Chapter 88

557 10 3
                                    

"B-Butler Jin?" gulat at mahinang tawag ni Desiree nang lumagpas ang tingin nito kay Jai daretso sa may pintuan kung saan doon nakatayo ang gulat na gulat na si Butler Jin dahil sa kaniyang narinig.

Napalingon naman si Jai sa kaniyang likuran dahil sa gulat na pagtawag na iyon ni Desiree at doon nga niya nakita si Butler Jin na nakatingin sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang mga labi na animo'y gustong magsalita ngunit walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig.

"Why are you here?" nakakunot ang noo na tanong ni Jai kay Butler Jin bagkus na magulat dahil narinig ng Butler ang kaniyang sinabi.

"W-What did you say?" nanginginig na tanong ni Butler Jin bago dahan-dahan na naglakad palapit kay Jai. "W-What did you say about my wife Mary?" hindi maipintang reaksyon na tanong ni Butler Jin sabay hawak sa magkabilang mga braso ni Jai.

"Get off me!" sigaw ni Jai.

"Ano ang ginawa mo sa asawa ko!?" malakas na sigaw ni Butler Jin kay Jai at tuluyan ng umiyakhabang nakatitig sa binata.

"B-Butler Jin, w-what are you doing here?" kinakabahan na tanong ni Desiree at mabilis naman siyang nilingon ni Butler Jin bago muling ibinalik ang paningin kay Jai.

"Y-You said that I only need to make sure that Abraham will marry Amira a-and after that, y-you'll allow me to finally see my wife. You promised me!" malakas na sigaw ni Butler Jin at inalog-alog ang mga braso ni Jai dahilan para malakas siyang itulak nito.

"I said get off me!" sigaw ni Jai sabay malakas na tulak kay Butler Jin dahilan para mapa-atras ito.

"You promised me," paulit-ulit na bulong ni Butler Jin na tila nawala na sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang narinig.

Gulat at titig na titig naman si Desiree kay Jai matapos ng kaniyang mga narinig. Sa isip-isip ng dalaga ay iyon pala ang ipinangako ni Jai kay Butler Jin kung kaya't sinusunod siya nito bukod sa Butler talaga ito ng pamilyang Lewis.

"B-Butler Jin, a-are you okay?" nag-aalalang tanong ni Desiree dahil alam nito na sobrang sakit para sa Butler ang  kaniyang narinig. 

Walang buhay ang mga mata namang nilingon ni Butler Jin si Desiree na dahan-dahan na lumalapit sa kaniya at inaabot.

"M-Miss Bianchi, h-he promised me. He promised me. I was forced by him. I was forced to—"

"Shut up!" malakas na sigaw ni Jai bago pa maituloy ni Butler Jin ang kaniyang sasabihin. "Who gave you permission to speak? You are still my family's servant if you forgot! How dare you!"

"How dare me?" matigas ang bawat salita na wika ni Butler Jin. "You killed my wife! Lagi mong sinasabi sa akin na maayos siya sa mansion. Ginawa ko lahat ng gusto mo kahit na ayaw ko at alam kong mali dahil gusto ko na siyang makasama at makita! A-Akala ko ay makikita ko na siya pagkatapos ng lahat ng ito. Umasa ako... umasa ako sa wala!"

"Blame that stupid wife of yours for getting killed!" hindi maka-taong paninisi ni Jai na ikinagulat nina Desiree at Butler Jin.

"W-What?"

"So what if I killed her? So what if I lied to you? Does it make any changes now?" pagtatanong ni Jai at hindi naman naka-sagot si Butler Jin bagkus ay mahigpit na ikinuyom na lamang ang kaniyang mga kamao at napayuko.

Napatunghay na lamang ito muli ng makarinig ito nang malakas na tunog. Si Desiree na nasa harapan na pala ni Jai habang nakataas ang kamay dahil sa ginawa nitong pagsampal sa binata.

"Y-You're too much, Jai! You're too much! Gaano kadali sa'yo na sabihin ang mga salitang binitawan mo? You killed someone's wife just for your own selfishness! Ang dami mong niloko at pina-ikot sa kagustuhan mo!"

"You think I regret doing those things?" mahina ngunit matigas na tanong ni Jai sabay seryosong tingin sa mga mata ni Desiree. "If I didn't do those acts, you're not here with me, Desiree. You'll be with someone else and that's not me! Wala akong pakialam sa masasaktan. Wala akong pakialam kahit ilan pa ang namatay o mamamatay—" at natigil itong muli sa ika-dalawang sampal sa kaniya ng dalaga.

"Baliw ka na, Jai. Baliw ka na," seryosong wika ni Desiree habang ang takot sa mga mata nito ay napalitan ng isang malamig na tingin na may kasamang awa. "Butler Jin, I know this is hard for you," sabay tingin nito kay Butler Jin. Baliktadin man ang mundo ay hindi mababago na Butler pa rin ito ng pamilya Lewis. "Talk to Abraham and Amira that you need to go back in Britain for such an important matter. Give justice for you wife."

"M-Miss Desiree," nauutal na tawag ni Butler Jin dahil hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig.

Hindi man nito masaktan ng daretso si Jai dahil isa iyong kasalanan sa batas ng mga royalties ay mabuti na lamang at nandoon si Desiree. Sa batas ng royalties tungkol sa mga Butler ay hindi maaaring saktan ng mga taga-sunod ang isang noble dahil ang kapalit nito ay ang habang buhay na pagkakaulong o kamatayan. Kung makukulong o mamamatay si Butler Jin, paano na lang niya bibigyan ng hustisya ang nangyari sa kaniyang asawa?

Pagod at bagsak ang mga balikat na tumango at tumalikod si Butler Jin ngunit bago iyon ay ibinigay muna nito ang kaniyang huling mga salita para kay Desiree.

"M-Miss Desiree, I would like to apologize. A-Ang lahat ng nangyari ay plano lahat niya," pagtukoy nito kay Jai. "S-Sa pag-uusap niyo ni Young Heiress, kung sinabi niya na mahal ka ng Young Highness Abraham, pakiusap maniwala ka dahil iyon ang totoo. Kailanman ay walang naging relasyon ang dalawa dahil walang pagtingin ang Young Highness sa Young Heiress. Totoong hinanap ka niya noong nawala ka. Kagagawan ng taong iyan ang lahat kung bakit nahuli ng paghanap ang Young Highness sa'yo. Mahal na mahal ka ni Young Highness Abraham, Miss Bianchi. I'll look forward for your happiness too," nakangiting sabi nito at nginitian naman siya ni Desiree.

"I believe him, Butler Jin. Alam kong kailanman ay hindi nagtago o nagsinungaling sa akin si Abraham. Malinaw na ang isip ko at handa na akong gawin ang totoong gusto ko. Maraming salamat," tugon ni Desiree at tumango naman sila sa isa't isa bago tuluyang umalis si Butler Jin.

Pagka-alis ni Butler Jin ay naiwan sa loob ng kuwarto ang dalawa, sina Desiree at Jai. Ilang segundong nagtitigan ang dalawa hanggang sa nauna nang nagsalita si Jai na animo'y isang takot na pusa.

"W-Wife, p-please don't leave me. I-I only did that—"

"Enough with your lies and excuses, Jai. I'm such a fool for letting you do what you wanted to do with me pero hindi ko na hahayan pa ang sarili ko na matakot sa'yo. Gusto ko ng mawala ka sa buhay ko... for good."

SERIE ALFA DOMINANTE 1: ABRAHAM ROSSITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon