Sa unang beses ng pananakit sa kanya ay nagsumbong kaagad siya sa kanyang parents. But, they said if that's the only way to properly train her, then that's okay.

Nanginginig na sa lamig ang batang babae at kumakalam na ang kanyang sikmura. Mahapdi na rin ang mga sugat na natamo niya mula sa kanyang masungit na instructor. Pinipilit niyang patigilin ang kanyang paghikbi pero kusang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Kung pwede lamang ay ayaw na niyang bumalik sa pamamahay na iyon. Pero alam niya na hindi magtatagal ay makikita rin siya ng mga naghahanap sa kanya. Siguradong hinahanap na siya ng mga taong bigla niyang iniwan sa kanilang bahay. Sinuwerte lamang siya kanina at hindi siya nakita ng mga guards at yaya niya paglabas. Tiyak na kinakabahan na ang mga ito dahil mananagot sila sa mga amo. Kung kailan pa kasi talaga malakas ang ulan, saka pa biglang nawala ang inaalagaan nila.

Hindi napansin ng batang babae ang kumikilos na anino sa may katabing mababang bakod ng padulasan. Sa oras na iyon, ay mayroong isang batang lalaki na hirap na hirap sa kanyang pag akyat sa bakod para lamang makapunta sa isang waiting shed na malapit sa kinaroroonan ng batang babae. Mayroon kasi doon naka-install na small food storage cabinet. Ipinalagay ito ng ilang mga magulang na naninirahan malapit sa lugar na iyon. May mga instant noodles, mga canned goods, soft drink bottles, juice packs, milk cartons, and medium sized snacks na nakalagay sa loob para sa mga batang tumatambay sa palaruan.

Sa kabilang parte ng bakod ay mayroong malapad na estero kung saan abot-tanaw ang tulay na nagsisilbing daanan ng mga mamahaling sasakyan patungo sa kani-kanilang opisina o pauwi sa iba't ibang parte ng subdivision. Sa ilalim ng tulay, mayroon mangilan-ngilan na mahihirap pamilya na nagtayo ng barong-barong upang dito manirahan. Kabilang na dito ang pamilya ng batang lalaki. Tuwing umuulan ng malakas, ay alam ng batang lalaki na maraming pagkain ang makukuha niya sa parke dahil walang mga batang makakapaglaro.

Malawak ang pagkakangiti ng bata habang hawak niya ang ilang pirasong pagkain na nagawa niyang pagkasyahin sa bitbit na plastic bag. Hindi niya alintana ang basa at gula-gulanit na damit. Ang mahalaga ay may maiuuwi siya na pantawid-gutom sa kanyang mga magulang.

Pabalik na sana ulit siya pataas ng bakod, nang makarinig siya ng mahihinang hagulgol mula sa loob ng padulasan. Nakaramdam ng takot ang bata, iniisip niya kung may multo ba sa lugar na iyon. Makailang beses na siyang pumupunta sa parke tuwing malakas ang ulan pero ngayon lamang ang unang beses na nakarinig siya ng ganun. Huminga siya ng malalim at kumuha ng kaunting tapang na lumapit sa pinanggagalingan ng iyak. Naglakad siya ng dahan- dahan palapit sa padulasan. Sa kanyang pagsilip, naaninag nya na mayroong tao sa loob. Isang batang babae ang nakayuko at mahinang umiiyak. Nakahinga ng maluwag ang batang lalaki, nagpasalamat at mukhang hindi naman multo ang kanyang nakikita. Pinunasan muna ng bata ang mga patak ng ulan sa kanyang mukha bago siya pumasok sa loob at nagsabing, "Hello!!!"

CONTINUE READING STORY ON THEIR WATTPAD PROFILE :)

Azil (True Love Series Book 4)Where stories live. Discover now