May kilala akong dalaga, buhok niya ay mahaba
Sobrang ganda niya at mahal ng madla
Siya ay nakatira sa bahay nila sa Maynila
Kasama ang kanyang inang baldado’t mahina
Nakagapos ang kamay nitong ating dalaga
Mula sa responsibilidad na alagaan kanyang ina
Gusto niyang lumaya sa buhay nilang pambihira
Lalo na sa kanyang inang pinapapak ng leukemia
Napagpasiyahan niyang umalis at iwan ang ina
Kahit ito’y dumaraing na at sa sakit napapaluha
Walang narinig ang dalaga’t patulo’y siya’y gumala
At isang lalaking mayaman ang kaniyang nakilala
Nabighani ang lalake sa alindog nitong dalaga
Lalo na sa mahaba nitong buhok na kinaiinggitan ng madla
Hinikayat ng lalake na sila’y magsama na
At isama sa buhay na siguradong malayo sa mga dukha
Umuwi ang dalaga at mga damit ay kinuha
Nagpaalam na rin siya sa natutulog niyang ina
Nakakita siya ng kape sa lamesa kusina
Hinigop ang kapeng, matamis ang timpla
Nagising nalang bigla itong ating dalaga
Sumigaw sa sakit, humiyaw at lumuha
ang maganda niyang paa, pinutol ng labaha
ang buhok niyang mahaba, ngayon ay wala na
Ngayon nararanasan mo na, mga sakit na aking nakuha
Alam mo na rin siguro, ang pangangailangan ng alaga
Hindi mo na ako iiwan at hindi ka na mawawala
Anak, pareho na tayong baldado’t kalbo na.
BINABASA MO ANG
Sakuna sa bawat Saknong
ParanormalMga Tulang piniling manahimik ngunit kailangang may makumbinsi