Chapter 4

322 17 41
                                    

"Tigil-tigilan mo 'yan, Sami." Malamig na usal ni Dey kaya nabalik ako sa ulirat.

"O nga pala kumusta ka? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Tinuro n'ya lang naman si Migo bilang sagot. Napataklob ako sa bibig ko nang makita ang itsura ni Migo.

"Waw black eye hahaha!" Malakas na tawa ni Kiko.

Oo, may black eye siya. Pumapalakpak ko namang binalikan ng tingin si Dey.

"Hahaha ang galing mo ro'n, bes!" Papuri ko pa sa kaniya at heto at parang kinikilig na bumalik sa upuan niya.

Hanep talaga ang babaeng ito!

"Asahan mong hindi ka na tatantanan ng lalaking iyan. Magdudusa ka Dey Ree Paraiso." Pananakot ko pa sa kaniya bago umupo sa upuan ko.

"E di ayos." Tanging naging sagot niya.

__

Tama ako, hindi siya titigilan nitong si Migo. Habang buhay na iyan. Mukhang gusto niya naman e.

Hindi na rin mabilang kung ilang beses sila napatawag sa discipline committee buti na lang talaga at pinagtatanggol ni Tristan itong si Dey. Pero in fairness nagiging mas malapit na kami kay Tristan nang dahil sa bangayan ni Dey at Migo. Hahahaha parang hindi na ako tututol sa mga planong binabalak ni Dey.

"Oh Sami, hinihintay mo si Dey Ree?" Hindi ko magawang kumibo sa biglang pagsulpot nitong si Tristan.

Nasa labas kasi ako ng Discipline Committee at naghihintay sa paglabas si Dey. Eh takaw gulo na, ano pang magagawa ko?

"Gusto mo pumasok? Sabay ka na sa 'kin." Alok niya pa.

"A–Ahh okay lang ba?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya, ngumiti lang naman siya at...

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob.

Speechless. Speechless pa rin ako kahit hindi na siya nakakapit sa kamay ko. Ang lambot-lambot ng palad niya.

"It's okay." sambit niya nang mapansin ang pagkailang ko.

"Thank you." Mahinang usal ko na sapat na para marinig niya. Tanging ngiti na naman ang sinagot niya.

Nandito lang kami sa likuran habang nakikinig sa usapan nila Dey at ng Discipline Committee.

"Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ninyong dalawa!" Walang kibo ang dalawa sa kinauupuan nila. "Kapag hindi kayo nagkasundo I'll expell you o kung hindi suspended kayo kung makikita ko uli ang pagmumukha n'yo rito." Gigil na gigil nang sambit nitong Discipline Committee.

"Sir, siya po ang pagsabihan ninyong tigilan na ang pambubuyo sa akin. Hindi naman po ako gaganti kung hindi siya ang nauuna." Si Dey.

"Sir, nakakainis e!" bulyaw ni Migo at itinuro si Dey. "Tignan niyo nga iyang babaeng 'yan, nakakainis!" Inis ngang dagdag nito.

Saan ba ang nakakainis sa mukha ni Dey?

"Tama na Mr. Ferrer, kilala kita. Puro kabulastugan ka. I'm done with this, shake hands at magpakatawaran na lamang kayo bago ko pa kayo ma-suspend ng ilang linggo!" sabi nito kaya walang nagawa itong dalawa. "Tayo at yakapin ang isa't isa, humingi ng patawad at mangako na hindi na uulitin." Utos pa nito kaya padabog pang tumayo si Migo sa kinauupuan niya.

Chasing Sparks ( WhyNot Series:1 )Where stories live. Discover now