Chapter 8

1.1K 18 0
                                    

"Sino ka ba?" sigaw ng lalake kay Abraham pagkatapos nitong mapasubsob sa hood ng isang sasakyan dahil sa lakas nang suntok na ginawa sa kaniya ng binata.

"You don't have to know," sabay sipa ni Abraham sa sikmura ng lalake dahilan para mapadaing ito sa sakit at mapaluhod. Uubo-ubong nakayuko sa lupa ang lalake habang iniinda ang kaniyang sakit ng katawan. Alam ng lalake na ang lalake na kaniyang kaharap ay ang lalake rin na nakasabay niya sa elevator kanina kasama noong babae na palihim niyang binosohan gamit ang phone camera nito. Ang ipinagtataka lang ng lalake ay kung bakit nito binulungan siya kanina sa loob ng elevator na kailangan nilang mag-usap sa may parking lot dahil may ibibigay daw si Abraham sa kaniya.

Hindi pa nakuntento ang binatang si Abraham sa pagsuntok at pagsipa nito sa lalake dahil dahan-dahan niya ulit itong nilapitan bago inilagay ang kaniyang kanang paa sa may itaas ng ulo ng lalake.

"T-Tama na," wika ng lalake na animo'y nagmamakaawa para sa kaniyang buhay.

Habang nasa ulo ng lalake ang kanang paa ni Abraham at madiin iyong tinutuunan para lumapit ang mukha ng lalake sa semento ay dahan-dahan na inilapit ni Abraham ang kaniyang sarili sa pamamagitan nang pagyuko at mabilis na inagaw mula sa bulsa ng lalake ang cellphone nito. Kinalikot ni Abraham ang cellphone ng binata at hinanap ang videos at pictures ng pamboboso nito kay Desiree at pagkatapos ay binura. Sinigurado ni Abraham na miski sa recently deleted ay wala na rin doon ang mga litrato.

"Try to do it ever again and I swear to hell, you gonna see Satan," nakakatakot na wika ni Abraham sa binata.

"O-Opo, S-Sorry. H-Hindi ko alam," nanginginig ang boses na tugon ng lalake.

"Tch, I don't have much time to waste here. Go!" sabay pasipang inalis ni Abraham ang kaniyang paa sa lalake at kumaripas naman nang pagtakbo paalis ito.

Nang mawala na sa paningin ni Abraham ang lalake ay siya namang kinuha nito ang sariling cellphone sa bulsa at tinawagan ang isang kakilala.

"Leave no evidence," sabi nito sa kausap at hindi na nito hinintay pang sumagot ang kausap at ibinaba na ang tawag. Sumakay si Abraham sa sasakyan nito at nagdrive pauwi.

Kinaumagahan, 

"Good morning, Mr. Rossi," pagbati ng mga empleyado kay Abraham pagkapasok nito sa loob ng company. Kagaya nang normal na awra ng binata, hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang kaniyang mga empleyado o bumati man lang pabalik, bagkus ay nagtuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad at sinalubong naman siya ni Desiree.

"Mr. Rossi, I am so sorry kung hindi ko na po kayo naabutan sa may front door," pormal na sabi ni Desiree sa binata habang sinusundan ng lakad ang kaniyang Amo.

Sabay na pumasok ang dalawa sa elevator at tanging sila lang ang pumasok doon kahit na kailangan din ng ibang empleyado na umakyat sa iba't-ibang floor. Habang nakapamulsa ang binatang si Abraham ay siya namang lapit ni Desiree upang pindutin ang floor button ng office ni Abraham. Hawak-hawak ang mga papeles na naka-folder ay daretso lamang ang tingin ni Desiree habang nasa tabi nito ang Amo at hinihintay na sumara ang pinto. Pagkasara ng pinto ay mabilis na hinapit ni Abraham ang bewang ng dalaga at inilapit iyon sa kaniya dahilan para magulat si Desiree.

"Had a good night sleep?" pagtatanong ni Abraham sabay hawak sa mukha ng dalaga gamit ang kaniyang kanang kamay habang nakapulupot sa dalaga ang kaliwa. Mapupungay ang mga mata ni Abraham na tinitigan ang dalaga na nababakas ang gulat sa mukha bago dahan-dahan iyong pumula.

