_____ Is Back?!

74 17 1
                                    

“Jaime?”

“papa?”

Sabay na tanong nina Juliana at Joaquin pagkakita ang tao sa pintuan.

Ngumiti si Jaime sa kanila “hey! Kamusta na ang asawa’t anak ko?” tanong niya.

Lumapit si Jaime sa kanila “ang laki ng pinagbago mo, Joaquin” sabi niya “nung huling pagkakita ko sa iyo, 9 years old ka pa lang” tawa niya.

Lumayo si Joaquin at umiling “hinde” sabi niya “sino ka? Hindi kita kilala”

Nairita si Jaime pagkarinig sa anak niya. Alam niyang mali siya sa pag-iwan sa kanya at sa mama niya nung 9 pa siya. Pero may mga sarili siyang dahilan, at ngayon, Malaya na siya at handa nang ayusin ang lahat ng pagkakamali niya dati “ako ang tatay mo” sabi niya at sinubukang huwag malungkot.

Umiling lang si Joaquin “hinde” sabi niya “iniwan mo kami, walong taon na ang nakalipas. Hindi nga naming alam kung anong gagawin noon. Hindi mo na kami gusto, binalewala mo lang kami na parang basura. Hindi gagawin ng tatay ko ang ganong klaseng bagay”

Nagsigh si Jaime “hayaan mo muna akong magpaliwanag” sabi niya “baka, hindi lang tayo nagkakainitindihan dito”

“wala ka nang dapat ipaliwanag pa” sabi ni Juliana “hindi ka na naming kailangan katulad nung hindi mo rin kami kinailangan, walong taon na ang nakalilipas”

Nagsigh si Jaime “please” bulong niya “s-sorry na, pero kailangan niyo talagang marinig ang paliwanag ko” sabi niya.

Tumingin siya kay Joaquin na mukang naiirita “ok, Joaquin, hindi mo kailangang making kung ayaw mo. pero Juliana… please…” sabi ni Jaime.

Nagsigh si Juliana “fine” sabi niya “Joaquin, bumalik ka na sa kwarto mo”

“pero ma…”

“sabi ko bumalik ka na sa kwarto mo, Joaquin Ryan Padilla!” utos niya sa kanya.

IT STARTED WITH A KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon