"Kiara may pupuntahan ka ba ngayon?" Bungad agad sakin ni kuya pagbaba ko.
"Wala naman,bakit?"
"Tara samahan moko sa mall, mag shopping tayo"
"Baliw ka ata kuya eh. Shopping mo diyan?"
Natawa siya sa sinabi ko. Alam ko naman na nagbibiro lang siya pero gusto ko din siyang ibiro.
"Sige na samahan mo na ako bibili tayo ng mga regalo"
"Sige na nga" sasamahan ko na lang din siya tutal may bibilhin din ako.
Kumain muna kami ni kuya at nag-ayos pagkatapos non ay nagpaalam na kami kay mommy at dumeretso na sa mall. Nang makarating kami sa mall ay may nakita akong ice cream store. Inaya ko agad si kuya don.
"Kuyaa oh ice cream libre mokoo"
"Oy Kiara kakatapos lang natin kumain ah. Kakain ka nanaman"
"Eh ice cream lang naman yan"
Tiningnan niya ako ng masama pero tiningnan ko siya ng nagmamakaawa na bilhan ako.
Medyo nainis pa siya nang napapayag ko siya. "Sige na nga bilisan mo pumili ka na"
"Yeyyy salamat kuya mamaya ulit ha bago tayo umuwi" he was shocked sa sinabi ko. Natawa naman ako.
"Ang takaw mo talaga" tinawanan ko lang siya at inubos na ang ice cream ko. Nang matapos ay dumeretso na kami sa loob. Bibili daw siya ng damit para kay mommy. Yun daw yung ibibigay niya.
"Kuya don ohh. Dyan palagi pumipili si mommy pag pupunta kami dito" turo ko duon sa may dress section. Mahilig si mommy sa mga dress kaya halos sa mga damit niya sa closet ay puro dress.
Pumili lang kami ni kuya ng dress na sa tingin namin ay magugustuhan ni mommy. Bumili lang din siya ng ibang mga regalo para sa mga kaibigan niya.
"May bibilhin ka pa ba?" Tanong niya nang sa tingin ko ay tapos na siya.
"Punta tayo sa bookstore may titingnan lang ako sandali" tumango lang siya at dumeretso na kami sa bookstore. Naghanap ako ng mga libro na binabasa ni Stella. Nang may makita ay inaya ko na si kuya sa counter para magbayad.
"Is that for you?" Tanong niya. Ngumiti ako sakanya at umiling. "For who then?"
"For Stella. She loves to read this kind of books" tumango lang siya at binayaran ko na ang libro. Lumabas na din agad kami pagkatapos.
Nagisip pako kung may iba pa ba akong bibilhin. Naka bili na rin naman para kela mama at kuya. Naisip ko si EJ hindi pa ako naka bili para sakanya kaso natakot ako kasama si kuya baka sermonan pako. Bukas nalang ako bibili after class.
"Wala na akong bibilhin. Ikaw?"
"Wala na. Umuwi na tayo?" Nagisip ako kung gusto ko na bang umuwi ayaw ko pa eh. Parang na bo bored ako sa bahay. Naisip ko na lang na ayain siya maglaro.
"Kuya laro muna tayo. So we can bond?" Nagisip pa siya pero pumayag din naman. Pumunta muna siya sa sasakyan niya para ilagay ang mga pinamili namin. Habang hinihintay ko siya ay nag vibrate ang phone ko at nakita ang text sakin ni EJ.
From: Emmanloloko
Busy ka?To: Emmanloloko
Yeah kinda I'm with kuya. We're at the mall.
YOU ARE READING
Sweven(On going)
Teen FictionI thought it was all real but after knowing it all I got confused, my heart got confused, my mind got confused. Paano ko ito sisimulang muli kung ang buong ako ay gulong gulo na, at paano muli akong magsisimula kung ang puso ko ay nabihag mona. Ma...