"W-What are you doing?" nauutal na tanong ni Desiree sa binata habang nakahawak sa matipunong dibdib nito at pilit na inilalayo ang kaniyang sarili.

"Just asking if you had a good night sleep, my Desiree."

"O-Of course I had a good sleep. Bakit naman hindi?" mahinang tanong ni Desiree sabay iwas ng kaniyang tingin.

Titig na titig ang binatang si Abraham sa namumulang mukha ni Desiree dahil marahil sa nararamdaman nito. Hindi maitatanggi ni Abraham na gustong gusto na niyang halikan sa mga oras na iyon ang dalaga kung kaya't walang pasabi nitong kinabig ang batok ni Desiree at siniil ito ng halik habang nasa loob sila ng elevator. Ang kaninang namumulang mukha ni Desiree ay lalong namula, ang kalmado nitong sistema ay para bang nagulo dahil bumilis ang tibok nang kaniyang puso. 

Bago pa bumukas ang elevator ay nagkusa na si Abraham na lumayo kahit na gusto na nitong gumawa nang sobra sa dalaga sa mga oras na iyon. Ngiti lamang ang isinukli ni Abraham sa gulat na gulat na mukha ni Desiree sa nangyari. Nakapamulsang inihakbang ni Abraham ang kaniyang mga paa ngunit bago ito tuluyang makalabas sa elevator ay sandali nitong nilingon ang dalaga.

"Then let me start your day with a good morning kiss, my Desiree," sabay talikod muli ni Abraham at umalis, iniwan ang kaniyang sekretarya na hanggang sa mga oras na iyon ay mabilis pa rin ang tibok nang puso at hindi makapag-isip nang tama dahil sa nangyari..

Pagkapasok ni Abraham sa loob ng kaniyang sariling office ay siya namang pagtayo ng isang lalake at binati si Abraham.

"Mr. Rossi, nagawa ko na po ang utos niyo sa akin kagabi. Sinubukan ng lalake na tumakas ngunit hindi ko hinayaan dahilan para mabilis kong tinapos ang kaniyang buhay."

"Sino ang tinapos ang buhay?" pagtatanong ni Desiree pagkapasok pa lang. Lumingon ang dalawang lalake sa naguguluhang mukha ni Desiree ngunit ni-isa sa kanila ay hindi sumagot.

"Just make sure that you did it all clean, no traces at all," wika ni Abraham.

"Yes, Sir. Sinigurado ko po."

"Good. You may leave," wika ni Abraham sa lalake at nagpaalam naman ito pati na kay Desiree bago lumabas ng pinto.

"Abraham," tawag ni Desiree nang makaupo na si Abraham sa upuan nito dahilan paraa lumapit siya sa binata. "A-Ano iyong pinag-usapan niyo? Ano ang sinabi niya na tinapos na ang buhay?"

"Why so interested, my Desiree? You also called me by my name just now. This is really such a lucky day, isn't it?" 

"Abraham, seryoso ako. Ano iyong kanina?" naiinis na tanong ni Desiree dahil masama na ang kutob nito dahil sa narinig.

Sumandal sa kaniyang upuan ang binata at iniiwas ang kaniyang paningin sa mapanghusgang titig sa kaniya ni Desiree.  "It's nothing. No worries. Inasikaso ko na lahat," kaswal na sabi ni Abraham ngunit hindi iyon sapat na sagot para sa dalaga.

"Abraham!" nagbabantang tawag ni Desiree.

"Fine! I'll tell you," walang gana na pagsuko ni Abraham at hindi na umimik pa ang dalaga dahil hinihintay na nito na sabihin ni Abraham ang ginawa nito.

"Remember the guy yesterday? The one I asked you if you know his name?" pagtatanong ni Abraham at sandali namang nag-isip si Desiree ngunit nang maalala na nito ay mabilis itong tumango.

"What about him?"

"I hired a killer to kill him," kaswal na sabi ni Abraham ngunit isang malakas na sampal ang sumalubong sa kaniya mula kay Desiree matapos niyang sabihin iyon.

SERIE ALFA DOMINANTE 1: ABRAHAM ROSSITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon