Bessy
by: CurlyJelay-------------
"Bessy Let's travel!"
"Bakit may okasyon ba?"
"Nakalimutan mo na ba? It's our 3rd Year Anniversarry"
"Who? ni Axel?"
"Malamang, siya lang naman ang boyriend ko diba?"
"Ahh kayo pa pala"
" Oo naman, bakit naman magiging hindi?" Ngumiti ako sakanya at umakbay.
"Ready your things na at aalis na tayo mamayang 8 AM" sabi ko sakanya.
Iniwan ko siya dun ng walang kare -reaksyon.
Dali dali akong kumilos at nag impake.
Excited na ko mamaya!
After ko mag ayos, bumaba na ko sa sala at nadatnan doon ang walang ka buhay buhay na mukha ng bestfriend ko.
"Tara na bessy! Yieee excited na ko pumunta sa bundok"
Nakuha ko ang atensyon niya nang mabanggit ko ang salitang "bundok".
"Bakit sa bundok?"
"Wala lang maganda kasi tanawin doon mamaya, bakit ayaw mo ba dun?"
"Ahh hindi naman sige tara na." napipilitan niyang sagot.
Nang makarating kami sa aming destinasyon ay nagsimula na kaming umakyat sa bundok.
Hanggang ngayon ay wala pa rin reaksyon ang kanyang mukha, naka isang linya pa rin ang kanyang labi at mga kilay.
Akyat lang ako ng akyat, kapit dito, kapit doon. Ngunit maya maya napatingin ako saking likuran nang may tinanong siya sakin."Yuri, nasan si Axel? Akala ko ba mag ce-celebrate tayo ng anniversarry niyo?" pag-uusisa niyang tanong na parang kanina niya pa gusto itong itanong saakin.
"Ewan ko sayo" mahina kong sagot.
"Ano? Anong ewan sakin?" gulat niyang tanong.
"Wala, what I mean baka alam mo kung nasan siya ngayon. Diba lagi mo siyang kasama these past few days? Diba kasi magka org kayo?"
"Ahhh eehh hindi ko na siya nakakausap, actually hindi na siya sumasama saamin"
"Ahh okay, tara na!"
Nagpatuloy kami sa pag akyat at pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa tuktok.
"Waaahhh ang ganda! Hindi pa rin ako nagsa-sawang pagmasdan ang tanawin dito kahit kakapunta ko pa lang dito last night" kumikislap ang aking mga mata habang naka tingala sa taas at nakamasid sa buong paligid.
"Pumunta ka dito kagabi?"
"Ahhh oo hihihi 'di mo ba alam? Hinahanap kita sainyo para sana sabay sabay na tayong tatlo para pumunta dito para isahan lang"
"Tatlo? Bakit sino ba kasama mo dito kagabi?"
"Si Axel!" sabik kong sagot.
"Talaga? Nasan ba siya ngayon?"
"Nasa baba" ngiti kong sagot.
"Saang baba Yuri?"
"Sa baba nga, gusto mo makita?"
"Saan nga para mabati ko din siya"
"Ahh sige batiin mo siya ahh"
Sabay tulak sakanya pababa ng bundok.
Nang matulak ko siya ay pinanood ko ang pagbagsak niya mula dito sa tuktok.
"DIYAN KAYO MAGHALIKAN MGA GAGO!" sigaw ko sakanila.
Akala nila hindi ko alam na may relasyon sila, ano ako bobo? Well diyan kayo maglambingan at least hindi niyo na kailangan itago pa ito sa iba.
"ENJOY!"
Tumalikod na ko at bumaba sa bundok na iyon nang nakangiti.
--------------------
YOU ARE READING
My Dagli Stories
RandomHey curlies! This is the compilation of my dagli stories! Please check it out and I hope you'll like it. Happy reading mwapps! ------------- #6 IN DAGLI Started: May 25, 2019