Taming 27

2.7K 167 23
                                    

T a m i n g  27: Presents

ANDY'S Point Of View



Dahil sa bahay ako natulog kagabi ay roon na rin ako nagbihis para pumasok. Nagpaalam na lang ako kila Nanay na hindi muna ako makakauwi sa kanila kagabi lalo pa't muli ko na namang inayakan ang lalaking yun..



Si Daniel..



Huminga muna ako ng malalim saka inayos ang tie ko habang nakaharap sa salamin. Panibagong araw na naman para sa pagpasok, panibagong normal na buhay ang mangyayari. Nothing change, ako pa rin ito...si Andy Domingo na ngingiti at susunod sa utos ng boss niyang si Seven.



Bigla kong naalala yung gabing sinamahan ako ni Sir sa bar para makinig sa problema ko na napunta at nag-iwan sa akin ng pala-isipan na talagang nagbago na ito kumpara sa dating nakilala ko. Pakiramdam ko may iba pa yung rason hindi lang dahil sa nakinig ako sa problema niya eh..



Iniling-iling ko ang ulo ko. "Hindi Andy, tama na ang hinala mo ok?" Saad ko sa sarili ko. Napatingin na lamang ako sa relo ko. "Alas syete na pala."



Agad akong lumabas ng pintuan na iyon at inilock  ito saka naglakad paalis. Pagkalabas ko sa kalsada ay saktong pumarada sa tapat ko ang dati kong sinasakyan na tricycle driver. Nakangiti ito sa akin. "Ngayon na lang kita nakita ah? Papasok ka na hindi ba?" Tanong nito na ikinatango ko.



"Oho sana, pwede sumakay?" Tanong ko.



"Aba oo naman!" Nakangiti niya pa ring sagot. "Nga pala may nagpunta sa tapat ng bahay niyo kagabi ah? Lalaki, lasing ata tawag ng tawag sayo."



Napalunok ako ng laway. Hinahanap ako? Lasing?  Hindi kaya si Daniel yun? Napabuntong-hininga na lang ako. "Baka mali lang ho yung bahay na napuntahan, hayaan niyo na po." Palusot ko sabay sakay rito. Agad niyang pinaandar ang makina ng tricycle saka iyon pinaandar.



Bigla akong napa-isip kung paano pa siya nakapunta sa amin sa kalagayan na iyon. Masyado niya lang akong pinagsasayangan ng oras, bakit hindi na lang siya manahimik at kalimutan na niloko niya ako?




Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa papasukan ko. Huminga ako nang malalim saka nagpaalam sa driver. Kanina pa naman ako nagbayad kaya walang problema. Hinawakan ko ang bag ko na may gamit saka pumasok sa loob. Pagkatapak ko pa lang doon ay sumalubong na sa akin ang mga palakad-lakad na ibang employees, naglilinis na janitors at sina Miss Alice na nasa desk area.



Tumingin ito sa akin. "Good morning Andy," aniya.



"Good morning din po Miss," saad ko. Bigla itong may sinenyas sa akin na parang itinuturo. Kumunot ang noo ko saka tinignan ang waiting area kung saan nakaturo ang daliri niya. Biglang tumayo ang lalaki roon na nakangiti sa akin. Napapikit ako nang makilala ko ito.



"Andy..." Pagtawag ni Daniel sa akin sabay lapit. "Andy Please magpapaliwanag ako, aayusin ko ito."



"Anong ginagawa mo rito?" Bungad kong tanong.



"Please wag mo akong itaboy oh? Please wala naman yung babaeng yun, isa lang siyang slut—" natigil lang siya nang sampalin ko ito bigla. Natahimik siya, pati na rin ang mga taong nasa loob.



"Ganyan ka ba katarantado Daniel? Pati mga babae hindi mo na nirerespeto? Hindi ka na ba nakuntento na niloko mo ako? Na pinaniwalaan ko yang mga salita mo?" Galit sa sabi ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko kaya napaiyak na naman ako.



Raid Boys Series 1: Taming Mr. Seven (BxB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon