Chapter 42

607 6 1
                                    

Matapos itanong ni Abraham ang mga katanungan na iyon kay Desiree ay sandaling natahimik ang dalaga na wari mo'y pino-proseso ng kaniyang utak ang kaniyang narinig kung tama ba o mali. Titig na titig si Desiree kay Abraham at gano'n din ang binata sa dalaga.  Nang mapansin nga si Desiree na seryoso si Abraham sa tanong nito ay napabuntong hininga siya.

"What is really the problem, Abraham?" nagtataka at nag-aalalang tanong ni Desiree bago ibinaba sa may lamesa ang kaniyang hawak na paper bowl at hinawakan ang kamay ni Abraham.

"Desiree, would you still stay with me if I'm penniless?" tanong ni Abraham bagkus na sagutin ang tanong ng dalaga.

"Abraham, what are—"

"Answer me," tila nag-susumamo na wika ni Abraham habang titig na titig sa mga mata ng dalaga.

Hindi alam ni Desiree ang nangyari kanina noong naka-tulog siya pero kung ano man iyon ay sigurado si Desiree na malaki ang naging epekto no'n kay Abraham kung kaya't naging ganito ang ako ng binata.

"I don't know what happened why you're acting like this," pagsisimula ni Desiree at gamit ang isa pa nitong kamay ay ini-hawak na rin niya sa binata at doon ay sandaling napa-tingin si Abraham. "But, I promise that I will not leave your side. I am always here, Abraham. Always will be. You have me. Always."

Pagkatapos sabihin ni Desiree ang mga salitang iyon sa binata, habang nakayuko si Abraham dahil nakatingin ito sa magka-hawak na mga kamay nila ni Desiree ay nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Dahan-dahan na nag-angat ng kaniyang tingin si Abraham habang marahan na naka-awang ang labi at doon ay nakita niya ang sincere na ngiti ni Desiree sa kaniya. Dahil sa gulat ay hindi kaagad nakapag-salita si Abraham ngunit hindi naglaon ay madamdamin nitong hinigpitan ang hawak sa mga kamay ni Desiree gamit ang dalawa niyang mga kamay at inilapit iyon sa kaniyang labi upang halikan.

"Thank you... Thank you so much, my Desiree," mahina at nakapikit na tugon ni Abraham habang hinahalik-halikan ang likod ng palad ng dalaga. Ngayon ay mas lumakas na ang loob ni Abraham dahil alam niyang kahit mawala na sa kaniya ang yaman ay hinding hindi siya iiwanan ni Desiree.

Tahimik at nag-aalalang pinanood lamang ni Desiree ang ginagawa ni Abraham na pag-halik sa likod ng kaniyang palad ngunit noong sinagot na nito na hindi niya iiwan si Abraham kahit na maubos o mawala ang lahat ng pera ni Abraham ay nakitaan ni Desiree ang binata ng kagalakan na ekspresyon at ang kaninang malungkot na awra nito ay napalitan ng pag-asa. 

Malalim na ang gabi ngunit nasa labas pa rin ng bahay ang dalaga, nakatanaw sa malayo at inaabangan ang kaniyang gustong makita. Si Abraham. Malamig na rin ang pagkain na kaniyang niluto para sana pagsaluhan nilang dalawa ngunit anong pagtataka ni Amira na hanggang ngayon ay wala pa rin ni anino ni Abraham ang nagpakita. Sa tagal nang naghihintay ni Amira sa muling pagba-balik ni Abraham sa mansion ay nawawalan na ito ng pag-isa, iniisip na baka hindi na naman umuwi si Abraham at manatili sa Office dahil sa trabaho.

"I'll see you later, okay?" 

"Stop with your thinking Amira," wika ni Amira sa kaniyang sarili nang maalala niya ang sinabi sa kaniya ni Abraham na kikitain siya nito mamaya. "Uuwi si Abraham. Baka marami lang talaga siyang ginagawa pero uuwi siya," wika ni Amira bago muling naupo sa isang single chair habang nasa labas ng bahay at nakatanaw sa may gate.

Mag-iisang oras na ang nakalilipas ngunit wala pa rin na Abraham ang nagpakita. Nag-aalalang tumayo mula sa kaniyang pagkaka-upo si Amira at muling pumasok sa loob ng mansion dahil naisip nito na tanungin si Butler Jin. Umakyat sa mataas na hagdan ang Young Heiress bago nagtungo sa isang sulok ng pasilyo kung saan ay nandoon ang kuwarto ng Butler. Pagka-tapat ni Amira sa pintuan ng kuwarto at nang balak na sana nitong kumatok ay natigil ito dahil sa kaniyang narinig mula sa loob.

"Yes, Your Majesty. Naiintindihan ko po. Sa ngayon po ay nakausap ko na ang lagpas sa kalahati nang mga investors and they agreed kapalit ng napag-usapang bayad."

"Are you sure about that, Your Majesty? Hindi po ba mas magagalit ang Young Highness?"

