"Kaya siguro spoiled ka!" Pabirong sabi ko.
"Hoy hindi 'no! Sila lang talaga nags-spoiled sa akin hahahaha!" Tawa n'ya pa kaya napailing na lang ako sa naging pag-uusap namin.
Grabe ang komportable niyang kausap at sobra ang kalog hahaha!
"Maiba puro na lang tungkol sa 'kin pinag-uusapan natin. Ikaw naman ang magkuwento." Napaayos naman ako sa pagkakaupo. "Feel free lang hindi ko naman hilig magkuwento sa iba kaya secret lang natin ito."
"Sige na, ito magkuk'wento na." sabi ko kaya napangiti siya nang napakalawak.
"Wala ng bawian!" Masiglang sabi niya at tinuro pa ako.
Ang kulit niya. Bakit hindi ko ito nakikita kapag kasama niya ang mga kaibigan niya? Ang suwerte ko pala at mas nakilala ko pa siya ng ganito.
"Tungkol na lang sa friendship namin ni Dey Ree. Ayos lang ba?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah, mas interesting." sagot niya kaya sinimulan ko ng magkuwento.
"Sabi nila parang kambal daw kami kahit ang layo naman hahahaha! Dahil na rin siguro sa since kindergarten BFF na kami at saka magkapitbahay lang din. Sabay kami pumasok sa school, gumawa ng project at mga assignments." kuwento ko.
"Balita ko talented siya." Side comment niya.
"Actually, yup. Pero hindi lang masyadong nae-exposed dahil gusto niya maunting bagay lang pinagf-focus-an niya, distracted kasi 'yon kaya sinamahan niya na lang ako sumali sa chess club. Alam mo bang two times champion 'yan sa naging laban niya sa Taiwan grade 8 at grade 9 pa kami no'n."
"Ang cool n'ya nga talaga gaya ng sabi ni Kiko."
"Sinabi mo pa!" Pagsang-ayon ko sa kaniya.
"She's even a valedictorian no'ng elementary kayo, 'di ba?" Dagdag pa niya na kinalaki ng mga mata ko.
"How did you know that?!" Ako kaya napatawa pa siya.
"Kina Kiko at Migo. Ewan ko ba sa dalawang 'yon at sa tuwing recess iyon lagi ang bukang bibig." sabi nito.
"Sabagay target niya si Dey this school year e sinong magtataka?" Napakibit balikat na lang na sabi ko.
"Isa pa 'yan. He's so stress about that hahaha!" Malakas pa na tawa niya. "Para na silang investigator ni Kiko dahil kay Dey Ree." Nanlaki na naman ang mata ko sa narinig ko.
Parang ang dami kong nalalaman ah.
"Talaga?"
"Ganoon siya kainteresado sa kaibigan mo."
"Aminin mo nga." Humarap ako sa kaniya at binigyan siya ng seryosong tingin. "May gusto ba iyang kaibigan mo sa kaibigan ko?" Siningkitan ko pa siya ng mga mata kaya napahagikgik na lang siya ng tawa.
"I don't know, Sami. Ang cute mo." Umiiling habang nakangiti pa niyang sagot.
Natameme ako sa sagot niyang iyon.
Cute? Ako?
Ahhhh kinikilig ako grabe!!
YOU ARE READING
Chasing Sparks ( WhyNot Series:1 )
Roman pour AdolescentsHeart isn't in the right condition to love you. But... Why not try to take a risk? Started: March 06, 2021 Finished: