Sa Puno ng Mabolo

187 1 0
                                    

May Kilala akong isang Henyo

Pangalan niya ngayo’y nasa diyaryo

Ubod ng galing, gilas, talino

Simula pagkabata’y matino

Nakaabot sya ng kolehiyo

Itong ating batang tatak henyo

Manggulo man ang mga payaso

Sa pagaaral di siya hihinto

Kahit umulan ng mga hito

Sa mainit na bayang Ehipto

Bahain man ang kanilang kanto

Aral pa rin,hindi sya hinto

Isang segundo siya’y napayuko

Sa isang puna ng abang kritiko

Mali ang kanyang mga pinunto

Sa kanyang pinaghirapang proyekto

Ngayo’y siya’y tulala, basag, bigo

Puso niya’y nadurog at huminto

mukha’y dinaanan ng milenyo

damdamin’y winasak ng delubyo

Ngayon ay hindi na siya matino

Pumunta sa ilalim ng puno

Kanyang itinali ‘sang laso

Tumalon, ibinitin ang ulo

Sakuna sa bawat SaknongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon