Taming 47

1.7K 111 5
                                    

T a m i n g  47: Truthful

SEVEN'S Point Of View


Hindi ko napigilang mapapikit sa sobrang kaantukan. Nakaupo kasi kami sa tabi habang hinihintay na magising si Andy. Sabi kasi ng doctor ay pwede na siyang magising anytime kaya pinipigilan ko talagang mapalampas iyon.


"S-seven..." Ani ng isang boses. Kusang nagising ang diwa ko ng marinig ko iyon. Tinignan ko si Andy na gising na at hinahagilap ang kung sinong naroon.


"A-andy!" Sigaw ko sabay mabilis tumayo sa kinauupuan. Muntikan pa akong madulas sa tiles pero mabuti na kang at napigilan ko iyon. Mabilis niya akong nakitang nasa kanyang harapan at tila ba nabuhayan siya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil maingat ko itong niyakap. Halos maramdaman ko muli ang init ng kanyang katawan sa balat ko.


"D-daddy..." Saad niya. Naramdaman ko rin ang dalawa niyang braso kung paano niya ako ginantihan ng yakap.


Inangat ko ang paningin ko. "Sa wakas gising ka na," sabi ko sabay bigay ng matamis na halik sa labi nito. Muling sumilay sa kanyang ngiti sa bibig kaya wala na akong mahihiling pa sa mga oras na iyon kung hindi mapasalamatan ang matandang may gawa nito.



"I-imiss you..." Nanghihina niya pa ring sabi. Halatang hirap mula sa pagkakaopera sa kanya.



"Shh mamaya ka na magsalita ha?" Paalala ko sabay tingin kay Andrew at Ryner na lumapit naman agad saka ako tumango. Sila naman ang pumalit sa akin upang kamustahin ang kanilang kapatid kaya mas natuwa ako nang makitang ngumiti na sila.



Kailan ko kaya magagawa yun sa sarili kong kapatid? Tss...Hindi na siguro.


Pumasok naman si Light na may dalang kape sa amin. Si Elvis naman ay halatang may malalim na iniisip pero napawi iyon nang mapatingin sila sa kama ni Andy.


Natutuwa ako dahil sa unang pagsalubong pa lamang namin sa kanya ay samu't saring pagmamahal agad ang ipinaranas kaya siguradong hindi na dadapo muli sa kanya ang sakit sa puso na muntik na niyang ikamatay.


"Si Nanay?" Narinig kong tanong ni Andy sa kanyang Kuya.


"Nasa bahay, pero wag kang mag-alala andoon naman si Troy para alagaan ito," saad niya. "Kamusta na pala ang pakiramdam mo? Kailangan ba naming tumawag ng doctor?"



Akmang lalapit na sana ako sa kanya nang magringtone ang cellphone ko, hudyat na may nagmensahe sa akin. Tinignan ko agad iyon at nagulat nang mabasa ang nakasulat na mula kay Mr. Xiao. Muntik ko na palang makalimutan na mayroon siyang dapat sabihin sa akin.


Pero ano kaya iyon?


Napatingin uli ako kay Andy na nahawi pala ang mga nakapaligid sa kanya saka ko binalingan ng atensyon. "M-may problema ba Daddy?" Tanong niya. Gusto ko man sabihin sa kanya ang totoo pero naroon ang pag-aalangan kaya naman sumenyas ako ng pagtango lamang.

"A-ano Baby, aalis muna ako ha? May kailangan lang akong kausapin," pagpapaalam ko saka siya mabilis na nilapitan upang halikan sa noo. "Magpagaling ka na ha? Para makauwi na tayo ok?"


Tumango siya atsaka ngumiti ng malawak. "Opo opo!"


Pagkatapos ko roon ay saka ako dali-daling lumabas ng hospital. Pinaandar ko na rin agad ang sinasakyan ska pinuntahan ang bahay ng matanda. Habang nagmamaneho ay may nahulog na isang litrato sa isang tabi. Napakunot ang noo ko nang sandali ko itong pulutin at tignan.


Raid Boys Series 1: Taming Mr. Seven (BxB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon