Ako ay gumagawa ng aking takdang aralin
sa kama kong maituturing na tanging sariling akin
abutin man ng madaling araw sigurado ako'y papatulugin
ng kama kong komportable siguradong di ako lalamigin
Isang sandaling malapit na maghatinggabi
lahat ay payapang natutulog ako nama'y humihikbi
hirap na hirap na sa mga proyekto, at ako'y nagmamadali
ihahabol kinabukasan ang papel na pumapawi ng ngiti
Ako ay may narinig na isang misteryosong ingay
hinanap ko kung saan galing, di na ako mapalagay
mabigat sa aking dibdib, takot ay namumuhay
kinakabahan ako at nanghihinang parang gulay
Sa ilalim ng kama ko nanggagaling ang misteryo
hindi ko alam gagawin ko, at nagtalukbong nalang ng todo
maya maya'y sa ilalim narinig kong umuungol ang aking aso :)
Salamat Oh Diyos ko, tumakbo ang nerbyos ko
Itinuloy ko ang paggawa sa aking mga proyekto
Napatawa ako ng pangyayari, akala ko multo
Ngunit isang katotohanan ang gumibal sa aking buto
matagal na nga palang patay ang aking mahal na aso
BINABASA MO ANG
Sakuna sa bawat Saknong
ParanormalMga Tulang piniling manahimik ngunit kailangang may makumbinsi