RPW 7

90 19 0
                                    

Portia.

I woke up feeling lightheaded. Ang sakit ng ulo ko. Nakailan ba ko kahapon? Tatlo? Limang bote?

Bumaba na ako papuntang sala. Hinalikan ko sa pisngi ang aking mama.

"Morning ma, umuwi na ba si Bea?"

"Hindi pa, nasa guest room sya. Nalasing din kagabi, ano bang nangyari sainyo?"

"Wala po ma..."

Ayokong sabihin sa mama ko dahil alam kong mag aalala na naman siya. Ako muna at si Bea ang makakaalam hanggang makaheal ako.

Pumunta na ako sa guest room at dali-dali syang pinuntahan. Dahil only child ako, si Beatrice ang itinuturing ko ng kapatid, simula bata ako kasama ko na siya lalo na’t magkaibigan din ang aming mga magulang.

Pagkarating ko ron, nadatnan ko syang nakahilata habang nasa tenga ang phone, may ka-call yata 'to ah.

Napatingin naman siya sa gawi ko at pinatay saglit ang call.

"Kamusta na ang pinakamamahal kong best friend?"

Ngumiti naman ako na hindi umabot sa mata, "Hindi ko alam kung kakayanin ko bes, antagal din kasi namin eh."

"Matagal ang mag-heal pero worth it, tandaan mo na nandito lang ako palagi."

Rpw Serye #1 : You Complete Me, AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon