NDSA 1

763 21 8
                                    


First Encounter with Him

"Aray!"

"Hindi ka ba magso-sorry?"

"Hindi."

"Kainis ka!" Minabuti ko nalang tumayo ng maayos at pagpagin ang aking palda.

Nagtataka ba kayo kung ano ang nangyari sa akin? Pinatid lang naman ako ng isang lalaking gwapo sana kaso nga lang ang sama ng ugali.

Ang ganda na sana ng araw ko kasi first day ko ngayon sa bagong school ko. Iyon nga lang naka encounter ako ng isang lalaking sumira ng araw ko.

By the way, My name is Cheska, Cheska Tan. 16 years old, Transfery sa St. Paul College School bilang grade 10 student.

***

Ang tagal naman ni Monica. Usapan namin ay 8 o'clock, pero 8: 15 na wala pa din siya. Hays Filipino time nga naman.

Naglibot-libot muna ako habang hinihintay si Monica. Hindi ako nagkamaling lumipat sa school na ito, dahil napakaganda ng environment dito at mapayapa pa.

Habang kumukuha ng mga litrato ay biglang may lumabas sa notification ko.

---------------------------

From: Monica

Cheska nasaan ka na? Nandito na ako sa may quadrangle nila.

--------------------------

--------------------------
To: Monica

Sige. Papunta na ako diyan.

------------------------

Nagulat  ako sa aking nakita sa kanilang quadrangle. Napakaraming booth tulad ng photo booth, chocolate booth, wedding booth, jail booth at marami pang iba.

Kaya pala wala akong masyadong nasasalubong at nakikitang kapwa estudyante ko kanina dahil andito sila.

"Cheska!" Lumingon ako sa tumawag sa akin.

"Monica!" Tawag ko din kay Monica at sabay yakap sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang Monica? Usapan natin 8 o'clock, hindi 8:30." Reklamo ko ng kumalas ako sa pagyayakapan namin.

"Sorry na. Natraffic kasi ako."

"Sige na nga. Libot na lang tayo" Inuna naming libutin yung food section ng booth nila.

Ang daming booth ng pagkain mayroon Ice cream, marshmallow na may chocolate, burger, shakes at madami pang iba. Sana palagi na lang may booth dito para palaging heaven.

"Lahat ng estudyante na may black na relo ay huhuliin at ikukulong sa jail booth" Narinig naming announce ng speaker.

Kaya tinanggal ko ang relo ko at itatago ko sana sa bag ng biglang...

"Huli ka ate." Sabay hawak nila sa braso.

"Oyy. Bitawan niyo nga ako, Wala naman akong suot na relo ha." Sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nila.

"Ate ang sabi po iyong mga may relo, e may relo ka kanina kaya sumama ka sa amin ngayon." Sinama nila ako papunta duon sa Jail Booth.

Hays. Ako pa ang buweno mano sa kanilang booth.

"Paano ako makakalabas dito?" Tanong ko sa mga nagbabantay duon.

"May tatlong paraan na sinusunod para makalaya. Una, makakalaya ka lang kung may tutubos sa iyo ng hindi mo tatawagan, kaya akin na muna iyang cellphone mo ate." Sabay hablot ng hawak kong cellphone.

Ano ba 'yan. Ang daming kaek ekan.

"E ano iyong pangalawa at pangatlo?" Tanong ko.

"Ang pangalawa naman ate ay kung magpapakasal ka duon sa may wedding booth. Dapat ang papakasalan mo rin ay iyong nakakulong rin dito."

"Pero paano mangyayari iyon kung mag-isa lang ako dito?" Pagrereklamo mo.

"Ate makinig ka muna kasi bago ka magreact, kaya hindi natatapos iyong sinasabi ko." Pagpapatuloy niya.

"Pangatlo naman, maghihintay ka ng 2 hours dito bago ka makakalabas dito. Iyon na yun ate, madali lang diba." Sabi niya sabay ngiti.

At nagawa pa niya akong ngitian ha. Pagkatapos niyang magpaliwanag ay naupo na lang ako sa may sulok ng Jail booth. Dahil alam ko namang maghihintay ako ng 2 hours dito panigurado kasing nagsasaya iyong bestfriend ko sa mga gwapo dito.

Naku talaga Monica. Mababatukan kita mamaya.

Habang nag-iisip ako ng kung anu-ano biglang bumukas iyong pinto,ibig sabihin ay may nahuli naulit sila.

Hindi ko pinansin kung sino iyon. Pinaliwanag din ng nagbabantay iyong mga paraan para makalaya dito.

Bakit kaya noong ako ung nakulong hindi agad pinaliwanag ung mga paraan. Unfair nila.

"Oyyy! Bitawan mo nga ako!" Pigil ko sa humatak sa akin.

Tinignan ko kung sino iyon.

Siya..
------
Author's note:
Hanggang diyan muna ang chapter 1. At sa tingin niyo sino kaya iyong humatak kay Cheska?
ABANGAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Dahil sa Asaran (ON-GOING :">)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon