Taming 49

1.8K 116 5
                                    

T a m i n g  49: Chasing

ANDY'S Point Of View

Napatingin ako sa ubos nang gamot ni Nanay. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi pala ako nakabili kahapon. Kung alam ko lang sana, iniling ko na lang ang ulo ko saka napatingin sa pintuang bumukas bigla. Iniluwa nu'n si Seven na kadadating lang mula sa night shift. Inikot-ikot nito ang leeg, halatang pagod na pagod ito sa pagtatrabaho.

"Ugh! Ang daming pinagawa sa akin si Boss, palibhasa ako lagi nakikita eh..tsk!" Reklamo niya bago ko ito salubungin upang kunin ang bag sa kanya na dala niya palagi. "Tanggalin mo nga stress ko," dagdag niya pa bago ko kuhain ang shoulder bag.

"Ahmmm—" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang may parehas na braso ang yumakap sa akin sabay sandal ng ulo nito sa aking balikat.

"Sabi ko tanggalin mo hindi ba? Ayan ok na," bulong niya.  "Pero mas isa pa eh." Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagnguso niya ng labi.

"Tigilan mo ko ha, porket wala lang sila kuy" hindi ko na naman naituloy ang sasabihin nang tuluyan niya akong bigyan ng isang halik sa aking labi. Para akong natauhan na hindi maintindihan, nadala na rin ang pakiramdam ko hatid nang malambot at malalamyang paggalaw ng kanyang labi.

Sandali siyang tumigil. "I don't know why, but there's nothing changes lalo na nung hinalikan kita sa beach," sabi niya sabay hawak sa bewang ko paharap sa kanya. Muli niya na naman akong ginawaran ng halik pero hindi na sa mismong labi kung sa gilid nito.


"S-seven..." Bulong ko sa sarili habang napapikit sa kiliting dala nu'n sa akin. Ang suot niyang polo na may bahid pa ng pawis sa mainit niyang katawan ay hindi sinasadyang mahawakan ko.

Pero ilang saglit lamang ay tumigil din siya habang nakangiti sa harap ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha sa mga oras na iyon pero sa hindi malamamg dahilan ay para akong naiyak sa sobrang saya ng puso ko, kakaiba dahil tumitibok ito ng mabilis.


Kahit hindi ko ito pagmamay-ari..


"Nasaan si Tita? Bakit mag isa ka lang dito?" Tanong niya sabay lingon sa buong paligid. "Atsaka nagpapagod ka ba? Hindi ba't bawal sayo iyon?"


Sumimangot ako. "Eh syempre! Atsaka naglilinis lang naman ako eh? Hayaan mo na kasi ako.."

Nagkibit-balikat na lamang ito. "Ok ok sige baby, samahan mo na lang akong kumain bago ako magpahinga," yaya niya sabay hila sa kamay ko. Dito lang ako natauhan kung saan narealize kong hindi pa pala ako naghahain at nakakapagluto ng pagkain namin. Napatigil ako sa paglalakad kaya nagtatakang napalingon sa akin si Seven. “Why? There’s any problem?


Napabuntong hininga ako. “Hindi pa ako nakakapagluto Daddy,” nag-aalangan pero diretsong sabi ko. Ngunit imbes na init ng ulo at nakangunot na noo ang makita ko sa kanyang mukha, isang pagngiti lamang ang sumilay sa kanyang labi sabay gulo ng buhok ko. “Hindi ka magagalit o maiinis?


And why? anong dahilan? Dahil nakalimutan mo? Nah... it’s okay, and besides eh nagpadeliver naman ako kaya no need... kakasya na sa atin iyon lahat,” Sagot niya naikinagaan ng loob ko. Minsan na kasi siyang nagalit sa akin at alam kong kasalanan ko naman iyon, pero ang kaibahan lang talaga ay saglitan lang at parang usok na mawawala. Minsan nakakaguilty lalo kapag matigas ang ulo ko pero iniisip ko na lang na mahal talaga ako ni Seven. Maya-maya pa ay biglang may kumatok sa pintuan namin kung saan naagaw nu’n ang aking atensyon.


Raid Boys Series 1: Taming Mr. Seven (BxB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon