The Deal

79 20 0
                                    

“kung gusto mo lang pakasalan ang anak niya” malungkot na sabi ni Chito

Nalilitong tinitigan nina Joaquin at Cristina ang isa’t isa. Hindi alam ang gagawin.

Gusto talagang isave ang company ng dad niya.

Pero, ayaw niyang pakawalan si Joaquin.

At actually gusto talagang sabihin ni Joaquin na ‘hinde’ o ‘wag mo gawin’.

Pero hindi niya magawa. Wala siyang karapatan tungkol dun. Hindi niya pwedeng sirain ang pamilya ni Cristina dahil lang sa kadamutan niya.

Lahat ng ito ay tungkol sa pamilya ni Cristina, desisyon niya ang isalba ang pamilya niya, o ang kanyang love life.

“well, binigyan ka ni Mr. Flores ng tatlong araw para pag-isipan ito” sabi ni Chito “choice mo yan. Hindi kita pipilitin”

“hindi” sabi ni Cristina “nakadecide na ako”

“pag-isipan mo nang mabuti” sabi ni Chito “once in a lifetime chance ito”

“nakadecide na ako” sabi ni Cristina at binitawan ang kamay ni Deejay “pakakasalan ko ang anak ni Mr. Flores

Ang mga salita ni Cristina ay parang espada kay Joaquin. parang tinutusok siya ng mga salita niya.

Pero umupo lang siya dun nang hindi nagsasalita.

Para sa pamilya niya ito. Wala namang chance na pipiliin niya siya sa pamilya niya.

“are you sure?” tanong sa kanya ni Chito at tinignan si Joaquin at tinitigan lang siya ni Joaquin “ok lang naman kung ayaw mo eh. Hindi kita pipilitin”

“I’m sure. I’m one hundred percent sure” sabi ni Cristina

IT STARTED WITH A KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon