Nagulat ako ng gisingin ako ni mommy alas sais ng umaga. Usually kasi hindi niya ako ginigising. Nagigising lang ako sa alarm ko.
"Anak gising na" bungad niya pagmulat ko ng mga mata ko.
"Mommy? Nakalimutan mo ba eight o clock pa po yung klase ko six palang bat moko ginising?"
"May bisita ka sa baba mag-ayos ka na kanina pa siya naghihintay sayo" nagulat ako sa sinabi ni mommy bisita? Sino naman kaya yon?
Umalis na agad si mommy pagkatapos niya sabihin yon. Wala akong may naalala na may bibisita sakin ngayon pero nag-ayos nalang din ako. Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na agad ako. Nagulat ako ng makita si Emmanuel.
"Oh Emmanuel? Ano ginagawa mo dito?" Tiningnan ko si mommy at tumango lang siya nang nakangiti. Para bang sinasabi niyang si EJ yung bisita ko.
"Good morning Kiara. Andito ako para sunduin ka." Nakangiti niyang sagot. "Sa labas nalang din tayo mag breakfast"
Tiningnan ko ulit si mommy at tumango siya sakin. "Wag kang mag-alala alam na ni tita na sabay tayo mag breakfast" dagdag niya.
"Ohh good morning okay sige. Mauna ka nalang sa kotse mo susunod lang ako" tumango lang siya at nagpaalam kay mommy.
Paglabas niya ng bahay ay lumapit agad ako kay mommy "Mom tulog pa po ba si kuya?"
"Oo bakit?"
" Ano kasi wag mong sabihin sakanya na sinundo ako ni Emmanuel ha. Kasi baka magalit siya."
"Bakit siya magagalit kay EJ?"
"Mom kasi long story kwento ko po sainyo sa sunod kailangan ko na po umalis naghihintay si EJ sa labas"
"Okay sige ako nang bahala sa kuya mo mag ingat kayo ni EJ ha. Wo ai ni" ( I love you)
"Wo ye ai ni ma ma" ( I love you too mom) sagot ko.
Pagkatapos namin mag-usap ni mommy ay kinuha ko lang ang mga gamit ko sa kwarto ko at lumabas na ng bahay. Pumasok agad ako sa kotse ni EJ.
"Bakit hindi ka nagsabi na susunduin moko? Ang aga mo pa ako sinundo" tanong ko agad sakanya.
"Gusto kasi kitang isurprise eh. Did I disturb your sleep?" Nakangiti niyang tanong.
"Yes you did" umiwas agad ako ng tingin sakanya. Pinipigilan niyang matawa. Seriously? Tatawanan niya pa ako? Tiningnan ko siya ng masama kaya tumigil na din siya.
"Sorry na. San mo ba gusto kumain?" He asked.
"Sandali ayaw mo bang sa loob na lang kumain? Masarap naman magluto si mom eh" tanong ko.
Nag-isip muna siya. "Pwede din naman wala akong maisip na magandang makainan eh" tatawa tawa niyang sagot. Baliw talaga nag-aya pang kumain sa labas hindi naman alam saan.
"Baliw ka talaga sige na tara balik tayo sa loob" nauna na akong lumabas ng kotse niya sumunod na lang din siya. Nagulat si mom nang makita kami ulit pumasok sa loob.
"Oh bakit kayo bumalik may nakalimutan ka ba Kiara?"
"Wala po. Sabi ko po kasi kay EJ dito na lang kami kakain. Wala din po kasi siyang maisip kung saan kami kakain." Paliwanag ko kay mommy.
YOU ARE READING
Sweven(On going)
Teen FictionI thought it was all real but after knowing it all I got confused, my heart got confused, my mind got confused. Paano ko ito sisimulang muli kung ang buong ako ay gulong gulo na, at paano muli akong magsisimula kung ang puso ko ay nabihag mona. Ma...