MDS 02

2.3K 11 2
                                    

Ang Aking Kuwentong Pag - Ibig
by: CurlyJelay

---------------

Bumukas ang pinto at mula doon ay pumasok ang aking mahal kaya't sinalubong ko naman ito ng yakap at halik. Ngumiti ito at kami'y tumungo sa hapag kainan kung saan makikita ang mga pagkaing ako mismo ang nagluto para sakanya.

Labis ang aming saya at mga tawa na para bang walang iniindang problema, kami ay nag ke-kwentuhan buong gabi na parang bang wala ng bukas. Hanggang sumapit ang hating gabi at doon lamang kami tumigil at natulog na ng magkatabi.

Madaling araw alas tres ng umaga ako ay gumising. Dali dali akong naghanda para sa almusal ng aking mahal. Pagkatapos ko itong ipagluto ay ginising ko ito at nang namulat niya na ang kanyang mga mata ay agad ko siyang binigyan ng isang ngiti. Sinuklian niya din ako ng ngiti ngunit bigla itong napawi ng mapadaan ang kanyang mga mata sa orasan. Bumangon ito at dali daling nagbihis at nagpaalam.

Buong araw ay pinagka abalahan ko ang paglilinis sa bahay, at nang mapansin kong gabi na pala ay sabik akong nagluto at hinintay ulit ang kanyang pagdating ngunit makalipas ang limang oras ay wala pa din ito.

Nalungkot ako bigla at napaisip na baka hindi nanaman siya makaka uwi dahil masaya na niyang kapiling ang kanyang pamilya at hindi na ko naisip nito.

Pero hindi ko siya masisisi dahil kahit anong gawin ko ay hindi kailanman ako ang magiging una para sakanya.

Dahil kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo.

Magiging magiging pangalawa lamang ako sakanya .......

Dahil ako ay isa lamang hamak na kabit at tanggap kong pampalipas oras niya lang ako pero hindi ko ipagkaka ilang kahit ganito, kahit mali ay dito ako masaya SAKANYA AKO MASAYA.

----------

Maging mulat sa katotohanan at alamin ang puwesto sa mundong ito. Kung saan ka ay doon ka lang 'wag mong ipagpilitan ang sarili mo sa bagay na hindi magiging iyo.

My Dagli StoriesWhere stories live. Discover now