"Saan ka, Neng?" tanong sa akin ng tricycle driver na huminto sa harapan ko.
"Sa Purok po." sagot ko kaya nagdalawang isip pa s'ya.
"Pasensya na, Neng. Looban ka kasi abang ka na lang ng ibang tricycle na papuntang Purok." sabi niya nginitian ko na lang siya kaysa sumimangot. "Kayo ba saan kayo?" tanong niya sa mga babaeng katabi ko na nag-aabang din ng masasakyan.
"Ikalawang kanto lang po." sagot ng isa sa kanila na agad namang sinang-ayunan pasakayin ng tricycle driver na ito.
Pati mga tricycle driver ngayon ang aarte na rin. Kapag on the way ang paparahan ng pasahero isasakay kaagad.
Ang unfair! So no choice at maglalakad na lang ako.
Hindi ako pinapayagan ni Mama maglakad pero sa pagkakataong ito may choice pa ba para mag-inarte? Pangatlong tricycle na ang napara ko e ayaw ako pasakayin. Valid na sigurong reason 'yon.
May mga kasabay din naman ako maglakad kaso nga lang mga laitera at laitero. Puro pangungutya na lang yata ang alam nilang gawin sa mundo.
Napapansin ko lang kasi na panay iwas sila sa 'kin.
Tch wala po akong ketong. Kung makaiwas kala mo kay gaganda at kay gu-guwapo!
"Bakit s'ya naka-facemask?"
"Baka nakakahawa ang sakit?"
"Yuck ayoko dumikit sa kan'ya baka mahawa ako ew."
So bawal na pala mag-face mask ngayon? Aware naman siguro sila na malapit ng sakupin ng air pollution ang Pilipinas at ang unang apektado rito ay ang mga tulad kong may mga sakit sa puso at asthma?
Kung p'wede ko lang kayo hawaan matagal ko ng ginawa nang maranasan n'yo ang nasa bingit ng kamatayan.
Magbubulungan na lang 'yung naririnig ko pa tsk.
Binagalan ko na lang maglakad at pinauna na sila. Mga ear pollutions! Akala ko ba naman kapag nasa probinsya peace of mind makukuha ko bakit puro tsimis din?
"Holdap 'to." Bumilis ang tibok ng puso ko nang harangin ako ng isang lalaki. Bahagya ko pang napataas ang mga kamay ko dahil sa gulat.
"Ibigay mo na lang sa 'kin ang cellphone at wallet mo para hindi ka masaktan." Ramdam ko ang pagtutok ng kutsilyo ng Mamang ito sa tagiliran ko.
Gusto kong sumigaw pero dahil sa takot sa banta niyang sasaktan ako at sa kutsilyong dala nito ay hindi ko na nagawa.
May napapanood akong ganito. Kapag nanlaban ako o humingi ng tulong maaaring masaksak n'ya ako at map*tay. So siguro pinaka safe na desisyon ang ibigay ko na lang ang mga hinihingi niya.
Isinakbit ko ang bag ko paharap at hinanap dito ang wallet ko. Nang mahanap ko ito ay agad ko itong inabot sa kaniya. Hindi na ako nanghinayang sa malaking laman no'n dahil buhay ko ang kapalit sa mga oras na ito.

YOU ARE READING
Chasing Sparks ( WhyNot Series:1 )
Novela JuvenilHeart isn't in the right condition to love you. But... Why not try to take a risk? Started: March 06, 2021 Finished: