I Hate Stupid Boys!

538 30 1
                                    

Joaquin’s POV

“Hello Cristina Carlotta Bernardo. Siguro hindi mo pa ako kilala pero kilala kita. Ako si Joaquin Ryan Padilla mula sa 3-F…”

Bigla namang lumutang si Seth out of nowhere at binasa ng malakas ang aking love letter.

Sinubukan kong takpan ang papel gamit ang kamay ko “TOL! Wag mo namang basahin ng malakas!”

“yung Cristina na naman?” tanong ni Katzumi habang umuupo sa tabi ni Seth.

“hindi lang basta basta ‘si Cristina’ yun, higit pa siya dun. Prinsesa ko nga siya diba?” sabi ko nang may nakakalokong ngiti

“*sigh* baliw ka na sa pag-ibig tol” pagmumble ni Katz

“hindi ko gustong sirain yang panginip mo pero, Joaquin, hindi lang naman siya yung inaakala mong normal na matalinong babae. May pagkademonyo yung babaeng yun” sabi ni Seth. “baka saktan ka lang niya. Ayaw naman naming masaktan ka”

“oo nga. Sa pagkakarinig ko, last week, nagtapat daw si Dominic, yung galing sa 3-A. tapos tinitigan nya lang siya for 5 seconds tapos sinabing ‘ayaw ko sa mga t*nga’ dahil daw taop 10 lang daw si Dominic” dagdag ni Katz.

“kitams? Pati si Dominic Ramos nireject niya. Ano pa kayang magagawa niya sa ‘yo? Ikaw pa kayang wala sa top 10, Joaquin!” sabi ni Katz habang tumuturo sa direksyon ng mga bulletin boards kung saan nakadikit ang top 10.

Kailangan ko mag explain…

Crush ko si Cristina Carlotta Bernardo

Crush ko siya ng mga… mag-iisang taon.

Perfect siya. Matalino, ang pinakamatalino sa batch namin, at maganda siya. Para ngang walang problema sa buhay niya.

Palagi siyang 1/10 sa honors’ list.

IT STARTED WITH A KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon