Dominic Flores

89 20 0
                                    

“hulaan niyo kung sino ang mag-on~” nakangiting sabi ni Joaquin at umupo sa tabi nina Katz at Seth na nakaupo sa harap nina Daezen at Annika sa cafeteria.

“sino?” tanong ni Katz at uminom ng soda.

“ako at si Cristina” excited na sabi ni Joaquin.

Tumungo lang silang lahat.

Pero nang narealize nila, seryoso silang tumingin kay Joaquin.

“seryoso?!” tanong ni Seth.

Tumungo si Joaquin “seryoso ako”

“hindi ka nagsisinungaling diba?” nagtatakang tanong ni Katz.

“bakit naman ako magsisinungaling?” pabalik na tanong ni Joaquin.

“YAAAY!” sabay na sigaw nina Daezen at Annika.

“wow, hindi ako makapaniwala… I mean… yung otp ko! Omg parang, nagiging totoo” tawa ni Annika.

“otp?” tanong ni Joaquin

“one time pair. Hindi talaga maiintindihan ng mga lalake” sabi ni Annika “at ang otp ko ay Joana, Joaquin and Cristina. Cute ba?”

“yes yan! Ang cute! Naging Joana shippers kami simula nung nakita namin kayong dalawa!” tawa ni Daezen.

“minsan, nababaliw na talaga ang mga babae” sabi ni Seth sabay smile sa kanyang girlfriend. “Bakit hindi mo iship ang Annith?”

“Annith?” tanong ni Annika

“Annika Seth. Bakit? Cute din naman diba?”

IT STARTED WITH A KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon