Chapter 36

543 28 26
                                    

Chapter 36

Scar

"Aura, Aura, Aura."

Napatingin ako kay Celyfer nang marinig ang pagbigkas niya ng pangalan ni Auralei habang umiiling. It's still 7 AM in the morning. I am here in the garden with my newborn baby. I am exposing her to the sunlight for vitamin D. Yes, umagang-umaga pa lang pero nandito na naman si Celyfer para manggulo.

"Oh?" tanong ko habang nakatingin sa wristwatch.

I am checking the time. I should just stay here for 10-15 minutes. Too much exposure to the sunlight won't be good for my baby.

She pouted and stared at Auralei. Nakita ko ang pag-angat ng kanang kamay ng anak ko kaya dahan-dahan ko 'yong kinuha para haplusin.

"W-Wala lang. Parang Awra Briguela kasi-" natatawa niyang sabi pero napatigil.

Mas lalong tumaas ang kilay ko dahil doon. Kung hindi ko lang buhat ang anak ko ay baka kanina ko pa siya nasapak!

"Stop insulting my baby," mariin kong sabi.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang pag-a-IG story mo ng picture ng anak ko nang walang pahintulot mula sa akin, Celyfer. Baka makalimutan kong kaibigan kita. Don't dare to do that again!" I said, almost screaming.

Inayos ko ang pagkakabuhat sa anak nang lumapit siya sa akin.

"D-Duh! Hindi ko naman alam na active follower ko pala 'yung si Dane!" she fired back.

Napaawang ang labi ko at sinamaan siya ng tingin. What does she mean by that?"

"Because of you! Ini-follow lang naman ako n'on sa IG nang dahil sa'yo. Ikaw, kailan ka niya ipa-follow?" walanghiyang tanong niya.

She fixed her dress as she looked at me. Napanguso ako nang maramdaman ang kakaibang kilig sa dibdib.

I deleted all my temporary accounts. Ang mga real account ko na lang ang natira sa akin at totoo ngang hindi kami friend ni Aubert sa anumang social media account ko!

For Pete's sake! I couldn't believe what she said would give me that feeling! So, ni-follow niya lang si Celyfer para maging updated din siya kung sakaling may IG post o story siya kasama ako?

Wow.

"Tsaka, be thankful for me. Kung hindi ako nag-IG story, he wouldn't know the truth," si Celyfer pagkalipas ng ilang segundo.

Mabilis na natuon ang atensyon ko sa kanya. I couldn't believe I am hearing those words from her this early morning!

"Hindi nakatulong," pairap na reklamo ko.

Sandali akong napatigil nang may mapagtanto. I'll keep chasing you. Really, Aubert? One week na naman pero hindi ka pa rin nagpapakita sa akin.

Because he is just lying! He wanted to get me again by telling me white lies. Gusto niya lang pagaanin ang dibdib ko at makuha ang puso ko para makuha niya ang anak ko. That's it, right? He told me things not to comfort me, but to get my daughter away from me.

Pwes, manigas siya dahil hindi ko hahayaang mangyari 'yon.

"I'm sure nakatulong ako, Leigh. I won't apologize to you. You'll see that I am helpful, too."

Ang sinabi niyang 'yon ang nagpatigil sa akin sa iniisip ko. Iniisip ko pa lang na makakatulong nga ang ginawa niya ay pakiramdam ko, hindi ko na kakayanin pa.

What if naging maayos na lang ang lahat?

What if I met Aubert here without going to Ilocos Norte? 'Yung walang Amelia, walang Megan, walang Ma'am Shiela, o kahit sino pa.

Embracing the Sea's Sadness (Amidst Solitude #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon