Taming 16

3.4K 199 9
                                    

T a m i n g  16: Courting

ANDY'S Point of View




"Next Week Andy," nakangiting pagpapaalala ni Jam, ang isa sa officer ng company kung saan nakaassign siyang magdalang idedesign na Paintings para sa Project. Tinanguhan ko lamang siya bago ito lumabas ng building. Tumingin naman ako sa malaking orasan na nakasabit sa pader at eksaktong alas-singko na kaya lumabas na ako palabas upang maghintay ng sasakyan pauwi.



Isang tunog ng sasakyan ang nagpagulat sa akin. Hindi ko namalayang mayroon palang pumaradang kotse roon kung kaya't agad akong tumabi. Kakaisip ko nagiging lutang na lang ako.



Pero nagulat ako ng bumaba rito si Daniel habang may dalang boquet of flowers. Siguradong may maswerteng babae siyang natipuhan. Bigla siyang lumapit sa akin habang suot-suot ang namumulang mukha at ang malawak na ngiti. Medyo nawerduhan tuloy ako sa kanya.



"H-hi.." nauutal niyang pagbati. Tinignan ko muna ang dala nito saka siya binalingan muli.



"Hello? bakit naparito ka pala? Pinasusundo ba ako ni Sir Alex? Pakisabi papasok na ako mamaya magbibihis lang ako." Muntik ko ng makalimutan na sabado na nga pala bukas at magtatrabaho na pala ako mamaya sa Bar.



Bigla siyang hindi mapakali. "Ano kasi ahm.."




"Ayos ka lang?" Naguguluhan kong tanong pero tumango lang siya at umiwas ng tingin sa akin. Inilapit niya sa akin ang bulaklak na ikinunot ng noo ko. Tumingin muna ako sa paligid dahil baka nasa likod ko lang pala yung babaeng pagbibigyan niya. "Ano yan? Ahmm para sa nililigawan mo ba yan?"



"Ano kasi...ahmmm...Damn! Daniel! Kumilos ka Aish!!" Bulong niya.




"Uy ayos ka lang?" Tanong kong muli ng marinig ko ang pagmumura nito. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nagpatigil sa kanya. Tumingin ito sa akin saka lumuhod. Nanlaki ang mata ko ng pormal niyang ibigay ang bulaklak sa akin. Narinig ko rin ang pagtigil sa paglalakad ng iilang tao na napapadaan sa amin, pati na rin ang mga kasamahan ko sa kompanya, isinisigaw ng mga ito ang pangalan ko.



"Go Andy!" Sabay sabay nilang pagsigaw habang kinikilig.



"Ahmm, Andy... Can i court you?" Seryosong tanong ni Daniel sa akin. Napatitig ako sa kanyang kulay kapeng mata. Nakikita ko roon ang sinseridad niya sa alok nito sa akin.



"D-daniel.."



Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Kung sinong babae man ang makikita ito'y mahuhulog talaga sa kanya. "I told to your mother na magiging Future Boyfriend mo ako right? Kaya Ito na ang unang hakbang para matupad ko yun sayo."



Hindi ako makapagsalita. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. T-totoo ba lahat ng naririnig ko? O baka naman nalulutang na naman ako?... Napatingin ako sa mga taong nanonood sa amin. May kumukuha ng video habang mayroon namang nanonood lang. Nakaramdam tuloy ako ng bahagyang hiya.



"T-tumayo ka nga diyan... nakakahiya.." nakayuko kong sabi habang pinipigilan ang pag-ngiti. Tumayo naman siya atsaka ko kinuha dahan-dahan ang bulaklak. "Ano kasi.."



"Hmm?" Hindi umalis ang pagngiti nito sa labi. Lumabas ang pantay nitong mga ngipin.




"Y-yes.." nauutal kong pagsagot. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya sa pagsagot ko. Hindi ko alam kung anong nakain niya pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit, kasabay ng pagtili ng mga kasamahan ko sa likod. Ang iba naman ay nagpalakpakan. Hindi naman ito proposal pero ang effort lang para sa akin.



Raid Boys Series 1: Taming Mr. Seven (BxB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon