Chapter 6

313 25 13
                                    

Shan







Nagmamadali ako sa pag drive papuntang office pagkatapos kung maihatid si rhea. Bigla kasi akong naka tanggap ng tawag galing kay daddy na mayroon daw kaming emergency meeting. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pag uusapan dahil wala itong ibang nabanggit kundi bilisan ko ang pagpunta sa opisina.

"Good morning sir." Agad na bungad sa akin ng isang empleyado na madalas na taga park ng kotse ko. Tango lang ang isinagot ko sa kanya at binigay dito ang susi ng kotse.

"Damn." Mahinang mura ko ng napa tingin ako sa relo ko. I'm almost fifteen minutes late. Patay ako kay dad nito! Kung maari lang sana ayaw ko siyang ma disappoint sa akin.

"Sir nasa conference room po sila." Salubong sa akin ni sanya. Tumango lang ako sa kanya at pumasok na sa conference room.

Pagkapasok ko bumagad sa akin si daddy at si Mr. Rodriguez, yung tatay ni rhe. Bakit magkasama sila dalawa?! As far as i know they hate each other. Ano na naman ba to?!

"Oh seven, there you are." Sabi ni dad nung napansin niya ako. Agad ding napalingon sa akin si Mr. Rodriguez.

"He's talking bullshit, seven. What did you do?!" Bakas ang galit sa mukha ni dad.

"I didn't do anything dad." Agad na kontra ko habang naka kunot ang noo. What the hell is this all about?!

"Then why is he's suggesting that you suppose to marry his daughter bago pa malaman ng publiko ang relasyon niyo ng anak niya, na Kasalukuyang nagdadalang tao. Alam mong suportado kita sa lahat ng desisyon mo, but for all of the people seven! They're enemies!" Para akong batang pinapagalitan nito. Atsaka magka tunggali talaga silang dawala sa negosyo nang daddy ni rhe. Mainit ang dugo nila sa isa't isa.

Sheyt! Hindi ko aakalaing lalaki itong gulo na ito. This is all a fucking misunderstanding!

"A pregnant woman huh," May panunuyang bigkas ni dad. Atsaka bumaling kay Mr. Rodriguez. "Kumpadre, you're barking at the wrong tree. Kasi kahit na ilang beses pang magtalik ang anak mo at anak ko walang mabubuo sa kanila."

Naguguluhang naman ang mukha ni Mr. Rodriguez.  See, hindi niya talaga alam na babae ako! Tsk.

I just keep my mouth shut. Wala kasi akong maisip na sasabihin.

"What do you mean?" Mr. Rodriguez asked looking confused.

"Because they're both woman!" Na iiling na sagot ni dad. I can see that Mr. Rodriguez is shocked on what he'd heard. "So that means, your daughter tries a dick." Nakangising dagdag pa ni dad. "Mali ka ng pinagbibintangan mo Kumpadre."

Nakita ko ang pag iling ni Mr. Rodriguez habang nakatingin sa akin. Mariing naka yukom ang kamao nito. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

Agad na nabaling ang atensyon naming tatlo sa biglaang pagpukas ng pinto at iniluwa nito si lolo Luis, dad's father.

"Pa, what brings you here?" Nagtatakang tanong ni dad dito. Pero hindi siya pinansin ni lolo.

"I'm glad that Manuel is already here," Tukoy nito sa dad ni rhea.

And then lolo luis look at my way.

"I heard about the news." Panimula nito na kinakaba ko ng husto.

Ugh here we go again!

"Pa its nothing. It's just a huge misunderstanding!" Agad na awat ni dad dito.

"So when's the wedding?" Lolo asks, still ignoring dad.

"Walang kasalang magaganap, Don luis." Sagot ni Mr. Rodriguez kay lolo. "At isa pa, ayaw ko ding makasal ang anak ko sa isang gaya niya." Pagpapatuloy nito habang mariing nakatitig sa akin.

Hey! Porke ba't ganito ako?! Tsss.

"Watch your mouth Manuel!" Si dad na galit na naman.

"Daddy," Pigil ko sa kanya. Baka tumaas na naman ang blood pressure niya.

"Aren't this a good sign? Para magkasundo na ang dalawang pamilya?" Si lolo.

Nakita kong sabay pang napa iling ang dalawa. Tsk

"What?" Takang baling ni lolo sa dalawa. "This is a huge help for both of your companies, imagine merging the two biggest names in the country. Siguradong mas lalakas ang impluwensya niyo."

"No." The two said in chorus. At sabay pang natawa.

Ako naman ay napatahimik nalang sa gilid. Business, business, business. Lahat nalang ay tungkol sa business. Nakaka irita. They want us to get married para lang sa business? Pshh as if naman papayag ako. Kung si irish lang ang papakasalan ko, hindi na ako magdadalawang isip pa. But rhea? I don't think so.

"Well it's your choice then," Nagkibit balikat si lolo. "Shan?" Pagtawag nito sa akin.

"Po?"

"What can you say about marriage?"

"Uhm.." Napa lunok ako ng sunod sunod, yung tatlo naman ay naka abang lang sa isasagot ko. "I... I don't... know." Hindi siguradong bigkas ko. "Ka.. Kasi wala naman talaga kaming relasyon ni rhea."

"Pero bakit maraming nagsasabi na parating magkasama kayo." Si Mr. Rodriguez.

"We..." Damn paano ko ba ipapaliwang sa kanila, na kaya ko sinusundan si rhe ay dahil gusto kong makakuha ng impormasyon kung nasaan ni Irish. Ayaw ko naman sabihin yun sa harap nila lolo at dad because they hate Irish for me. "We're friends, okay? And that's it!"

"Hmmm but what if panindigan niyo nalang yung mga lumalabas na rumors sa inyo ngayon." Si lolo. "Legalized na naman yung same sex marriage dito and besides the public doesn't know that shan is a woman."

"I don't think so." Rinig kong sabi ni Mr. Rodriguez.

"Come on, manuel, hahayaan mo bang---"

Maagap namang pinutol ni Mr. Rodriguez ang sinasabi ni lolo.

"Hahapanan ko ng lalaking mapapangasawa ang anak ko." Matigas na bigkas nito. Pinag diin pa ang word na lalaki. Tsk.

"Okay. Good luck with finding a better candidate for your daughter." Makahulugang bigkas ni lolo. What is he trying to do?

Nakita ko namang medyo napa isip si Mr. Rodriguez sa sinabi ni lolo.

"And if you can't find any, just let us know. Shan here is gonna take the responsibility for your daughter, right apo?"

Literal na napanganga ako sa sinabi ni lolo luis. Naka tingin ito sa akin na parang sinasabing 'yes' lang dapat ang isasagot ko.

Shit.
































Hindi ko alam kong paano nato ipapatuloy hahays... hahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ex's Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon