"Good morning!" masayang bati ni Emman saamin ni kuya na kakauwi lang. Naghihintay siya sa labas ng gate. Hindi ba niya sinubukang pumasok? O kakarating niya lang?
"Good morning. Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?" lumapit ako sakanya pero hindi niya ako pinansin at itinuon ang paningin sa asong hawak ko.
"Wow may aso kana?" tanong niya.
"Hindi pa ba halata? Ako bumili nyan." si Kuya ang sumagot na hindi ko man lang napansing nakalapit na pala saamin.
"Yaman naman bilhan mo din ako!" sigaw ni EJ kay Kuya.
"Ingay mo naman pare." ani Kuya bago pumasok. Tinawanan naman siya ni Emman.
"Pumasok kana muna." saad ko kay Emman na nauna nang pumasok. Sinara ko yung gate bago sumunod sakanya papasok.
"Good morning tita!" masayang bati ni EJ kay Mommy. Lumapit siya dito at humalik sa pisngi ni Mommy.
"Oh andito ka pala aalis kayo?" tanong ni Mommy.
"Ah opo." napatingin ako kay EJ dahil wala naman siyang sinabi na aalis kami. "Dyan lang naman po sa malapit na park." dagdag niya.
"Ah sige kumain na muna kayo." tinalikuran na kami ni Mommy at si EJ naman nauna nang umupo. gutom ata.
Nilagay ko muna yung aso namin sa cage nito bago nag hugas ng kamay at umupo. Tinawag ko na din si Kuya sa kwarto niya bago sinimulan ang pag kain ko.
"May naisip ka na bang pangalan para sa aso mo Kiara?" tanong sakin ni Mommy habang kumakain.
"Not yet Mom I'll think about it first."
Tumango si Mommy. "Sino ba nag bigay? Si EJ?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mom. Napatingin ako kay Kuya na ngumiwi lang habang kumakain si EJ naman pinipigilan mangiti.
"Ah hindi po si EJ nag bigay sakin ng aso Mom."
"Ha? Edi sino? Kuya mo?" tumango ako. Nanlaki naman ang mga mata ni Mommy bago tiningnan si Kuya. "Harry ikaw bumili?" tumango naman si Kuya. "Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Pera mo ba ginamit mo? Bakit hindi ka humingi ng tulong sakin?" tuloy-tuloy na tanong ni Mom.
"Mom kasi I want to buy Kiara a gift na sure akong gusto niya and besides ipon ko naman yung gamit ko." sagot naman ni Kuya. Napatingin naman ako sakanya at nangiti. Lumapit ako sakanya at niyakap siya at binigyan ng halik sa kaniyang pisngi.
"Aaaa Kuyaaa thank you so much!" saad ko nang nakayakap padin sakanya.
"Anything for you bunso." pinisil niya yung pisngi ko. Ngumiti ako bago bumalik sa upuan ko.
"Ako walang halik?" bulong sakin ni EJ.
"Wala. Para saan pa wala namang tayo eh." bulong ko pabalik.
"Edi tayo na." seryosong sagot niya pero hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumawa nalang ako.
"Ewan ko sayo kumain kana nga lang." pinagpatuloy niya naman ang pag kain niya at ganon din ako.
Nang matapos ay nag kwentuhan sila nina Mommy at Kuya ako naman nag presintang mag hugas ng mga pinagkainan namin. Nang matapos ay lumapit din ako sakanila at nakinig sa pinaguusapan nila kaso nang makalapit ako ay tapos na sila.
"Tapos kana pala tara?" baling sakin ni EJ. Tumango ako at lumapit kay Mommy tas Kuya para bigyan sila ng yakap at halik.
"Mom alis na po kami ha. Kuya ikaw na muna bahala sa aso." tiningnan ko siya cage niyang mahimbing ang tulog. Ano kaya magandang pangalan para sakanya?
YOU ARE READING
Sweven(On going)
Teen FictionI thought it was all real but after knowing it all I got confused, my heart got confused, my mind got confused. Paano ko ito sisimulang muli kung ang buong ako ay gulong gulo na, at paano muli akong magsisimula kung ang puso ko ay nabihag mona. Ma...