First Kiss In The Summer Break?!

177 23 1
                                    

*Joaquin’s point of view*

2 months na simula nung sinabi ni Cristina na hindi niya pala ako hindi gusto. Summer break na ngayon.

Walang nagbago sa amin, cold pa rin siya sa akin.

Pumunta sina tito Chito, tita Elizabeth at mama sa kasal ng kanilang kaibigan sa tagaytay.

Kaya kami lang dalawa ang nandito sa bahay.

‘kami’ as in ako at si Cristina.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sina Katz at Seth.

‘gusto niyong gumala?’

Send.

Sabay silang nagtext back.

‘sorry! May date kami ni cutie Daezen!’

‘sory! May date kami ni baby Annika!’

Wait.

Kailan pa sila nagsimulang magdate? –

I mean, alam kong dati pa sila naglalandian pero kahit na –

“hindi ka gagala?” biglang tanong ni Cristina

Tumungo ako “ikaw?”

Iniling niya ang ulo niya sabay tumabi sa akin dito sa sofa “hindi” sabi niya.

IT STARTED WITH A KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon