"Mag-homeschool ka muna." Si Mama kaya nanlaki ang mga mata kong napatayo sa sofa.
"Pero, Ma!" Hinanaing ko sa hindi mapaliwanag na mukha.
"Walang pero-pero! Nakita mo ba 'yang nangyari sayo? Ikakamatay mo iyan!" Mataas ang boses na bitaw ni Mama sa mga linyang iyon.
Napayuko ko na lang ang ulo ko. Ngayon lang ako pinagtaasan ni Mama ng boses. Ngayon lang sa buong buhay ko.
––
Kinaumagahan.
Messages received from Dey🦖
–Hindi ka papasok?
–Nandito ako sa Salas ninyo.
–Dali!!😖
–10 minutes na lang oh
–Samiiiiiii🙂🙂🙂Sunod-sunod ang naging pag-text ni Dey, best friend ko na kalapit-bahay lang din namin.
Hindi n'ya ba natanggap ang text ko kagabi? 'Di bale, kanina pa naman ako naka-uniforn natatakot lang talaga akong bumaba. Baka kasi magalit na naman si Mama.
I texted her back.
Message sent.
–Natatakot ako bumaba.
After kong i-send 'yon ilang minuto lang ay may malakas na kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
Agad ko naman itong binuksan.
"Dey," mahinang ani ko at dahan-dahang napayuko. "Baka galitan ako ni Mama nito." Naiiyak nang sambit ko. Pero nilampasan n'ya lang ako at dumiretso siya nang pasok sa kuwarto ko.
"Papasok ha." Paalam n'ya pa talaga gayong tuluyan na siyang nakapasok."
"Sige lang." sabi ko na lang.
Bigla niyang dinampot ako bag ko na nakapatong sa kama.
"Tara." Anyaya niya sa akin at nagpamauna nang maglakad, sumunod naman ako sa kaniya nang nasa paa pa rin ang tingin.
"Baunin n'yo ito, apat lahat 'yan umagahan at tanghalian n'yo na." Dahan-dahan kong naiangat ang ulo ko nang marinig ang boses na iyon ni Mama.
"Opo, Tita. Salamat po." Si Dey at inibot ang ibinigay na lunch bag ni Mama. "Ako na po bahala kay Sami, babantayan ko po ito 24/7." Pabirong sabi ni Dey. "Alis na po kami." Pahabol nito at inakbayan ako. "Magpaalam ka na sa Mama mo." bulong niya sa akin kaya napadiretso ako ng tayo.
"Bye po." Tama lang para marinig na sambit ko, humalik pa ako sa pisngi n'ya. "Thank you po, Ma."
"Sige, mag-iingay kayo." Si Mama.
Ramdam ko ang paggaan sa dibdib ko nang makalabas kami ng bahay. Maya't maya ang pagpunas ko sa ilalim ng mga mata ko dahil sa paunti-unting luhang pumapatak dito.
"Sakay na." Natigilan ako nang sabihin n'ya iyon.
"Diyan? Seryoso ka?" tanong ko rito.
Eh sinong hindi magugulat e isang mamahaling kotse ang nasa harapan ko. Mukhang bago pa!
"Hiniram ko 'yan." sabi niya at nauna na siyang sumakay sa driver seat, sumunod naman ako sa passenger seat. "Actually, pinaka panget na raw 'to. Ang gara 'di ba?" Natatawang sabi niya pa.
"Pinagloloko mo ba ako Dey Ree? Seryosong tanong, nang carnap ka ba?" Nagsalubong ang mga kilay niya at masama akong tinitigan. "Dey naman, ang mahal ng arkila ng ganitong sasakyan at meron bang ganitong sasakyan na pinapaarkila e sobrang ganda nito? Tapatin mo nga ako, kasi baka ginastos mo na lahat ng ipon mo para lang sa one time opportunity na makasakay tayo sa ganitong mamahaling sasakyan!" Mahabang pagbubunganga ko sa kan'ya.
Concern lang ako, kasi ang daming n'yang side line tapos baka sa ganitong klaseng bagay n'ya lang mawaldas ang sweldo niya.
"OA masyado." bulong niya pa kaya pinandilatan ko siya ng mata. "Kalma, okay? Naaalala mo si Lolo?" tanong niya.
"Lolo Epoy? Huwag mong sabihin na may naipa–"
"Lolo sa side ni Mama." Pagsingit n'ya. Hindi na ako naka-side comment at hinayaan ko na lang siyang magkuwento.
"Alam ng Mama mo ito, siya pa nga ang nagpilit sa akin na tanggapin ko na itong bigay ni Lolo. Kaso sila Mama lang ang problema kaya kung kailangan ko lang talaga saka ako nanghihiram kay Lolo. Hindi alam ito ng pamilya ko, alam mo naman 'di ba?" Litanya niya sabay nginitian ako. Pinaandar n'ya na rin ang kotse bago pa kamo ma-late.Nakakamanghang lang at marunong din siya magmaneho. Ang dami ko pa rin talagang hindi alam tungkol sa kan'ya kahit simula pagkabata e magkasama na kami.
"Safe sa akin ang mga secret mo. O nga pala, thank you so much, Dey ha. Ang lakas mo talaga kay Mama."
"Hindi naman ako papayag, e sino ng magiging kasabay ko sa Canteen kapag recess?" Pagbibiro n'ya pa na kinahalakhak ko ng sobra.
Oo nga naman. Hindi nagr-recess ang isang ito kapag hindi ako ang kasabay. Ewan ba, hindi naman siya mahiyain nasobrahan lang siguro sa pagiging astig, ano? Hahahahaha!!
"Dito na lang namin iparada ito, Maam." Bilin n'ya pa sa Manager ng Restaurant na pinapasukan n'ya tuwing weekends.
"No prob po, binilin na rin naman po ng Don Gerry." sabi naman nitong Manager n'ya.
Don't tell me kanila rin itong Restaurant??
"Bago ka pa mag-overthink, oo sa Lolo ko rin ito." Nahulaan n'ya agad ang nasa isip ko. "Thank you, Boss! Alis na kami." Habol n'ya pa bago n'ya ako ayain papasok sa school.
Para na rin siguro hindi maibunyag ang sekreto n'ya e pati hanggang sa pag-park ng kotse patago rin.
"Gaano ka ba talaga kayaman?" tanong ko sa kan'ya habang naglalakad kami.
"Lolo ko lang ang mayaman, Sami." sagot niya naman.
"Edi gaano ba kayaman ang Lolo mo? Rate mo nga nang sa ganoon may idea naman ako." tanong ko uli.
"Out of ten siguro mga five." sagot niya.
"Five?!"
"Kung ikukumpara kay Bill Gates na ten out of ten." Dagdag niya.
"So ibigsabi–"
"Antehh!!" Naputol ang sasabihin ko sa sigaw nitong beking si Hanz.
Hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng room.
"Ang ingay." nasabi na lang ni Dey bago dumiretso sa upuan niya, sumunod din naman ako na nasa likuran n'ya lang din nakapwesto.
"Anong meron?" tanong ko kay Hanz, umupo naman ito sa armchair ng katabi kong upuan.
Basta talaga tsismis ang dami niyang baon.
"May bagong transferee at ang balita galing Brent." Kuwento nito.
"Iyon na 'yon?" Si Dey na nginiwian pa si Hanz.
"Tristan Ferrer, 'yan ang pangalan niya. Nabalitaan ko rin d'yan sa mga senior high sa third floor na may hinahanap daw siyang babae. Nakakakilig 'di ba? Parang teleserye lang hahahaha." Natigilan ako sa tsismis n'ya.
Hinugot ko naman ang phone sa bulsa ng palda ko at agad nag-open ng Facebook. Hinanap ko ang Tristan Ferrer na sinasabi ni Hanz at laking gulat ko nang bumugad sa akin ang account ng isang pamilyar na lalaki.
"At sabi-sabi rin 'yong hinahanap n'ya na babae ay merong eye condition. Iyong parang umiiba raw ang kulay ng iris sa mga mata nito at medyo maikli rin daw ang buhok, parang ganito siguro." Tinuro n'ya pa ang buhok ko na hanggang leeg ang haba, nakatulala naman akong napakapit sa sarili kong buhok.
Seryoso? Hinahanap n'ya ako? Arghhh hindi ito totoo!!
YOU ARE READING
Chasing Sparks ( WhyNot Series:1 )
Teen FictionHeart isn't in the right condition to love you. But... Why not try to take a risk? Started: March 06, 2021 Finished: