Chapter 80

459 5 0
                                    

"What are you still waiting?" pagalit na bulyaw ni Jai kay Abraham dahilan para mapatingin si Abraham sa kaniya. "Leave!"

"D-Desiree?" nagmamaka-awang tawag ni Abraham sabay abot ng kaniyang kamay para abutin si Desiree ngunit lumayo at nag-iwas lamang ng tingin ang dalaga. 

"Still not leaving?" naghahamon na tanong ni Jai sa binatang si Abraham. "I'm giving you two choices, aalis ka na may hininga pa o ako na mismo ang maghahatid ng walang buhay mong katawan sa mansion mo?"

"Jai!" mabilis na tawag ni Desiree. "I-I mean, paalisin mo na lang siya rito sa villa. You don't need to exhaust yourself for someone like him." Sandali pang pinaka-titigan ni Jai si Desiree matapos nang sinabing iyon ng dalaga at maya-maya pa ay malalim itong bumuntong hininga at tumango.

"Okay. I get it wife," tugon ni Jai sabay halik sa ulo ng dalaga at nagbigay pa ng isang nakaka-asar na tingin at ngiti kay Abraham na sa sitwasyon na iyon ay nakaka-awa na kung titignan. "Mr. Rossi, could you please leave now? My wife seems so tired. She needs to rest so I need to take care of her. We can't entertain visitors as of now." 

"Desiree, please I—"

"Please leave," malamig ang boses na wika ni Desiree bago naunang tumalikod at umalis. Nakangisi namang tinignan ni Jai si Abraham na tila isang abandonadong tuta na wala ng magawa kung hindi ang tignan si Desiree papalayo.

"Please close the door when you leave," nag-aasar na wika ni Jai bago tumalikod at sundan si Desiree.

Tahimik habang nakatayo sa may gilid ng bintana ng kaniyang kuwarto si Desiree. Ilang minuto matapos niyang umalis para pigilan ang kaniyang sarili na pigilan si Abraham umalis. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay kitang kita ng dalaga ang sandaling paglabas ni Abraham mula sa loob ng bahay habang nababakas ang malungkot na awra nito dahil sa nangyari. Bagsak ang mga balikat ito habang dahan-dahan na naglakad papaalis. Malungkot na tinanaw ni Desiree si Abraham na bago tuluyang maka-alis ay muli munang nagbigay ng huling tingin sa bahay. Doon ay wala sa sariling nai-angat ni Desiree ang kaniyang kaliwang kamay at inihawaka sa may glass window ng kaniyang kuwarto na animo'y gustong abutin si Abraham para pigilan na umalis. Na huwag siyang iwan sa puder ni Jai.

"Did he left already?"

Natigil lamang ang pagtingin na iyon ni Desiree sa nakaka-awang si Abraham dahil sa boses ni Jai mula sa kaniyang likod. Sandali pang nagitla ang dalaga bago mabilis na hinarap si Jai na kapapasok pa lamang sa loob ng kaniyang kuwarto.

"J-Jai," kinakabahan na tawag ni Desiree ng makita nito na papalapit sa kaniya ang binata.

Sa takot na muling saktan siya ni Jai ay napa-pikit na lamang ng kaniyang mga mata ang dalaga at pagkatapos ay hinihintay na maramdaman muli ang higpit ng pagkaka-hawak ni Jai... ngunit mali siya ng akala dahil pagkalapit ni Jai kay Desiree ay nag-daretso ito sa may binata upang silipin kung nandoon pa ba si Abraham sa labas ngunit wala na itong nadatnan pa.

"So, he really left already," mahinang wika ni Jai habang naka-silip sa may labas ng bintana. "He made a good decision." 

Matapos sabihin ni Jai ang mga salitang iyon ay dahan-dahan na nagmulat ng kaniyang mga paningin si Desiree at nakita nga nito si Jai na nakasilip sa labas mula sa kaniyang kuwarto. Matapos sumilip mula sa loob si Jai ay tahimik at seryoso naman nitong ibinalik ang tingin kay Desiree. Sa pagkakataon na iyon ay halos mai-tigil na ni Desiree ang kaniyang paghinga dahil sa mga titig ng binata sa kaniya.

"J-Jai, please let me explain. I don't—" ngunit natigil ang sasabihin nito at nagulat dahil sa biglang pagyakap nang mahigpit ni Jai sa kaniya.

"I'm sorry," malumanay na wika ni Jai habang mahigpit na nakayakap sa dalaga. "I hurt you. I apologize, wife. I was just jealous and so freakin' mad about what happened. About what that bastard did to you. I want to protect you. I want you to be mine alone. Nadala lang ako sa nararamdaman ko that's why I hurt you. I am so sorry," paulit-ulit na paghingi ng patawad na sabi ni Jai.

"J-Jai," pagtawag ni Desiree at hindi malaman kung yayakap ba siya pabalik ngunit sa huli ay mahigpit na hinawakan na lamang ni Desiree ang suot ng binata sa may bandang bewang nito. "I-I understand. I-I know you didn't meant to hurt me," natatakot na wika ni Desiree dahil sa isip-isip niya ay kung hindi niya sasamantalahin ang oras na iyon para pakalmahin si Jai ay maaaring saktan na naman siya nito. 

For pete's sake, Jai almost killed Abraham because of his jealousy. If she wasn't there, Desiree doesn't know what will happen to Abraham and Jai. She saw how furious Jai's eyes was. That in any moment, he can be a criminal.

Tumagal nang ilang minuto ang pagyakap ni Jai kay Desiree hanggang sa siya na mismo ang humiwalay at nakangiting tinignan si Desiree sa mga mata nito.

"Wife," pagtawag ni Jai sabay pahid sa nangingilid na luha ng dalaga. "I hate to admit this but, that bastard has a point. You're still his employee. So what I wanted right now is for you to completely resign to his company."

"J-Jai, I-I know you want me to resign but I don't think after what happened, it's still a good time to for me to face—"

"You don't have to worry about that, wife. You don't need to see him... ever again. I'll call Butler Jin para sa kaniya ko na ipapadala ang resignation letter mo. Ako na rin ang bahala ang gumawa ng dahilan. To guarantee that, pasasamahan ko siya sa isang legal lawyer."

"I-I understand, Jai. But..." wika ni Desiree kahit na sa totoo lang ay nangangamba siya sa maaaring mangyari pagkatapos. Kung magre-resign siya sa company, ang ibig sabihin lang n'on ay parang pinuputol na rin nito ang ugnayan nito kay Abraham dahil sigurado siya na gagawin ni Jai ang lahat para hindi na sila muli pang magkita. "... w-what am I gonna do next? M-Mahirap maghanap ng trabaho ngayon—"

"After that," sabay hawak ni Jai sa mukha ng dalaga habang naka-ngiti at naglakad palapit bago inilapit ang kaniyang mukha para paglapatin ang kanilang mga noo. "We will go back in Britain to start our new life."

"W-What?" gulat na tanong ni Desiree dahil wala sa plano nito na bumalik pa ro'n. Ang lugar na kung saan una siyang nagdusa. Ang lugar kung saan ay nandoon ang tunay niyang pamilya. Ang Ama niya na walang ibang nakikita kung hindi ang kapatid niyang si Hazel Bianchi.

"Let's get married, wife. Let's get married and start a family."

SERIE ALFA DOMINANTE 1: ABRAHAM ROSSITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon