May isang lalaking gwapo ang naglalakad sa kanto
pantalon niya'y bago, damit ay binugbog ng pabango
habang nagmumuni-muni siya'y naglalakad ng nakayuko
nagulat na lamang siya ng may makitang kakatuwang anyo
Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata
kung imahinasiyon lamang ba ang kanyang nakikita
huli na para tumakbo, wala na siyang kawala
ang imaheng nakikita papalapit na sa kanya
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin
sana ay may baril siya't ito'y kanyang babarilin
Sisigaw ba siya, iiyak o mananahimik na lang rin?
dahil ang tanging makaririnig lamang ay ang malamig na hangin.
Sa dilim ng gabi siya ngayo'y nagigimbal
Sa bumabalot na lagim siya'y nangangatal
katawa'y nilalamig at ngayo'y 'sintigas ng bakal
wala siyang nagawa kundi ang magdasal
Pagdilat niya, nawala na ang animo'y rebulto
Nagpasalamat siya at dali-daling tumakbo
nawala na pala't ngayo'y nasa likuran, gilid o sa banyo niyo
ang lalaking mayroong taga sa ulo
BINABASA MO ANG
Sakuna sa bawat Saknong
ParanormalMga Tulang piniling manahimik ngunit kailangang may makumbinsi