'Young Highness?' sa isip-isip ni Amira. Kung gayon ay si Abraham ang pinag-uusapan nila at ang kausap ni Butler Jin ay ang Ama ni Abraham.

Matapos marinig ni Amira na ang kausap pala ni Butler Jin ay ang Majesty ng pamilya Rossi, dahan-dahan itong humakbang paatras dahil alam nito na mali na makinig sa usapan nang may usapan. Ngunit, nang malaman din nito na tungkol kay Abraham iyon ay may kung anong nagtutulak sa kaniya na ipag-patuloy ang pakikinig kahit na mali.

"Nakuha ko po ang lahat ng sinabi niyo. Gagawin ko po nang mabuti ang utos, Your Majesty. Ako na po ang bahala pati sa babae. About the Young Heiress, don't worry, Your Majesty. Maayos po ang kalagayan niya and anytime soon, babalik na po sila ng Young Highness sa Britain para sa kasal."

Nang marinig ni Amira ang huling sinabi na iyon ni Butler Jin ay napakunot ang noo nito, iniisip na kung sino ang babae na sinasabi at kung bakit ito gano'n ka-sigurado na babalik siya kasama si Abraham sa Britain gayon na hindi pa nga nakukumbinsi ni Amira si Abraham dahil sa tingin ni Amira ay masyado pang maaga pa ro'n.

Habang abala sa pag-iisip si Amira tungkol sa kaniyang mga narinig ay hindi na nito napansin ang pagbukas ng pinto at doon ay lumabas si Butler Jin na nagtatakang naka-tingin sa kaniya.

"Young Heiress?" tawag ni Butler Jin na ikina-gulat ni Amira. 

"A-Ano... Butler Jin," nauutal na wika ni Amira dahil sa gulat at napa-atras pa ito.

"Masyado nang malalim ang gabi, Young Heiress Amira. Bakit pa po kayo gising?" pagtatanong ni Butler Jin bago isinarado ang pinto ng kaniyang kuwarto.

"A-Ano kasi..."

"May kailangan po ba kayo, Young Heiress? Bakit po kayo nandito sa harap ng aking kuwarto?"

"B-Butler Jin," nauutal na tawag ni Amira dahil hindi nito malaman ang kaniyang sasabihin. "S-Si ano... Si Abraham, w-wala pa kasi siya. I-Itatanong ko lang sana kung uuwi ba siya ngayon?"

"Ang Young Highness po ba ang dahilan kung bakit gising pa kayo?" pagtatanong ni Butler Jin at tumango naman si Amira.

"K-Kanina pa kasi ako naghihintay sa may labas. Sinabi niya kasi sa akin na hintayin ko siya pag-uwi ngunit anong oras na at wala pa siya," malungkot na wika ni Amira at hindi naman sumagot si Butler Jin dahil sa isip-isip nito ay marahil kasama ni Abraham si Desiree. Nang mapansin ni Amira ang pagiging tahimik ni Buler Jin ay napatanong ito. "May problema ba, Butler Jin?

"Wala naman po, Young Heiress," nakangiting tugon ni Butler Jin dahil ayaw nito ipahalata sa dalaga na may  hula ito kung nasaan si Abraham kung kaya't malaki ang tyansa na hindi nga ito uuwi. "Huwag n'yo na po sanang isipin masyado ang tungkol sa Young Highness. Umakyat na po kayo sa inyong kuwarto at matulog. Ako na po ang bahala sa Young Highness kapag dumating siya at sasabihin ko po na naghintay kayo sa kaniya."

"H-Hindi na. Huwag mo na sanang sabihin sa kaniya na naghintay ako," malumanay na wika ni Amira. "Kung hindi man uuwi si Abraham, siguro ay bukas na lang kami mag-uusap."

Nang sabihin ni Amira ang mga salitang iyon ay nakangiti ito. Titig na titig si Butler Jin kay Amira dahil hindi nito lubos maisip na papaano pa nakukuhang ngumiti ng dalaga kahit na bakas sa boses at kilos nito na hindi okay sa kaniya na hindi uuwi si Abraham sa mansion? Na kahit nangako si Abraham ay ayos lang kay Amira na hindi ito tuparin ni Abraham? Tunay nga na mabait si Amira at understanding kung kaya't marami ang may gusto rito ngunit hindi ang sarili nitong fiance na si Abraham.

"Gano'n po ba? Masusunod po ang kagustuhan n'yo Young Heiress Amira. Magandang gabi po," wika ni Butler Jin at tumango naman si Amira bago tumalikod at naglakad papunta sa kaniyang kuwarto para matulog at huwag na hintayin pa si Abraham kahit na nangako ang binata sa kaniya.

Nang mawala na sa paningin ni Butler Jin ang dalaga ay muli nitong kinuha ang kaniyang bagong cellphone at may tinawagan. "Start our plan tomorrow. Once it's done, pay the top media publisher to publish the news the day after tomorrow."

SERIE ALFA DOMINANTE 1: ABRAHAM ROSSITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon