Chapter 5

16 3 0
                                        

Kyara's PoV

Dahil sa nangyari kagabi ay maaga akong bumangon upang maaga din akong makapunta sa DU. Kailangan kong inspeksyonin ang buong campus dahil baka hindi lang sa isa sa mga rooftop ang may tinatagong sikreto.

5:30 AM ako umalis sa bahay, habang nagmamaneho iniisip ko na ang  mga gagawin ko pagdating sa school. Mayroon lamang akong isang oras para libutin ang school bago magsidatingan  ang mga istudyante  at maging limitado ang magagalawan ko.

Nang makarating na ako bandang 6:00 AM ay mga security guards at maintainance staffs palang  ang nasa school. Pero nang mag-park na ako ay mayroon ng naka park na isang sasakyan sa di kalayuan. Binalewala ko na lang ito dahil imposible namang may pumasok nang ganito kaaga, baka isa sa school staff lang iyon .

Nandito ako ngayon sa side ng school building kung saan ako umakyat kagabi. Babalikan ko ang nangyare kagabi, after masiguro na wala namang kakaiba dito ay pumasok na ako sa building, pero malapit pa din ako sa side na pinag akyatan ko, pasimple lang akong tumitingin sa paligid at para na din hindi mapagsuspetyahan. May nakasalubong akong maintainance staff na nagma-mop sa hallway, nagtaka siya nang makita ako.

"Oh, Ija. Ke-aga mo naman. Mamayang alas-otso pa ang klase ninyo ah." gusto ko siyang lagpasan at huwag na lang pansinin pero ayoko namang mag-mukhang bastos sa matandang ito at kahina-hinala.

Ngumiti ako saka ko sinagot ang sinabi niya.

"Pumasok po talaga ako ng maaga para maglibot, transferee po kasi ako. Para na din po makabisado ko na ang pasikot-sikot dito kahit papaano." mahaba kong litanya ngunit malumanay.

"Ganun ba. Oh s'ya. mag-iingat ka, kung sakaling maligaw ka madami namang school staff ang nagkalat. Maaari kang magpatulong sa kanila." Pagkasabi niya no'n ay hinila niya na ang mga gamit niyang panglinis at ipinasok ito sa silid na katapat namin. Pero bago siya tuluyang pumasok ay may sinabi pa ito sa akin.

"Nga pala ija, huwag kang gagawi sa Dean's office ha kasi wala ng mga class rooms doon. Puro offices na lang. Saka lang pwedeng gumawi ang students doon kapag ipinatawag ng dean o teachers. Isa pa, restricted area ang roof top non kaya wala ka ding matatambayan doon." mahabang paalala ng matanda. Ako naman ay biglang nagkaroon ng interes sa mga paalala niya.

Nagkunwari naman akong nag-taka at saka nagtanong.

"Restricted po? Bakit po?" inosente kong tanong.

"Usap-usapan kasi noon na may nagpakamatay daw doon kaya hindi na nagpapapunta ng mga students doon. Basta huwag kang gagawi doon ha? O s'ya, maglilinis na ako. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo ija." pamamaalam ng matanda saka ito nag-linis sa pinasukang class room.

Gusto ko pang magtanong pero mukhang wala din namang alam ang matanda sa kung ano man ang mayroon doon kaya nag-pasalamat na lamang ako at saka tumuloy.

Malapit na ako sa dean's office nang makita ko ang isang lalake na patungo din doon galing sa kabilang direksyon na mayroong hawak na papel. Agad akong nagtago sa isa sa mga pinto na malapit sa akin saka sumilip upang siguraduhin na doon nga talaga siya gagawi sa dean's office. Hindi naman siya mukhang school staff kasi mukhang magka-edad lang kami. Nagmamadali ito kaya hindi siya tumitingin sa paligid niya maliban sa direksyon niya. Nag-hintay muna ako ng isang minuto at nagmasid kung lumabas na ba ito. Ngunit wala, nag-hintay pa ako ng dalawang minuto pero di pa din ito lumalabas. Di na ako makapag-hintay kaya nagpunta na din ako doon sa dinaanan ng lalake kanina.

Ang dulo ng hallway na'to ang dean's office. Habang papunta doon ay sumisilip ako sa glass window ng mga opisina na madadaanan ko, hinahanap ko ang lalake dahil baka mamaya ay makasalubong ko pa ito. Pero ni anino nito ay wala. Naisip ko na lang na baka nasa dean's office ito.

The Revenge of HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon