Disclaimer:
this is a work of fiction. names, characters, places, and events are fictitious unless otherwise stated any resemblance to a real person living or dead or actual event is purely coincidental.
No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form without the prior of the author.
----------------------------------------------------------
Nagising ako sa ingay ni kuya Harry. Uminom muna ako ng tubig at tiningnan yung oras at ilang minuto nalang din naman gigisingin nako ng alarm ko kaya bumangon nalang din ako. Lumabas ako ng kwarto at bumaba at nakita ko si kuya Harry sa baba tumutugtog ng gitara niya habang kumakanta.
"Kuyaaa ang aga aga tumutugtog ka na dyan nagising tuloy ako" Sabi ko kay kuya pagkababa ko pa lang.
"Ohh Kiara good morning nagising ba kita? Okay na yan baka kasi ma late ka pa ng gising dyan. May pasok ka diba?" Aniya.
"Oo meron" sagot ko.
"Ok cge mag-ayos ka na muna. Bumaba ka pagkatapos mo mag-ayos ihahatid kita" aniya. Tumango na lang ako at bumalik sa kwarto ko para mag-ayos. Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na agad ako at nadatnan ko sila mommy at kuya sa table hinihintay ako.
"Ohh anak tara kumain ka na" bungad agad sakin ni mommy pagbaba ko. Tumango lang ako at pumunta na sa pwesto ko sa table namin.
Pagkatapos namin kumain ay kinuha ko lang mga gamit ko kasi aalis na daw kami ni Kuya. Pagkababa ko nakita ko si kuya na hinihintay ako. Tapos si mommy nasa kitchen kaya pinuntahan ko muna siya don para humalik sakanya at magpaalam.
"Mom alis na kami ni Kiara. Ihahatid ko siya sa school niya at dederetso nako sa bahay ni Drake ha"paalam ulit ni kuya kay mommy.
"Sige mga anak ingat kayo ha" tumango na lang kami ni Kuya at lumabas na ng bahay. Sumakay na din ako sa kotse ni Kuya. Habang papunta na kami ni Kuya sa school ay kinausap ko si Kuya.
"Kuya" panimula ko.Tiningnan niya lang ako kasi tutok na tutok siya sa pag dadrive. Actually wala naman talaga ako sabihin sakanya eh parang occupied kasi siya. "Anong gagawin mo sa bahay nila kuya Drake?"yon na lang ang naisip kong tanungin sakanya.
"Ahh magpa practice kami ng tugtog. May sasalihan kasi kaming contest"
"Ahh okay. Wag mo na ako sunduin mamaya ha"
"At bakit?" nagsisimula nanaman siya sa pagiging protective niya.
"Kasi may practice ka pa eh tsaka wag ka magalala kuya kasama ko naman si Stella eh"
"Hayss okay sige basta wag gabi umuwi ha"
"Yayyy opo thank you kuya" tumango lang siya at ginulo gulo yung buhok ko. "Ayy kuyaa yung buhok ko wag mo guluhin kakaayos ko lang niyan eh" tiningnan ko yung buhok ko sa salamin ng sasakyan ni kuya at inayos yung buhok ko.
"Oy ikaw Kiara may pinagagandahan ka ba diyan sa school niyo ha?" Ayy eto nanaman si kuya eh.
YOU ARE READING
Sweven(On going)
Teen FictionI thought it was all real but after knowing it all I got confused, my heart got confused, my mind got confused. Paano ko ito sisimulang muli kung ang buong ako ay gulong gulo na, at paano muli akong magsisimula kung ang puso ko ay nabihag mona. Ma...